Hinuhang atomiko: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Linya 75:
[[Image:Bohr atom model English.svg|thumb|right|Ang modelong Bohr ng atomo]]
 
Napakalaking pagbabago sa pisika ang dulot ng hinuhang kwantika noong bungad ng siglo 20 nang magpostula sina [[Max Planck]] at Albert Einstein na ang liwanag ay inilalabas o hinihigop sa tiyak na dami na tinatawag ng [[kwanta]] (isahan, kwantum). Noong 1913, isinama ni [[Niels Bohr]] ang ideyang ito sa kanyang modelong Bohr ng atomo na kung saan ang mga elektron ay makaliligid lamang sa nukleyo sa isang partikular ng pabilog na pagligid na may tiyak ng [[momentong angular]] at [[enerhiya]] at kung saan ang layo nito sa nukleyo ay proporsyonal sa kanya-kanyang enerhiya<sup> [16]<sup> Sa modelong ito hindi unti-unting bubulusok ang mga elektron sa nukleyo dahil hindi sila tuluyang mawawalan ng enerhiya; sa halip kisapmatang makaluluksong kwantiko lamang sila sa pagitan ng tiyak ng nibel ng enerhiya. <sup>[16]<sup> Kapag nangyari ito, nagpapalabas o humihigop ito ng liwanag na may prekwensyang proporsyonal sa pagbabago ng enerhiya (at kaya ang paghigop at pagpapalabas ng liwanag ng tiyak at malinaw na espektra). <sup>[16]<sup>
 
Nahulaan lamang ng modelo ni Bohr ay linyang espektral ng hidroheno. Hindi nito mahulaan kung ang atomo ay multi-elektron. Ang masama pa rito, noong lumawig ang teknolohiyang espektrograpika, may mga karagdagong linyang espektral ang bagong namatyagan na hindi rin maipaliwanag ng modelong Bohr. Noong 1916, nagdagdag ng eliptikong ligiran si [[Arnold Sommerfeld]] sa modelong Bohr upang ipaliwanag ang dagdag na palabas na mga linya na nagpahirap sa paggamit ng modelong ito. Hindi rin nito maipaliwanag ang mga kumplikadong atomo.
Noong 1924, nagmungkahi si [[Louis de Broglie]] na ang lahat ng bagay – partikular ang mga subatomikong partikula tulad ng elektron – ay nagpapakita ng ugaling parang onda (alon). Naakit si [[Erwin Schrodinger]] sa ideyang ito at kanyang sinubukan kung mas mainam na ipaliwanag ang kilos ng isang elektron bilang isang onda kaysa isang partikula. Ang [[ekwasyon ni Schrodinger]] ay inilathala noong 1926<sup> [17]<sup> na nagpapaliwanag sa isang elektron bilang isang punsiyong-alon sa halip na isang partikulang tuldok. Eleganteng naipaliwanag nito ang mga balaghang espektral na hindi maipaliwanag ng modelong Bohr. Kahit na konbinyente ito sa paggamit ng matematika, mahirap itong maisalarawan at marami ang laban dito<sup> [18]<sup> Isa sa mga kritiko nito ay si [[Max Born]] na nagmungkahi na ang punsyong-onda ni Schrodinger ay hindi nagpapaliwanag sa elektron bagkus sa lahat ng posibleng katayuan (estado) at sa gayon ay magagamit ito sa pagtutuos sa probabilidad upang masumpungan ang isang elektron sa isang tiyak na lokasyon sa paligid ng nukleyo. <sup>[19]<sup>
 
Noong 1927, itinuro ni [[Werner Heisenberg]] na dahil isinasama ng isang punsyon-onda ang panahon at posisyon, imposibleng mahalaw ng magkasabay ang tiyak na halaga ng posisyon at momento ng isang partikula sa isang alam na panahon<sup>[20]<sup>; ito ay naging kilala bilang [[prinsipyo ng walang katiyakan]].