Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Orgiya"

kawing
(dagdag)
(kawing)
Naiiba ang orgiya mula sa ilang mga handaan ng mga [[nakikipagpalitan ng katalik]] o kapareha (mga ''swinger'' o ''partner swapper'' sa Ingles) dahil sa ang mga magkakapareha sa maraming mga pagsasalu-salo ng mga nagpapalitan ng katalik ay nakikilahok sa pandalawahang tao na pagtatalik o kaya kumbensiyonal na mga gawaing pampagtatalik, bagaman hindi sa kanilang pampalagian o permanenteng [[katambal sa pagtatalik]]. Ang orgiya ay katulad ng ibang mga uri ng mga salu-salo ng mga nagpapalitan ng katalik sa diwa na ang mga magkakatambal sa ilang mga salu-salo ng mga nagpapalitan ng katalik ay nakikilahok sa pagtatalik na katalik ang samu't saring iba pang mga katalik pati na ang pakikipagpalitan ng mga kapareha.
 
Ang pakikiisa sa isang orgiya ay isang karaniwang [[pantasyang seksuwal]], at ang mga orgiya ay kinakatawan sa mga panitikang popular at mga pelikula, natatangi na sa mga [[pelikulang pornograpiko|pelikulang]] [[pornograpiko]].
 
Sa iba pang paggamit, ang katagang orgiya ay ginagamit din sa mga ekspresyon o pananalita na nagpapahiwatig ng sobra o walang pinipili, katulad ng mga pariralang "orgiya ng mga kulay" o kaya ang "orgiya ng pangwawasak".
166,389

edits