Sakit sa pag-iisip: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
m r2.4.3) (robot binago: zh:精神病
No edit summary
Linya 1:
Ang '''sakit sa pag-iisip''' o '''disordengdiperensiya mentalsa pag-iisip''' (Ingles: ''mental illness'' o ''mental disorder'') ay isang [[karamdaman]] sa [[isipan]]. Karaniwang ang kilos, galaw, asal, o ugali ng mga taong may sakit sa isipan, o kaya may kakaibang mga isipin o iniisip, ayon sa pananaw ng ibang mga tao. May partikular na mga karamdaman sa pag-iisip na umiiral na mula pa lamang pagkapanganak, na nagresulta sa isang disorden sa panganganak. May iba namang umuunlad o lumilitaw sa panahon ng buhay ng isang tao. Nagbago na ang itinuturing bilang isang sakit sa pag-iisip sa paglipas ng mga panahon. Ang itinuturing na isang karamdaman sa isipan ay maaaring hindi itinuturing na sakit sa pag-iisip sa ibang mga kultura o kalinangan.
 
==Klasipikasyon ng mga sakit sa pag-iisip==
{{usbong|Sikolohiya}}
Sa kasalukuyan ay may dalawang nilikhang sistema para uriin ang mga sakit sa pag-iisip:
ang ''[[Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders]]''(DSM-IV) na nilikha ng [[American Psychiatric Association]] (APA) at ang ''ICD-10 Chapter V: Mental and behavioural disorders'' na bahagi ng International Classification of Diseases na nilikha ng [[Organisasyon ng Pandaigdigang Kalusugan]](World Health Organization o WHO).
 
===Sistemang multi-axial ng DSM-IV===
Ang DSM-IV ay nagpapangkat ng mga saykaytrikong dayagnosis sa limang dimensyon o aksis na tumutukoy sa iba't ibang aspeto ng diperensiya o kapansanan:
* Axis I: Mga diperensiyang klinikal kabilang ang karamihan ng mga sakit sa pag-iisip at diperensiya sa pagkatuto at diperensiya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot
* Axis II: Mga diperensiya sa personalidad at kapansanang intelektwal(bagama't ang mga diperensiya sa pag-unlad gaya ng [[Awtismo]] ay isinama sa axis II ngunit ito ay kasama na ngayon sa axis I)
* Axis III: Mga akyut na kondisyong medikal at mga pisikal na kapansanan
* Axis IV: Psaykosoyal at pangkapaligirang mga paktor na nag-aambag sa sakit.
* Axis V: Global na pagsusuri ng pagkilos o global na pagsusuri ng pagkilos para sa mga bata at tinedyer sa ilalim ng 18 taong gulang.
 
Common Axis I na mga diperensiya ay kinabibilangan ng [[depresyon]], [[diperensiyang pagkabalisa]], [[diperensiyang bipolar]], [[ADHD]], diperensiyang spektrum ng awtismo, anorexia nervosa, bulimia nervosa, at [[schizophrenia]].
 
Common Axis II na mga diperensiya ay kinabibilangan ng: [[diperensiyang paranoid na personalidad]], [[diperensiyang schizoid na personalidad]], [[diperensiyang schizotypal na personalidad]], [[diperensiyang borderline na personalidad]], [[diperensiyang antisosyal na personalidad]], [[diperensiyang narsisistiko na personalidad]], [[diperensiyang histrioniko na personalidad]], [[diperensiyang pag-iwas na personalidad]], [[diperensiyang umaasa na personalidad]], [[diperensiyang obsesibo-kompulsibo na personalidad]]; at mga [[kapansanang intelektwal]].
 
Common Axis III na mga diperensiya ay kinabibilangan ng: pinsala sa utak at iba pang medial/pisikal na diperensiya na maaaring magpatindi ng mga umiiral na karamdaman at kasulukuyang sintomas. existing diseases or present symptoms similar to other disorders.
 
==Mga sanhi ng sakit sa pag-iisip==
Ang isang sakit sa pag-iisip ay maaaring magmula sa kombinasyon ng mga dahilan. Ang isang karaniwang pinaniniwalaang pinanggalingan ng sakit sa pag-iisip ang [[genetiks]] na pinalala ng mga nakapagpapabalisang dahilan na nakukuha sa kapalagiran. Ang tawag sa hipotesis na ito ay Diathesis-stress model. Sa mga pagsasaliksik, ang mga [[genes]] na namamana ng isang anak sa isang magulang na may sakit sa pag-iisip ay may malaking papel sa paglikha ng sakit sa pag-iisip sa isang indibdwal. Bukod dito, ang ilang pang dahilan na pininiwalaang sanhi ng sakit sa pag-iisip ang: ang mga pangyayari sa kapaligiran na nangyayari sa pagbubuntis at pagsilang ng isang indibidwal; mga trawmatikong pinsala sa pag-iisip gaya ng malakas na pagkabangga sa ulo ng tao; ang hindi normal na paggana ng [[neurotransmitter]] sa utak kabilang ang [[serotonin]], [[norepinephrine]], [[dopamine]] at [[glutamate]]; pagkakaiba ng sukat ng ilang rehiyon ng utak at mga aktibidad nito; mga sikolohilikal na mekanismo ng isang indibidwal gaya ng kognitibo(pangangatwiran), mga emosyonal na proseso, pagkatao, ugali at paraan ng pagtanggap sa isang mahirap na problema(coping mechanism); mga sosyal na impluwensya kabilang ang pang-aabuso, pananakot(bullying) at iba pang mga negatibo o nakakabalisang karanasan sa buhay gaya ng problema sa trabaho, kawalan ng suportang sosyal, at paglipat sa bagong lugar.
 
==Mga paraan ng paggamot==
May iba't ibang mga uri ng paggamot na ginagawa sa mga spesipikong sakit sa pag-iisp kabilang dito ang [[sikoterapiya]], medikasyon(gamot), at Electroconvulsive therapy.
===Sikoterapiya===
Ang Cognitive behavioral therapy (CBT) ay batay sa pagbabago ng mga paterno ng pag-iisip at pag-uugali na nauugnay sa isang partikular na diperensiya.
 
===Medikasyon===
Ang mga [[antidepresant]] ay ginagamit sa paggamot ng [[depresyon]] pati na rin sa pagkabalisa(anxiety) at iba pang mga sakit. Ang [[ansiyolitiko]] ay ginagamit para sa mga sakit pagkabalisa at mga kaugnay na mga problema tulad ng [[insomya]]. Ang [[nagpapakalma ng damdamin]](mood stabilizer)ay ginagamit sa sakit na [[diperensiyang bipolar]]. Ang mga [[antisikotiko]] ay ginagamit para sa mga diperensiyang sikotiko tulad ng [[skisoprenya]]. Ang mga [[pampagising]](stimulant) ay karaniwang ginagamit sa sakit na [[ADHD]].
===Electroconvulsive therapy===
Electroconvulsive therapy (ECT), dating kilala bilang electroshock, ay isang saykayatriko paggamot kung saan ang mga seizure ay nililikha gamit ang [[elektrisidad]]. Ito ay isang opsyon sa kaso ng [[depresyon]] na hindi tumutugon sa mga medikasyon at sikoterapiya.
 
==Epidemyolohiya==
Ang mga sakit sa pag-iisip ay karaniwan. Sa buong mundo, ang isa sa tatlong mga tao sa karamihan ng mga bansa ay may ulat na mga kriteria sa isang sakit sa pag-iisip.<ref>WHO International Consortium in Psychiatric Epidemiology (2000) [http://www.scielosp.org/scielo.php?script=sci_arttext&pid=S0042-96862000000400003&lng=&nrm=iso Cross-national comparisons of the prevalences and correlates of mental disorders] ''Bulletin of the World Health Organization'' v.78 n.4</ref> Sa Estados Unidos, ang dami ng mga spesipikong sakit sa pag-iisip ay: [[diperensiya ng pagkabalisa]](anxiety disorder)(28.8%), diperesensiya ng damdamin(mood disorder)(20.8%), impulse-control disorder (24.8%) at pagabuso ng droga(14.6%)<ref>{{Cite journal |author=Kessler RC, Berglund P, Demler O, Jin R, Merikangas KR, Walters EE |title=Lifetime prevalence and age-of-onset distributions of DSM-IV disorders in the National Comorbidity Survey Replication |journal=Arch. Gen. Psychiatry |volume=62 |issue=6 |pages=593–602 |date=June 2005|pmid=15939837 |doi=10.1001/archpsyc.62.6.593 }}</ref><ref>{{Cite journal |author=Kessler RC, Chiu WT, Demler O, Merikangas KR, Walters EE |title=Prevalence, severity, and comorbidity of 12-month DSM-IV disorders in the National Comorbidity Survey Replication |journal=Arch. Gen. Psychiatry |volume=62 |issue=6 |pages=617–27 |date=June 2005|pmid=15939839 |doi=10.1001/archpsyc.62.6.617 |pmc=2847357 }}</ref><ref>US National Institute of Mental Health (2006) [http://www.nimh.nih.gov/publicat/numbers.cfm The Numbers Count: Mental Disorders in America] Retrieved May 2007</ref>
==Tignan din==
*[[Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders]]
==Sanggunian==
{{reflist}}
[[Kategorya:Sikolohiya]]
[[Kategorya:Karamdaman]]
[[Kategorya:Sikiyatriya]]
[[Kategorya:Sosyolohiya]]
{{usbong|Sikolohiya}}
 
[[an:Malautía mental]]
[[ar:مرض عقلي]]