Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Lungsod"

Kinansela ang pagbabagong 952038 ni 112.204.100.107 (Usapan)
(Kinansela ang pagbabagong 952038 ni 112.204.100.107 (Usapan))
Ang '''lungsod''' ay isang pook na may makapal na [[populasyon]]. Binubuo ito ng mga gusali o bahay na pangtirahan, pangindustriya at pangkalakal kasama ng mga gawaing pangangasiwa na maaaring makipagugnay sa isa pang malaking lugar. Mga lansangan, kalye at bahay ang malaking bahagdan ng isang lungsod.
==Kasaysayan==
Ang mga lungsod at bayan ay mayroong mahabang kasaysayan, kahit na ang mga opinyon ay nagkakaiba-iba kung ituturing na lungsod ang ibang mga sinaunang mga pamayanan.
Ang mga unang lungsod ay naitatag upang magsilbing sentro ng kalakalan para sa ikabubuti ng mga mamamayan na nabibilang dito. Ang unang mga bayan ay minsa'y itinuturing na mga malalaking pamayanan kung saan ang mga nakatira dito ay hindi na mga simpleng magsasaka ng isang lugar, kundi ay nagtrabaho na ng ibang mas mataas na trabaho kaysa magsasaka.
===Sinaunang Panahon===