Hilagang Mindanao: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Linya 76:
 
 
== Mga Lungsod==
== Quezon City Unvails Tandang Sora Marker==
 
<big>Misamis Occidental | Lanao Del Norte | Iligan City | Misamis Oriental Bukidnon | Cagayan De Oro<big>
<big>[[http://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Hilagang_Mindanao&action=edit&section=6]Baguhin]</big>{{reflist}} <small>By Gloria Esguerra Melencio
 
(Women in the male-centered Philippine history books have been absent for a long time. Thanks to the “herstorians” (her story writers) who penned the Women In the Philippine Revolution , a book where one can find the life of Melchora Aquino whose 200th birth commemoration falls on 6 January 2012.)</small>
 
<big>Mabibigyang buhay ang nakasulat sa dyip na Tsora, pinaigsing katawagan sa Tandang Sora, isang lugar sa Quezon City na ipinangalan kay Melchora Aquino. O ang mga paaralan o bulwagang ipingalan sa kanya. Lalo na ngayong ililipat ng pamahalaang Quezon City ang kanyang mga labing nakalibing sa Himlayang Pilipino tungo sa Banlat, Tandang Sora sa Quezon City, lugar kung saan siya ipinanganak at nabuhay nang matagal.
 
Isasakay sa karwahe ang kanyang mga labi. Imamartsa ito mula Himlayan tungong Banlat habang nakabalot ng bandila ng Pilipinas ang kanyang kabaong. Magsisilbi itong marker sa bantayog na paglalagakan sa kanya – isang anyo ng pagdakila sa matandang babaeng ipinatapon sa Guam kasama ang iba pang kasapi ng Katipunan noong 2 Setyembre 1896.
 
Si Tandang Sora ang pinakamatandang kasapi ng Katipunan sa edad na 84. Marunong siyang manggamot ng sugat ng kanyang mahihirap na kapitbahay; pati na ng panlalabo ng mga paningin at pag-alis ng puwing.
 
Magsasaka ang mga magulang ni Tandang Sora na sina Juan Aquino at Valentina de Aquino ng Gulod sa Banilat (Banlat), Caloocan (bahagi na ng Quezon City sa kasalukuyan). Matapos ang pagiging Reyna sa Santacruzan at pagiging mang-aawit sa mga piging, napangasawa niya si Fulgencio Ramos, cabeza de barangay at tinatawag na “Pantalakong” o “Ingkong.” Tinatawag naman si Tandang Sorang “Nanang” ng kanyang mga apo at “Kabesang Sora” ng kanilang mga kapitbahay.
 
Mayroon silang anim na anak, tatlong lalaki at tatlong babae. Nang mabiyuda siya, sinuportahan niya ang kanilang anim na anak sa pamamagitan ng pagsasaka sa 25-ektaryang lupaing naiwan ng kanyang asawa. May 15 katao siyang katuwang sa pag-aasukarera, pag-aalaga ng mga punongkahoy at mga kalabaw.
 
Sa harap ng tahanan ng kanyang panganay na anak na si Juan Ramos sa Pugad-Lawin, Bahay-Toro (sakop noon ng Kalookan) naganap ang pagpunit ng sedula ng 1,000 kataong tumututol sa pananakop ng mga Espanyol. Naganap ito noong madaling araw ng 23 Agosto 1896 na hindi umuulan at kabilugan ng buwan.
 
Kinabukasan, 24 Agosto 1896, ginanap ang pulong ng mga pangulo ng Katipunan sa bahay ni Tandang Sora sa Banlat. Dati nang isinasagawa rito ang mga lihim na pulong ng Katipunan. Naganap ang pulong mula ikasiyam ng gabi hanggang madaling araw. Nang biglang dumating ang mga guardia civil dahil itinuro ang bahay ni Tandang Sora ng isang espiya, nagpulasan ang mga Katipunero sa iba’t ibang direksyon.
 
Sa payo ni Andres Bonifacio, tumakas rin si Tandang Sora kasama ang kanyang pamilya patungo sa Novaliches. Sinunog ng mga Espanyol ang kanyang bahay matapos matagpuang walang tao ito.
 
Nahuli ng mga guardia civil si Tandang Sora sa Pasong Putik sa Novaliches noong 29 Agosto 1896. Ikinulong siya sa Old Bilibid Prison sa Manila matapos ito.
 
Ipinatapon sa Guam si Tandang Sora kasama ang 171 Pilipinong deportado. Kasama si Segunda Puentes Santiago ng Sta. Mesa na nahuli sa labanan sa Pinaglabanan sa San Juan del Monte noong 30 Agosto 1896, inakusahan si Tandang Sora ng sedisyon at rebelyon.
 
Sakay ang barkong Espanyol na Churruca, 57 bilanggong Pilipino ang dinala sa Yap Island; 57 sa Ponape; at 57 rin sa Guam. Ibinilanggo ang mga lalaking detenido sa Marianas Islands samantalang inilagak naman sina Tandang Sora at Segunda sa bahay ni Don Justo Dungca sa Agana. Isang mayamang Pilipinong taga-Pampanga si Dungca na matagal nang naninirahan sa Guam.
 
Matapos ang pitong taong pagkakabilanggo, ibinalik sa Pilipinas si Tandang Sora sakay ng US Uranus sa edad na 91. Walang nakakaalam ng kanyang pag-uwi mula Guam kaya mag-isa siyang bumalik sa kanilang tahanan sa Banlat, ayon sa kanyang mga apo.
 
Tahimik na pumanaw si Tandang Sora sa tahanan ng kanyang anak na si Saturnina sa edad na 107. Inilibing siya sa Musoleo ng mga Beterano ng Rebolusyong Pilipino sa La Loma, North Cemetery bago inilipat sa Himlayang Pilipino sa Quezon City, isang pook na abot-tanaw mula sa kanyang sinilangang tahanan sa Gulod sa Banlat.
 
Source: Rafaelita Hilario Soriano (Editor), Isagani R. Medina, Melchora Aquino in Women in the Philippine Revolution, Printon Press, SFDM, Quezon City, 1995.
 
Photo Credit: Reprinted from the same book, page 14.
 
Caption: Kuha ang larawan nang papasakay na si Melchora Aquino sa barkong Churruca upang ipatapon ng Espanya sa Guam.<big>
 
==Mga Kawing Panlabas==