Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Halalan"

walang buod ng pagbabago
m (Eleksiyon nilipat sa Halalan)
[[File:Election MG 3455.JPG|thumb|right|isang kahon ng [[balota]]]]
Ang '''eleksiyon''' o '''halalan'''(election) ay isang pormal na proseso ng pagpapasiya kung saan ang isang [[populasyon]] ay pumipili ng mga indibidwal na hahawak ng isang publikong opisina. Ang mga eleksiyonhalalan ang karaniwang mekanismo kung saan ang modernong kinatawan ng [[demokrasya]] ay isinasagawa simula ika-17 siglo. Ang mga eleksiyonhalalan ay maaaring humalal ng [[sangay na ehekutibo]], mga miyembro ng [[lehislatura]], at minsan ay ng [[hudikatura]] gayundin ng mga miyembro ng pangrehiyon at lokal na [[gobyerno]]. Ang prosesong ito ay isinasagawa rin sa maraming mga pribado at pang-negosyong mga organisasyon.
 
==Petsa ng halalan==
Ang kalikasan ng demokrasya ay ang mga nahalal na opisyal ay nananagot sa mga botanteng humalal dito at ang mga politikong ito ay dapat bumalik sa mga botante upang humingi ng mandato upang magpatuloy sa opisina. Sa dahilang ito, ang mga demokratikong institusyon ng mga bansa ay nagtatakda ng pagdadaos ng halalan sa isang takdang panahon. Sa [[Estados Unidos]], ang mga halalan ay idinadaos sa pagitan ng tatlo at anim na taon sa maraming mga estado maliban sa [[kapulungan ng mga representatibo]] na inihahalal bawat 2 taon. Sa pagkapangulo, ang itinakdang petsa ay iba iba sa bawat bansa. Halimbawa sa [[Ireland]], ang pangulo ay inihahalal bawat 7 taon, sa [[Finland]] at [[Pilipinas]], bawat 6 na taon, sa [[Pransiya]], bawat 5 taon, sa [[Russia]] at [[Estados Unidos]], bawat 4 na taon. Sa ilang bansang may [[sistemang parliamentaryo]], ang pagtawag ng halalan ay depende sa kung ang gobyernong namumuno ay isang [[gobyernong minoridad]] kung saan ang mga ibang partido ay maaaring pabagsakin ang gobyernong ito kung kelan ng mga ito naisin.
 
==Nominasyon==
Ang isang kinatawang [[demokrasya]] ay nangangailangan ng pamamaraan upang pangasiwaan ang nominasyon para isang opisinang politikal. Sa Estados Unidos, ang mga miyembro ng isang [[partido]] ay humahalal ng mga indibidwal na magiging opisyal na nominee ng partido para sa isang politikal na opisina sa isang halalan. Sa Pilipinas, ang mga nagnanais tumakbo sa isang politikal ay nagpapasok ng ''sertipikado ng kandidasya'' sa [[COMELEC]]. Ang lupon ng COMELEC ay magpapasya kung sino sa mga ito ang kwalipikado bilang kandidato sa isang posisyon sa gobyerno. Ang mga diskwalipikadong mga indibidwal ay tinatawag ng COMELEC na '''nuisance candidate''.<ref>http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20091119-237219/Comelec-vows-to-be-strict-on-nuisance-candidates</ref>
==Kampanya==
Kung ang isang halalan ay tinawag, ang mga kandidato at mga tagasunod nito ay nagsasagawa ng pangangampanya na isang pakikipaligsahan sa ibang mga katunggaling kandidato para sa mga boto ng mga [[konsituente]]. Upang makuha ang mga boto, ang mga kandidato ay naghahayag ng mga plataporma at mga pangako na kanyang ipapatupad o gagawin sakaling mahalal sa posisyon.
==Mga paraan ng ilang mga kandidato upang mahalal==
Ang ilan sa mga ilegal na paraan ng mga kandidato upang mahalal sa halalan ay kinabibilangan ng pagsupil at pagkokontrol ng press gamit ang mga koneksiyon nito upang ang mga botante ay hindi maging sapat na maalam sa mga isyu at mga kandidato. Kabilang din sa mga desperadong paraan ng ilang mga politiko upang manatili sa kapangyarihan ang paninira o [[propaganda]] laban sa mga katunggali, pagsasagawa ng pangingidinap, pagpatay(assassinate) ng katunggali, pananakot o panunuhol(pagbili) ng mga botante, paggamit ng mga sikretong balota, pakikipagsabwatan o panunuhol sa mga opisyal na nangagasiwa sa halalan, pakikielam sa mga balota o makina na ginagamit sa halalan, pagdadag at pagbabawas ng mga boto at iba pa.
 
==Sanggunian==
{{reflist}}
 
[[Kategorya:Politika]]