Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Talon ng Maria Cristina"

walang buod ng pagbabago
Ang talon ng Maria Cristina ay ang pinakamalaking mana ng Iligan at isa sa tanyag na tanawin dito sa Pilipinas. Ito ay itinuturing na pinakamarilag sa dalawampung talon na matatagpuan sa “City of Majestic Waterfalls”- Iligan City. Nasa taas na 320 talampakan at 9.3 kilometro ang layo mula sa lungsod. Nagmumula ang tubig nito sa Lawa ng Lanao na matatagpuan sa Marawi City at dumadaloy patungong Agus. Sa katunayan, siyamnapung bahagdan ng tubig nito ay ginagamit sa pagsuplay ng enerhiya sa hydroelectric power plant, ngunit nananatiling mapang-akit ang lagaslas nito.
{{expand}}
{{cleanup}}
Ang '''Talon ng Maria Cristina''' ay nakapagdulot ng kaunlaran at nakadagdag ng kita kahit na ito ay mas kilala bilang isang tanyag na tanawin sa lungsod na nakapagbighani sa lokal at dayuhang turista. Ito rin ay nagamit bilang tagapagtustos ng kuryente sa walumpung porsyento ng kabuuang pangangailangan sa Mindanao. Nakapagpadali sa urbanisasyon ng lugsod ang pagpapatayo ng planta nito noong 1952. Hindi mabilang ang mga industriyang napatayo at maraming tao ang nakipagsundo para mapa-angat ang ekonomiya ng lungsod ng Iligan. Kaya ang Talon ng Maria Cristina ay kilala bilang "Ina ng Industriya" (''Mother of Industry'') at "Ugat ng Bukal ng Kaunlaran" (''Fountainhead of Progress'').
 
{{usbong|Pilipinas}}
 
[[Kategorya:Talon]]
 
[[de:Maria Cristina Falls]]
[[en:Maria Cristina Falls]]
[[es:Cataratas de María Cristina]]
[[nl:Maria Cristina-waterval]]
Anonymous user