Sarimanok: Pagkakaiba sa mga pagbabago

No change in size ,  10 year ago
m
walang buod ng pagbabago
(inilipat lang puwesto ang suleras ng "usbong")
mNo edit summary
Ang '''sarimanok''' /sá·ri·ma·nók/ (sa [[wikang Maranao|Maranao]] "pekeng ibon") ay isang maalamat na ibon ng mga [[Maranao]] ng katimugang [[Pilipinas]]. Ito rin ay isang makulay na [[okir]] na karaniwan ay gawa sa [[tanso]], sa anyo ng isang nakatayong [[ibon]], na malamang ay isang [[susulbot]]<ref>Kintanar, Thelma B. ''Cultural Dictionary for Filipinos.'' Second ed. Quezon City: UP, Kalayaan College and Anvil, 2009. {{en icon}}</ref> na may nakasabit na [[isda]] sa [[tuka]] nito. Kinakatawan din ng sarimanok ang mayamang sining ng mga Maranao at ito'y sumisimbolo rin ng kasaganahan.<ref name="guinto">Guinto, Amado C. [http://www.ipedr.com/vol20/13-ichsc2011-m00030.pdf "Distillation of Bantugan: A Maranao Epic."] Hinango Enero 16, 2012. {{en icon}}</ref>
 
Walang makapagbigay katiyakan ng pinagmulan ng sarimanok. May kuro-kurong ito ay isang [[totem]] na ibon ng mga Maranao, na kung tawagin ay ''[[Itotoroitotoro]]'', na siyang nagsisilbing tulay nila sa mundo ng mga [[espiritu]] sa pamamagitan ng di-nakikita nitong kakambal na ibong kung tawagin ay ''[[Inikadowainikadowa]].'' Ayon kay Akram Latip, isang iskolar na Maranao, "Halos lahat ng mga Sarimanok ay nililikha ng mga [[Tugaya, Lanao del Sur|taga-Tugaya]],"<ref name="panji">[http://www.royalpanji.net/flags_and_symbols_of_the_royal_sultanates_of_ranao-2.html "Flags and Symbols of the Royal Sultanate of Ranao Area."] ''Royal Panji.'' Hinango Enero 15, 2012. {{en icon}}</ref> kung saan karamihan sa mga taga-rito ay manlililok.<ref>[http://whc.unesco.org/en/tentativelists/5017/ "The Maranao Settlement of Tugaya."] ''UNESCO World Heritage Centre.'' Hinango Enero 15, 2012. {{en icon}}</ref>
==Sanggunian==
9,047

edit