Bagay na buhay: Pagkakaiba sa mga pagbabago

sanggunian
(sanggunian)
 
===Pagpaparami===
Sa pamamagitan ng kakayahang [[magparami]], at habang nabubuhay pa (hindi pa [[namamatay]]) nakalilikha ang organismo ng mga matatawag na "kopya" o "sipi" ng kanyang sarili. Sa mga halaman at mga payak na hayop, katulad ng mga [[bakterya]], ay pagpaparami o reproduksyon ay isang pagpapatuloy ng proseso ng paglaki. Sa pamamagitan ng prosesong [[reproduksyong aseksuwal]], ang mga organismong katulad ng bakterya ay naghihiwalay o nagkakadalawa upang makabuo ng dalawang mga organismo kamukhang-kamukha ng magulang o pinagmulang sihay. Ang iba namang mga organismong matatawag na mga organismong masalimuot ay mga [[seksuwal na nilalang]] na nakapagpaparami sa pamamagitan ng [[pagpaparaming may pagtatalik]] o reproduksyong seksuwal, na kinasasangkutan ng dalawang mga magulang. Sa mga magulang na ito nagmumula ang isang kahaluan ng mga katangian na napupunta sa supling o anak na nalilikha dahil sa [[pagtatalik]].<ref name=Lingvo/>
 
===Ebolusyon===
Sa pamamagitan ng proseso ng [[ebolusyon]] o dahan-dahang pag-unlad sa loob ng mga panahon, ang mga populasyon ng mga buhay na bagay ay nagkakaroon ng kakayahan bumagay sa kanilang kapaligiran. Sa prosesong ito, ang mga organismo sa mga populasyong ito ay nagkakaroon ng mas mainam na metabolismo, mas mainam na pagtugon sa estimulo, mas mainam na kakayahang magparami ng lahi, at mas mainam na mga kakayahang umagpang o umangkop at makayanan ang mga kapaligiran na hindi naranasan ng kanilang mga ninuno. Samakatuwid, nagreresulta ang ebolusyon sa pagkakaroon at paglaganap ng mga populasyon ng mga bagay na may buhay na mas mainam at may kasamu't sarian kaysa sa naunang mga kapanahunan.<ref name=Lingvo/>
 
==Tingnan din==
166,389

edits