Literal na pagsasalinwika: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
AnakngAraw (usapan | ambag)
sa
No edit summary
Linya 1:
Ang '''literal na pagsasalinwika''', na tinatawag ding '''tuwirang pagsasalinwika''', '''direktang pagsasalinwika''', '''diretsong pagsasalinwika''', '''diretsuhang pagsasalinwika''', o '''diretsahang pagsasalinwika''', ay ang isang gawain ng [[pagsasalinwika]] o paglalapat ng salitang katumbas ng isang salita o kaisipan na nahahayag sa ibang wika, na maaaring nakaayon sa tahasang sinasabi o binabasa. Kadalasan itong matutunghayan sa mga panulat sa wikang Filipino kung saan karaniwang kagawian ang Pagsasaling Literal ng mga salitang Ingles sa mga katumbas nilang kasalinan sa wikang Filipino. Kaiba sa sining ng Pagsasalingwika, ang Pagsasaling Literal ay nakatuon lamang sa natutukoy na partikular na salita. Ang paksain ng Pagsasaling Literal ay ang bokabulayo ng wika hindi tulad ng sa pagsasalingwika kung saan ang paksain ay nakatuon higit sa bokabularyo at mga partikular na salita bagkus ay sa diwa at kaisipan tinataglay ng anyo at paraan ng gamit ng mga salita. Ang pagkakaiba ng dalawa ay makikita sa kaugnayan ng konteksto ng mga salitang isinasalin. Masasabing natatangi ang wikang Filipino bilang kakaibang wika na mahalagang bahagi na ng bokabularyo nito ang Pagsasaling Literal. Malaki ang kinalaman dito ng limitadong bokabularyo ng wikang Filipino na maiuugat ang kalagayan sa pinagdaanan nitong kasaysayan. Matatandaang maging ang Saligang Batas ng Pilipinas ay tumutukoy sa Filipino at Ingles bilang mga opisyal na wika ng bansa. Sa pagkakaroon ng alternatibong wika (ang Ingles), hindi napagyaman ng wikang Filipino ang kalikasanlikas nitonitong talasalitaan. Partikular na ngang naging kakulangan ng wika ang limitado nitong bokabularyo. Ang Pagsasaling Literal ay nagiging paraan narin upang punan ang pagkukulang na yaon. Sa kawalan ng salitang katumbas sa dilang Filipino, isinasagawa ang Pagsasaling Literal upang bigyang ng salitang katumbas ang mga salitang Ingles at iba pang salitang banyaga.
 
{{usbong|Wika}}
Linya 6:
 
[[en:Literal translation]]
 
==Kawalang Batayan ng Anyong Kawastuhan==
 
Matatandaan na bago itakda ang wikang Filipino bilang wikang pambansa sang-ayon sa katalagahan ng Saligang Batas ng Pilipinas sa ilalim ng Republika ng Commonwealth (1935), naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa bilang pambansang kapulungan na siyang itinalaga upang magsagawa ng mga hakbangin tungo sa paglinang at paggamit ng isang wikang pambansa batay sa isang umiiral na katutubong dayalekto.
 
Sa pamamagitan ng kapulungan ng Surian, napagkatig ang mga alituntuning batayan na may pangkalahatang saklaw mula pangtalasalitaan hanggang pampanitikan at pangbalarilang alituntunin. Sa pamamagitan ng noong umiiral na batayan ng antas ng kawastohan ng gamit ng wika sa pakikipagtalastasan, sa pagsasalita o panulat man ay karaniwang natutukoy ang maling baybay o maling bigkas ng salita hindi man ang maling gamit ng gitlapi ng salita o mga katulad na pagkakamali.
 
At dahil nababatay ang Pambansang Wika sa dayalektong Tagalog, ang talasalitaang Filipino ay katulad ding nakabatay sa dayalektong ito kung saan ang mga bokabularyong Filipino ay limitado hindi lamang sa eksklusibong salitang Tagalog (o banyaga ngunit gamit at tanggap sa pananagalog) bagkus ay limitado din sa mga salitang saklaw baybayin ng alpabetong Tagalog.
 
Ano mang salita na kinapapalooban ng alin man sa mga titik na c, f, j, q, v, x, at z ay maibibilang na salitang hindi likas na Filipino. Bunsod ng ebolusyon ng mga salita at pangangailangan ng wikang Filipino na umangkop sa pagbabago ng panahon, naging FILIPINO ang Wikang Pambansa ng Pilipinas noong huling bahagi ng dekada Walungpu -- naging [F]ILIPINO sa dating [P]ILIPINO. Ang lumang alpabeto ay binago at tinawag na Bagong Alpabeto ng wikang Filipino.
 
Malinaw ang adhikain ng pagbabago; paglinangin ang Wikang Pambansa. Ngunit bunsod narin ng sistema ng bilingualismo, ang pagpapalit-Alpabeto ay mistulang nag-akay sa talasalitaang Filipino na higit kalituhan hindi lamang sa larangan ng pagbabaybay at pabigkas ng mga salitang Filipino bagkus ay ang tuwirang hindi tiyak na matukoy alin ang salitang likas na Filipino at alin ang banyaga.
 
Maliban sa mistulang pagkakalimot sa pamilangan sa wikang Filipino (na kapuna-punang walang gumagamit ng bilang na Filipino sa petsa o sa halaga man ng pera)na kung hindi Ingles ay Espanyol ang gamit na salita sa pagbibilang kapwa sa panulat at pagsasalita, mapalad na ang isang pangungusap na magtatapos sa tuldok na hindi nahahaluan ng kahit isa man lamang na salitang Ingles o banyaga. At malala pa nga ay ang naging hindi inaasahang ebolusyon ng bilingualismo tungo sa kagawiang TAG-LISH ng bumungad ng dekada Siyam-na-pu. Sa kagawian ng tag-lish, napalisan ang kalituhan sa pagitan ng mga salitang Filipino at Ingles kung alin ang alin sa mga ito. Ang kalituhan sa halip ay tinanggap na lamang na karaniwang kalagayan kung saan ang bokabularyong Filipino ay hindi ekslusibo sa salitang Filipino. At ang kaalaman kung ano-ano ang mga salitang Filipino na dapat kilalaning bahagi ng talasalitaang Filipino ay nilunod na ng maluwag na pagtanggap ng lipunan sa kagawian ng tag-lish.
 
At higit sumulong pa ang panahon hanggang dumating ang henerasyon ng cellular o mobile telephone. Higit ngang nalunod sa daloy ng ebolusyon ang kalikasan ng wikang Filipino ng sumulong ang teknolohiya ng text messaging. Higit sa kalituhan o kawalan ng pagkakailanlan sa kung alin ang salitang Filipino, maging ang wastong panuntunan sa wastong bagbabaybay, anyo, gamit at kapanahunan ng mga salitang Filipino ay pumaimbulog narin sa kawalang pagkilala sa antas ng kawastuhan.
 
Kung noon ay natutukoy pa ang maling baybay o kaya ay hindi wastong gamit ng gitlapi (salitang Filipino lamang ang may gitlapi dahil ang Ingles ay maryoon lamang prefix at suffix), sa kasalukuyan ay wala nang mali sa gamit ng wika (maging mali ay hindi sasabihing mali dahil maging mali ay kinikilalang katanggap-tanggap).
 
Sa kinagawiang kultura ng panalastasang Filipino; kung wala nang nakababatid ng tama, sino pa nga bang makapagsasabi kung ano ang mali.