Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Faunus"

bantas
(bantas)
Sa [[Relihiyon ng sinaunang Roma|sinaunang relihiyong Romano]] at [[Mitolohiyang Romano|mito]], si '''Faunus''' o '''Fauno''' ay ang [[diyos na may sungay]] ng kagubatan, mga kalatagan, at mga bukirin; nang gawin niyang magkaroon ng kakayahang magkaanak ang mga kawan ng baka at mga katulad na hayop, tinawag siyang [[Inuus]]. Naging katumbas siya sa panitikan ng Griyegong diyos na si [[Pan (diyos)|Pan]].
 
Si Faunus ang isa sa pinakamatandang mga diyos ng sinaunang mga Romano, kilala bilang ''[[di indigetes]]'' o mga indihenang diyos (mga taal o katutubong diyos). Ayos sa epikong makatang si [[Virgil]], si Faunus ay isang maalamat na hari ng mga Latino na dumating na kasama ang kanyang mga tao mula sa Arcadia. Ang kanyang lilim ay kinukunsulta bilang diyos ng propesiya o hula na may pangalang '''Fatuus''', na may mga [[orakulo]]<ref>Para sa orakular na Faunus, tingnan ang [[Virgil]], ''[[Aeneid]]'' vii.81; [[Ovid]], ''[[Fasti]]'' iv.649; [[Cicero]], ''[[De Natura Deorum]]'' ii.6, iii.15 at ''[[De Divinatione]]'' i.101; [[Dionysius ng Halicarnassus]] v.16; [[Plutarch]], ''Numa Pompilius'' xv.3; [[Lactantius]] ''Institutiones'' i.22.9; [[Servius]] hinggil sa ''Aeneid'' viii.314.</ref> sa loob ng [[banal na kahuyan]] ng [[Tibur]], sa paligid ng balon ng [[Albunea]], at sa ibabaw ng [[Burol Aventine]] sa loob ng mismong [[sinaunang Roma]].<ref>Peck 1898</ref>
 
Binigyang diin ni [[Marcus Terentius Varro]] na ang mga tugong orakular ay ibinigay sa mga [[bersong Saturniano]].<ref>Varro, ''De lingua latina'' vii. 36.</ref> Ipinahayag ni Faunus ang hinaharap sa pamamagitan ng mga panaginip at mga tinig na [[Inkubasyon (ritwal)|itinatalastas sa mga taong natutulog]] sa kanyang mga presinto, na nakahimlay sa mga balahibo ng isinakripisyong mga tupa. Iminungkahi ni [[William Warde Fowler|W. Warde Fowler]] na si Faunus ay identikal o kaparis ni [[Favonius]],<ref>{{cite book |author=W. Warde Fowler |authorlink=William Warde Fowler |title=The Roman Festivals of the Period of the Republic: An Introduction to the Study of the Religion of the Romans |url=http://www.archive.org/details/romanfestivalsof00fowluoft |accessdate=2007-06-07 |year=1899 |publisher=Macmillan and Co. |location=London |page=259 }}</ref> isa sa mga [[diyos ng hangin]] ng sinaunang mga Romano (paghambingin ang mga [[Anemoi]]).
166,389

edits