Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Espasyo-panahon"

walang buod ng pagbabago
Sa pisika, ang '''espasyo-oras'''(sa Ingles ay '''spacetime, space-time''' o '''space time''') ay anumang matematikong modelo ng pinagsasamang espasyo at oras sa isang solong continuum. Ang espasyo-oras ay karaniwang pinakakahulugang pinagsamang espasyo ng tatlong dimensyon at oras kung saan ang oras ang ika-apat na dimensyon. Ayon sa ilang mga persepsyong Euclidean ng espasyo, ang uniberso ay may tatlong mga sukat ng espasyo at isang sukat ng oras. Sa pamamagitan ng pagsasama ng espasyo at oras sa isang manifold, pinasimple ng mga pisiko ang paglalarawan ng maraming teoryang pisikal, gayundin paglalarawan ng paggalaw ng uniberso sa paraang pare pareho sa antas [[supergalaktiko]] at [[subatomiko]].
 
[[Image:Coord planes color.svg|right|thumb|300px|Tatlong dimensyon ng sistemang coordinate. Sa isang bagay, ito ay tumutukoy sa haba, lapad at taas nito ]]
Sa klasikal na mekanika, ang paggamit ng Euclidean espasyo sa halip na pinagsamang espasyo at oras ay angkop dahil ang oras ay itinuturing bilang pangkalahatan at pare pareho na independiyente sa estado ng paggalaw ng isang tagamasid. Sa kontekstong relativistiko naman, ang oras ay hindi maaaring hiwalay sa tatlong dimensyon ng espasyo, dahil ang inoobserbahang bilis ng lumilipas ng oras ng isang bagay ay depende sa bilis ng bagay relatibo sa nagmamasid at sa lakas ng gravitational field, na maaaring magpabagal ng paglipas ng oras.
 
11,766

edits