Ang Europa /jʊˈrpə/, o Jupiter II, ay ang pinakamaliit sa apat na buwang Galilean na umiinog sa planetang Hupiter. Ito rin ang ikaanim sa pinakamalaking buwan sa Sistemang Solar. Magkahiwalay at independiyenteng natuklas ito nina Simon Marius at Galileo Galilei[1] at ipinangalan ni Marius kay Europa, isang tauhan mula sa mitong Griyego.

Europa
Larawan ng Europa na nagpapakita ng tunay na kulay nito na sa pangkalahatan ay puti. Nasipat noong 29 Setyembre 2022 ng sasakyang pangkalawakan na Juno.
Pagkatuklas
Natuklasan niGalileo Galilei
Simon Marius
Natuklasan noong8 Enero 1610[1]
Designasyon
Bigkas /jʊˈrpə/[2]
Ipinangalan kayΕυρώπη Eurōpē
Pang-uriEuropano /jʊˈrpən/[3][4]
Orbital characteristics[7]
Epoch 8 Enero 2004
Periapsis664862 km[a]
Apoapsis676938 km[b]
Mean orbit radius670900 km[5]
Eccentricity0.009[5]
Orbital period3.551181 d[5]
Average orbital speed13743.36 m/s[6]
Inclination0.470° (relatibo sa ekwador ng Hupiter)
1.791° (relatibo sa patag ng ekliptik)[5]
Pisikal na katangian
Mean radius1560.8±0.5 km (0.245 na mga Daigdig)[8]
Pang-ibabaw na sukat3.09×107 km2 (0.061 na mga Daigdig)[c]
Volume1.593×1010 km3 (0.015 na mga Daigdig)[d]
Mass(4.799844±0.000013)×1022 kg (0.008 na mga Daigdig)[8]
Mean density3.013±0.005 g/cm3 (0.546 na mga Daigdig)[8]
Surface gravity1.314 m/s2 (0.134 g)[e]
Moment of inertia factor0.346±0.005[9] (estimate)
Escape velocity2.025 km/s[f]
Axial tilt0.1°[10]
Albedo0.67 ± 0.03[8]
Surface temp. min mean max
Ibabaw ≈ 50 K 102 K (−171 °C) 125 K
Apparent magnitude5.29 (oposisyon)[8]
Surface pressure0.1 µPa (10−12 bar)[11]

Pangunahing binubuo ang Europa ng batong silica at yelo[12] at maaaring yari sa bakal at nikel ang kaibuturan nito. Mayroon lamang itong manipis na atmospera na pangunahing binubuo ng oksihino. Ang puti-mapusyaw na kayumangging kulay nito ay may mga gasgas, biyak, at serye ng malapulbos na mga linya subalit napakakaunti ng mga naiwang butas na ibinunga ng mga sumalpok na bulalakaw. Bukod pa sa mga obserbasyong sinasagawa ng mga teleskopyo sa daigdig, nasiyasat na ang Europa ng ilang mga sasakyang pangkalawakan mula pa noong dekada sitenta.

Ang Europa ay ang may pinakamakinis na anyo sa anumang solidong selestyal na bagay sa sistemang solar. Ang makinis at batang kutis nito ay nagbibigay kredensiya sa ipotesis na maaaring may dagat na nakakubli sa ilalim ng buwang ito na maaaring maglaman ng extraterrestrial na buhay[13]. Ang init na nagpapanatiling likido sa karagatang ito ay maaaring mula sa penomenong tidal flexing o dahan-dahang pagkakayupi ng buwan bunga ng mga pwersang balani na dinaranas nito mula sa hila ng Hupiter at kanugnog nitong mga buwan[14][15]. Tinutulak din ng naturang mga pwersa ang paggalaw ng biyak-biyak na niyebe sa ibabaw ng Europa katulad ng nangyayari sa penomenong tektonika ng plaka sa daigdig, kung kaya nagkakaroon ng paggalaw ng mga kimikal mula sa ibabaw nito patungo sa karagatan sa ilalim nito at vice versa.[14][15]

Pagkakatuklas at pagpapangalan baguhin

Nadiskubre ni Galileo Galilei ang Europa noong 8 Enero 1610, kasabay ng tatlong iba pang mga malalaking buwan ng Hupiter (Io, Ganymede, at Callisto)[16] bagaman maaaring hiwalay at independyente ring natuklasan ito ng astronomong si Simon Marius.

Katukayo ng buwan si Europa, ang anak ng hari ng Tiro sa mitolohiyang Griyego. Tulad ng iba pang mga buwang Galilean, ipinangalan ang buwan na ito sa mga naging kasiping ni Zeus, ang pinunong diyos sa mitong Griyego. Ipinanukala ni Simon Marius ang naturang pangalan bagaman anya, si Johannes Kepler ang unang nagmungkahi nito[17][18]

Inog at pag-ikot baguhin

 
Animasyon ng pag-inog ng Io, Europa at Ganymede na nagpapakita ng penomenong Laplace resonance

Umiikot ang Europa sa Hupiter sa loob ng tatlo at kalahating araw sa layong 670,900 kilometro. Ang orbital eccentricity nito ay 0.009 lamang kung kaya ang hugis ng dinaraanang ikot nito ay halos pabilog, samantalang maliit lang ang anggulo ng orbital inclination ng patag na binubuo ng ikot nito kumpara sa patag-equatorial ng Hupiter na 0.470°[19]

Tulad ng mga kapwa nito buwang Galilean, ang isang bahagi ng Europa ay palaging nakaharap sa parehong lugar sa Hupiter kapag ito ay umiinog (ang penomenong ito ay tinatawag na tidal locking.

Mga katangiang pisikal baguhin

 
Paghahambing ng laki ng Europa (kaliwa sa ibaba) kumpara sa Buwan (kaliwa sa itaas ) at Daigdig (kanan)

Ang Europa ay bahagyang mas maliit kaysa sa Buwan. Sa mahigit lang na 3,100 kilometrong diameter, ito ang ikaanim na pinakamalaking buwan at ikalabinlimang pinakamalaking bagay sa Sistemang Solar. Batay sa kabuuang densidad nito, maaaring binubuo ang buwan pangunahin ng silicate na mga bato. [20]

Panloob na istraktura baguhin

 
Mapa ng Europa na ginawa ng Heolohikal na Kilatisan ng Estados Unidos

Tinataya na ang balat ng Europa ay binubuo ng 100 km na kapal na yelong tubig na nakaibabaw sa salansan ng likidong karagatan. Batay sa datos ng Galileo, may induced magnetic field ang buwan mula sa interaksyon nito sa magnetic field ng Hupiter na indirektang patunay ng presenya ng isang nakakubling karagatang nakapagdadala ng dagitab[21], kung kaya maaari ring tubig-alat ang karagatang ito. Ang Europa ay malamang na naglalaman ng isang bakal na kaibuturan. [22] [23]


Paggalugad baguhin

Ang paggalugad sa Europa ay nagsimula nang dumaan sa Hupiter ang mga sasakyang pangkalawakan na Pioneer 10 at Pioneer 11 noong 1973 at 1974. Sa pagdaan ng Voyager 1 at Voyager 2 sa naturang planeta noong 1979, nakasipat ng mas detalyadong larawan ng buwang ito. Noon namang 1995 hanggang 2003, nadaanan ng sasakyang pangkalawakan na Galileo ang buwan na ito sa panahong umikot ito sa planetang Hupiter; ang mga pinakamalinaw na larawan ng Europa sa petsa ng pagkakasulat ng artikulong ito ay mula sa naturang behikulo. Noon namang 2007, nasipatan ng New Horizons ang Europa nang dumaan ito sa Hupiter sa paglalakbay nito patungo sa Pluto.[24] Noong 2022, linapitan ng sasakyang pangkalawakan na Juno ang buwang ito sa layong 352 km.[25] [26]

Mga misyong paggalugad sa hinaharap baguhin

Ang mga hinuha tungkol sa maaaring pag-iral ng extraterrestrial na buhay sa buwang ito ay nagtulak sa mga siyentista na isulong ang pagpondo ng misyong pupunta sa buwang ito nang masuri nang mas malapitan at matagalan.[27] [28] Malaki ang hamong hinaharap ng anumang misyong pupunta sa Europa sapagkat mataas ang antas ng radiyasyon sa ibabaw ng buwang ito bunga ng pwesto nito malapit sa Hupiter.[28] Sa kasalukuyan, nakatakdang ipadala ang sasakyang pangkalawakan na Europa Clipper sa buwang ito sa taong 2024.

Kakayanan nitong maging kanlungan ng buhay baguhin

Sa ngayon, walang katibayan na may buhay sa Europa, ngunit mataas ang potensyal nito bilang tirahan. [29] [30] Ang buhay ay maaaring umiral sa ilalim ng yelong karagatan nito, marahil sa isang kapaligirang katulad sa mga hydrothermal vent sa ilalim ng karagatan sa daigdig.[31] [32]

Noong 2015, inanunsyo ng ilang siyentista na may asin sa ibabaw ng Europa na maaaring nanggaling sa nakakubling karagatan nito sa ilalim.[33] [34] Maaaring indikasyon ito ng presensya ng likidong tubig na nakikipagreaksyon sa mabatong mantel ng Europa at pinapanukalang magpadala rin ng robot doon upang siyasatin ang karagatang ito.

Mga tala baguhin

  1. Ang Periapsis ay hinalaw mula sa semimajor axis (a) at eccentricity (e): a(1 − e).
  2. Ang Apoapsis ay hinalaw mula semimajor axis (a) and eccentricity (e): a(1 + e).
  3. Ang Surface area ay hinalaw mula sa radius (r): 4πr 2.
  4. Ang volume ay hinalaw mula sa radius (r): 4/3πr 3.
  5. Ang Surface gravity ay hinalaw mula sa masa (m), ang gravitational constant (G) at radius (r): Gm/r2.
  6. Ang escape velocity ay hinalaw mula sa masa (m), gravitational constant (G) at radius (r):  .

Sanggunian baguhin

  1. 1.0 1.1 Blue, Jennifer (9 November 2009). "Planet and Satellite Names and Discoverers". USGS. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 August 2009. Nakuha noong 14 January 2010.
  2. "Europa". Lexico UK English Dictionary. Oxford University Press. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 22 March 2020.
    Padron:MW
  3. G.G. Schaber (1982) "Geology of Europa", in David Morrison, ed., Satellites of Jupiter, vol. 3, International Astronomical Union, p 556 ff.
  4. Greenberg (2005) Europa: the ocean moon
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 "Overview of Europa Facts". NASA. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 26 March 2014. Nakuha noong 27 December 2007.
  6. "By the Numbers | Europa". NASA Solar System Exploration. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 May 2021. Nakuha noong 6 May 2021.
  7. "JPL HORIZONS solar system data and ephemeris computation service". Solar System Dynamics. NASA, Jet Propulsion Laboratory. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 October 2012. Nakuha noong 10 August 2007.
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 8.4 Yeomans, Donald K. (13 July 2006). "Planetary Satellite Physical Parameters". JPL Solar System Dynamics. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 August 2009. Nakuha noong 5 November 2007.
  9. Showman, A. P.; Malhotra, R. (1 October 1999). "The Galilean Satellites". Science. 286 (5437): 77–84. doi:10.1126/science.286.5437.77. PMID 10506564. S2CID 9492520.
  10. Bills, Bruce G. (2005). "Free and forced obliquities of the Galilean satellites of Jupiter". Icarus. 175 (1): 233–247. Bibcode:2005Icar..175..233B. doi:10.1016/j.icarus.2004.10.028. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 July 2020. Nakuha noong 29 June 2019.
  11. McGrath (2009). "Atmosphere of Europa". In Pappalardo, Robert T.; McKinnon, William B.; Khurana, Krishan K. (mga pat.). Europa. University of Arizona Press. ISBN 978-0-8165-2844-8.
  12. Chang, Kenneth (12 March 2015). "Suddenly, It Seems, Water Is Everywhere in Solar System". The New York Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 May 2020. Nakuha noong 13 March 2015.
  13. Tritt, Charles S. (2002). "Possibility of Life on Europa". Milwaukee School of Engineering. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 9 June 2007. Nakuha noong 10 August 2007.
  14. 14.0 14.1 "Tidal Heating". geology.asu.edu. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 29 March 2006.
  15. 15.0 15.1 Dyches, Preston; Brown, Dwayne; Buckley, Michael (8 September 2014). "Scientists Find Evidence of 'Diving' Tectonic Plates on Europa". NASA. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 April 2019. Nakuha noong 8 September 2014.
  16. Reyes, Marvin (2018-09-30). "Konsepto ng Covering at Ilang mga Awitin noong 2008-2009". Scientia - The International Journal on the Liberal Arts. 7 (2). doi:10.57106/scientia.v7i2.95. ISSN 2546-194X.
  17. "Screenshot of Itunes Library - Archived Platform Itunes 2010". dx.doi.org. Nakuha noong 2023-07-04.
  18. Raymond, M. (1982-01-01). "Solar-energy-system performance evaluation: Honeywell Salt River Project, Phoenix, Arizona, September, October, December 1981 -January, February, July, August 1982". {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)
  19. "Europa, a Continuing Story of Discovery". Project Galileo. NASA, Jet Propulsion Laboratory. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 5 January 1997. Nakuha noong 9 August 2007.
  20. Kargel, Jeffrey S.; Kaye, Jonathan Z.; Head, James W.; Marion, Giles M.; Sassen, Roger; Crowley, James K.; Ballesteros, Olga Prieto; Grant, Steven A.; Hogenboom, David L. (November 2000). "Europa's Crust and Ocean: Origin, Composition, and the Prospects for Life". Icarus. 148 (1): 226–265. Bibcode:2000Icar..148..226K. doi:10.1006/icar.2000.6471. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 July 2020. Nakuha noong 10 January 2020.
  21. Phillips, Cynthia B.; Pappalardo, Robert T. (20 May 2014). "Europa Clipper Mission Concept". Eos, Transactions American Geophysical Union. 95 (20): 165–167. Bibcode:2014EOSTr..95..165P. doi:10.1002/2014EO200002.
  22. Kivelson, Margaret G.; Khurana, Krishan K.; Russell, Christopher T.; Volwerk, Martin; Walker, Raymond J.; Zimmer, Christophe (2000). "Galileo Magnetometer Measurements: A Stronger Case for a Subsurface Ocean at Europa". Science. 289 (5483): 1340–1343. Bibcode:2000Sci...289.1340K. doi:10.1126/science.289.5483.1340. PMID 10958778.
  23. Bhatia, G.K.; Sahijpal, S. (2017). "Thermal evolution of trans-Neptunian objects, icy satellites, and minor icy planets in the early solar system". Meteoritics & Planetary Science. 52 (12): 2470–2490. Bibcode:2017M&PS...52.2470B. doi:10.1111/maps.12952.
  24. "PIA09246: Europa". NASA photojournal. 2 April 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 March 2016. Nakuha noong 9 March 2016.
  25. Chang, Kenneth (30 September 2022). "New Europa Pictures Beamed Home by NASA's Juno Spacecraft - The space probe has been studying Jupiter since 2016 and just flew within about 200 miles of the surface of the ice-covered ocean moon". The New York Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 September 2022. Nakuha noong 30 September 2022.
  26. "NASA's Juno Shares First Image From Flyby of Jupiter's Moon Europa". NASA. 29 September 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 October 2022. Nakuha noong 30 September 2022.
  27. David, Leonard (7 February 2006). "Europa Mission: Lost In NASA Budget". Space.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 December 2010. Nakuha noong 25 February 2007.
  28. 28.0 28.1 Friedman, Louis (14 December 2005). "Projects: Europa Mission Campaign; Campaign Update: 2007 Budget Proposal". The Planetary Society. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 11 August 2011.
  29. Hand, Kevin P.; Carlson, Robert W.; Chyba, Christopher F. (December 2007). "Energy, Chemical Disequilibrium, and Geological Constraints on Europa". Astrobiology. 7 (6): 1006–1022. Bibcode:2007AsBio...7.1006H. CiteSeerX 10.1.1.606.9956. doi:10.1089/ast.2007.0156. PMID 18163875.
  30. Schulze‐Makuch, Dirk; Irwin, Louis N. (2001). "Alternative energy sources could support life on Europa". Eos, Transactions American Geophysical Union. 82 (13): 150. Bibcode:2001EOSTr..82..150S. doi:10.1029/EO082i013p00150.
  31. Chandler, David L. (20 October 2002). "Thin ice opens lead for life on Europa". New Scientist. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 May 2008. Nakuha noong 27 August 2017.
  32. Jones, Nicola (11 December 2001). "Bacterial explanation for Europa's rosy glow". New Scientist. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 February 2015. Nakuha noong 26 September 2016.
  33. Dyches, Preston; Brown, Dwayne (12 May 2015). "NASA Research Reveals Europa's Mystery Dark Material Could Be Sea Salt". NASA. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 May 2015. Nakuha noong 12 May 2015.
  34. Wall, Mike (9 June 2015). "NASA Aiming for Multiple Missions to Jupiter Moon Europa". Space.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 June 2015. Nakuha noong 10 June 2015.