Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Orgiya"

dagdag
(dagdag)
(dagdag)
Sa pangkaraniwang paggamit, ang '''Orgia''' o '''Orgiya''', na kilala sa Ingles bilang ''orgy'', ay isang pangyayari kung kailan mahigit sa dalawang tao ang [[nagtatalik]] na magkakasama, na minsang tinatawag na '''pangkatang pagtatalik''' o '''pampangkat na pagtatalik'''. Sa ibang kahulugan, ang orgiya ay isang gawain o aktibidad na isanasagawa na walang limitasyon o hangganan o pagbabawal. Orihinal na nagmula ang salita mula sa [[Latin]], na may orihinal na kahulugang tumutukoy sa isang [[piyesta]] o malaking salu-salo at handaan ng isang mayamang mamamayan. Kapag kumakain ang [[sinaunang mga Romano]], sila ay halos nakahiga na, at ang pagkain ay dinadala sa kanila ng mga [[alipin]]. Ang mga aliping ito ang nagbibigay din ng kaaliwan na pangkaraniwang kinasasangkutan ng [[tugtugin]] at [[sumasayaw]] na mga alipin.
 
Sa makabagong paggamit ng salita, ang orgiya ay isang [[handaang pangpagtatalik]] o [[piging ng pagtatalik]] kung saan ang mga panauhin ay nagsasagawa at nakikilahok sa [[walang pakundangan]] (''promiscuous'' o ''promiscuity'' sa Ingles, walang delikadesa) o sari-saring [[gawaing pampagtatalik]] o pagtatalik na pampangkat. Ang orgiya ay kahalintulad ng '''Pag-aalibugha''' o '''Paglalango''' (''debauchery'' sa Ingles), na tumutukoy sa labis na pagkalulong sa kamunduhan o kaligayahang pangmundo at walang tuos na pamumuhay, partikular na ang pagpapasasa sa mga kaligayahang sensuwal at seksuwal.
 
Naiiba ang orgiya mula sa ilang mga handaan ng mga [[nakikipagpalitan ng katalik]] o kapareha (mga ''swinger'' o ''partner swapper'' sa Ingles) dahil sa ang mga magkakapareha sa maraming mga pagsasalu-salo ng mga nagpapalitan ng katalik ay nakikilahok sa pandalawahang tao na pagtatalik o kaya kumbensiyonal na mga gawaing pampagtatalik, bagaman hindi sa kanilang pampalagian o permanenteng [[katambal sa pagtatalik]]. Ang orgiya ay katulad ng ibang mga uri ng mga salu-salo ng mga nagpapalitan ng katalik sa diwa na ang mga magkakatambal sa ilang mga salu-salo ng mga nagpapalitan ng katalik ay nakikilahok sa pagtatalik na katalik ang samu't saring iba pang mga katalik pati na ang pakikipagpalitan ng mga kapareha.
166,389

edits