Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Hinuhang atomiko"

 
Sinasabing ang mga atomo ay pinakamaliit na paghahati ng materya hanggang 1897 nang matuklasan ni [[J.J. Thomson]] ang elektron sa pag-aaral niya ng cathode ray tubes.]<sup>[[9]]<sup> Ang cathode ray tube na ginamit ni Thomson ay isang saradong lalagyang bubog na kung saan ang dalawang [[elektrod]] ay pinaghiwalay ng vacuum. Kapag ang ang [[boltahe]] ay pinaagos sa dalawang elektrod, nagbubunga ito ng cathode rays na ipikikita na isang nagbabagang patsa sa tinatamaang bahagi ng bubog sa kabilang dulo ng tubo. Sa pamamagitan ng eksperimentasyon, natuklasan rin ni Thomson na mga rayos na ito ay napalilihis ng [[larangang elektrikal]] (at [[larangang magnetiko]] na alam na noon). Kanyang ipinalagay na ang mga rayos na ito, sa halip na mga onda, ay binubuo ng mga partikulang may negatibong kargada na tinawag niyang “korpuskula” (na tinawang na elektron nang lumaon ng ibang siyentipiko)
 
Paniwala ni Thomson na ang mga korpuskula ay nagmula sa mga atomo ng elektrod. Dahil dito ipinalagay niya na ang mga atomo ay nahahati at ang mga korpuskula ang bumubuo rito. Upang maipaliwanag ang kabuuang neutral na karga na atomo, kanyang iminungkahi na ang mga korpuskula ay nakakalat na pahaba-bilog na balangkas sa pantay na dagat o ulap ng positibong karga na tinawag na plum pudding model.<sup>[10]<sup>
 
Sa dahilang napatunayan na tunay na nahahati ang atom, inimbento ng mga pisiko ang katagang “elementaryong partikula” upang ipaliwanag ang mga partikulang hindi na mahahati pa.
Ang modelong plum pudding ni Thomson ay pinabulaanan noong 1909 ng isa niyang estudyante, si [[Ernest Rutherford]], na nakatuklas sa kalakhan ng bigat at positibong karga ng isang atomo ay nakasiksik sa isang napakaliit na bahagi sa kabuuang laki nito sa ubod nito.
 
Sa eksperimento sa pohas na ginto, pinaputukan ng mga partikulang alfa nina [[Hans Geiger]] at [[Ernest Marsden]] ang isang pohas na ginto (na tumama sa isang fluorescent screen na nakapalibot sa pohas). <sup>[11]<sup>] Dahil sa napakaliit ng bigat ng mga elektron, ang mataas ng momento ng mga partikulang alfa at kalat na distribusyon ng kargang positobo ng modelong plum pudding, itinaya ng mga sumubok na ang lahat ng partikulang alfa ay lulusot ng halos makitang paglihis o paghigop nito. Nagulat sila nang may maliit na bahagi ng mga partikulang alfa ang nakaranas ng malaking paglihis. Ito ang nagpakita kay Rutherford upang magmungkahi ng planetaryong modelo ng atomo na kung saan ang mga elektron ay lumiligid sa isang siksik at mabigat na nukleyo –katulad ng pag-ikot ng mga tala sa Araw. <sup>[12]<sup>
 
===Pagkakatuklas ng mga aysotops===
Anonymous user