Guyabano: Pagkakaiba sa mga binago

No edit summary
Soursop(Ingles), guanábana (Kastila), graviola (Portuguese), Brazilian pawpaw, guyabano, corossolier, guanavana, toge-banreisi, durian benggala, nangka blanda, sirsak, nangka londa, mullaatha(Malayalam), shul-ram-fal at hanuman fal.
==Kultibasyon==
Ang halamang guyabano ay itinatanim at pinalalago bilang isang komersiyal na pananim dahil sa prutas nitong may sukat na 20–30 cm /7.87-11.8 pulgada at may timbang na aabot sa 2.5 kg/5.5 lbs. Ang guyabano ay umaangkop sa mga lugar na may mataas na [[humidad]] at relatibong medyo mainit na [[taglamig]]. Ang temperaturang mababa sa 5 °C/41 °F ay magsasanhi ng pinsala sa mga dahon at maliliit na sanga nito at ang mga temperaturang mababa sa 3 °C/37.4 °F ay nakamamatay sa halamang ito.
 
Ang halamang ito ay katutubo sa [[Sentral Amerika]], [[Caribbean]] at, hilagang [[Timog Amerika]], [[Colombia]], [[Brazil]] gayundin sa ilang mga bahagi [[Timog Silangang Asya]] kabilang ang [[Pilipinas]] at [[Indonesia]]. Malayo sa mga katutubong tinutubuan nito, may ilang mga limitadong produksiyon sa timog [[Florida]] ngunit ito ay itinatanim sa mga hardin para sa lokal na konsumpsiyon.
 
Ang laman ng prutas na ito ay binubuo ng makakaing puting [[pulpo]] at panloob na hindi [[dihestiyon|dihestibleng]] mga itim na buto. Ang matamis na pulpo ay ginagamit upang gumawa ng [[juice]] gayundin bilang pampalasa sa iba't ibang pagkain.