Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Espasyo-panahon"

walang buod ng pagbabago
 
Sa kosmolohiya, ang espasyo-oras ay pinagsasama ang espasyo at oras sa isang abtrakstong [[uniberso]]. Sa matematika, ito ay isang uri ng [[manipoldo]](isang espasyong topolohikal na sa maliliit na bahagi ay tulad ng espasyong Euclidian) na binubuo ng mga "kaganapan" na kung saan ay inilarawan sa pamamagitan ng isang uri ng sistemang koordinato. Karaniwan ay kinakailangan ang tatlong dimensyong pang espasyo (haba, lapad, taas), at isa dimensyong temporal (oras). Ang mga dimensyon ay mga independiyenteng bahagi ng isang coordinate grid na kinakailangan upang mahanap ang isang tuldok sa isang espasyo. Halimbawa, sa globo, ang latitud at longhitud ay dalawang independiyenteng coordinate na kung pagsasamahin ay maaring tumukoy sa isang lokasyon sa globo. Sa espasyo-oras, ang isang grid ng koordinato na sumasaklaw sa 3 + 1 dimensyon na tumutukoy sa mga pangyayari (sa halip na tuldok lamang sa espasyo), ibig sabihin, ang oras ay idinagdag bilang isa pang dimensyon sa grid coordinate. Sa ganitong paraan, ang koordinate ay tumutukoy kung saan at kailan naganap ang isang pangyayari. Ngunit ang pinagsamang kalikasan ng espasyo-oras at ang kalayaan ng pagpipiliang sistemang coordinate ay nangangailangan ng parehong coordinate ng espasyo at oras sa ibang sistemang coordinate. Hindi tulad sa normal na espasyal na koordinato, meron pa ring restriksyon kung paano ang sukat ay gagawin sa espasyo at oras. Ang mga paghihigpit na ito ay tumutugma halos sa isang partikular na matematikong modelo na naiiba sa espasyong Euclidean sa simetria(pagkakapareho) nito.
[[Kategorya:Pisika]]