Sakit na Ménière

Ang sakit na Ménière (o MD, dahil sa kaniyang pangalan sa Ingles: Ménière's disease) ay isang sakit sa panloob na tainga na may kasamang pana-panahong pagkahilo, pag-ugong sa tainga, pagkawala ng pandinig, at pagkadamang puno ng laman ang tainga. Noong una, kalamitang naaapektuhan ang isang tainga lang, pero sa paglipas ng panahon, maaaring kasangkutan ang pareho. Sa pangkalahatan, tumatagal ang mga atake mula sa 20 minuto hanggang mga oras. At saka, iniiba ang panahon sa pagitan ng mga atake. Sa paglipas ng panahon, ang mga sintomas ay maaaring maging permanente.

Sakit na Ménière
Ibang katawaganSindromang Ménière, idiopathic endolymphatic hydrops
Diagrama ng panloob na tainga
EspesyalidadOtolaryngology
SintomasFeeling like the world is spinning, ringing in the ears, hearing loss, fullness in the ear
Kadalasang lumalabas40s–60s
Tagal20 minutes to few hours per episode
SanhiUnknown
PanganibFamily history
PagsusuriBased on symptoms, hearing test
Paunang pagsusuriVestibular migraine, transient ischemic attack
PaggamotLow-salt diet, diuretics, corticosteroids, counselling
PrognosisAfter ~10 years hearing loss and chronic ringing
Dalas0.3–1.9 per 1,000

Ang sanhi ng sakit hindi ay kitang-kita (i.e. idiopatiko ang sakit) pero malamang kinabibilangan ng mga paktor na henetiko at pangkalikasan. May maraming teorya tungkol sa kaniyang henesis, kabilang mga paninikip sa mga ugat na pandugo, mga impeksiyong biral, at mga reaksiyong autoinmuno. Naniniwala ang mga duktor na nangyayari ang mga sintoma dahil sa pagtitipon ng pluwido sa loob ng tainga, pero ang pasiya ng duktor ay batay sa mga sintoma at pagsusuri ng pandinig.

Walang lunas. Tinatrato ang mga atake ng mga gamot para atupagin ang pagkahilo at pagkabalisa. Ang mga tangka para pumigil ng mga atake hindi ay sinusuportahan ng ebidensiya, ngunit maaaring subukin ang diyeta na wala maraming asin, at saka mga diyuretiko at mga kortikosteroide. Ang pisikal na terapiya ay puwedeng atupagin ang balanse, at ang tagapayo ay puwedeng atupagin ang pagkabalisa.

Inilarawan ang sakit ni Prosper Ménière sa una noong bahagi ng ika-19 na siglo. Naaapektuhan sa pagitan ng 0.3 at 1.9 per 1,000 tao. Kadalasang nagsisimula sa mga tao 40–60 taong gulang. Naaapektuhan ang mga babae mas kaysa sa mga lalaki. Pagkatapos ng 5–15 taon ng mga sintoma, minsan na tumitigil ang pakiramdam na umiikot ang mundo, ngunit ibang mga sintomas ay nananatili.

Mga tanda at sintomas baguhin

Ang sakit na Ménière ay nailalarawan sa pamamagitan ng mga paulit-ulit na episodyo ng pagkahilo, hindi pare-parehong pagkawala ng pandinig, at pag-ugong sa tainga. Ang isang sakit ng ulo o isang pakiramdam ng kapunuan sa mga tainga ay maaaring mauna ng itong mga episodyo. Paminsan-minsan nararanasan ang mga karagdagang sintomas na kaukulan sa mga iregular na reaksyon ng sistemang autonomo ng nerbiyos. Ang mga sintomas ay hindi sintomas ng sakit na Ménière per se, kundi mga pangalawang epekto bilang resulta ng pagpalya ng organo ng pandinig at ng balanse, at sumasaklaw ng pagkahilo, pagsusuka, at pawis, na tipikal na mga sintomas ng pagkahilo, imbes na MD. Kabilang dito ang isang biglaang pakiramdam ng pagbagsak pasulong (sa sahig). Nararanasan ng ilang mga tao ang mga biglaang pagbagsak na walang pagkawala ng malay (mga atakeng pagbagsak).

Mekanismo baguhin

 
Panloob na tainga

Hindi ganap na naiintindihan ang mga inisyal na dahilan ng sakit na Ménière.

Diyagnosis baguhin

 
Mga audiogramang inilalarawan ang normal na pandinig (kaliwa) at ang unilateral na pagkawala ng pandinig na nagkakasama sa sakit na Ménière (kanan).
 
Mga antas ng kahirapan mula sa lakas (Ingles: Loudness discomfort levels o LDLs) — mga datos ng mga taong may hiperakusis na walang pagkawala ng pandinig. Itaas na guhit: Mga katamtamang hangganan ng pandinig. Ilalim na mahabang guhit: Mga LDL ng itong grupo. Ilalim na maiksing guhit: Mga LDL ng isang grupong sanggunian na may normal na pandinig.[1]

Noong 2015 ipinapaliwanag ang mga pamantayan para sa isang diyagnosis ng tiyak na MD o posibleng MD bilang:

Tiyak

  1. Dalawang o mas kusang-loob na episodyo ng pagkahilo, bawa't isa mula sa 20 minuto hanggang 12 oras
  2. Sensorineural na pagkawala ng pandinig, itinatala sa isang audiograma, sa mababa at katamtamang mga dalasan, sa kahit isang pagkakataon bago, sa panahon, o pagkatapos ng isa sa mga episodyo ng pagkahilo
  3. Hindi pare-parehong mga sintomas sa taingang naaapektuhan
  4. Hindi mas mabuting inilalarawan ng ibang bestibular na diyagnosis

Posible

  1. Dalawang o mas kusang-loob na episodyo ng pagkahilo, bawa't isa mula sa 20 minuto hanggang 24 oras
  2. Hindi pare-parehong mga sintomas sa taingang iniuulat
  3. Hindi mas mabuting inilalarawan ng ibang bestibular na diyagnosis

Ang isang karaniwang at importanteng sintomas ng MD ay hipersensibilidad sa mga tunog. Ang itong hipersensibilidad ay madaling natutukoy sa pamamagitan ng pagsukat ng nga LDL (tingnan ang larawan sa kanan).

Sumasanib ang mga sintomas ng MD at ng MAV (Migraine-associated vertigo [en]) sa mararaming paraan, pero kapag tumubo ang pagkawala ng pandinig sa MAV, karaniwang nangyayari sa dalawang tainga, at ito ay madalang sa MD, at ang pagkawala ng pandinig ay hindi kadalasang umaabante sa MAV bilang sa MD.

Ang pagkakaroon ng stroke ay maaaring magdulot ng mga sintomas na katulad ng MD, at para sa mga taong nasa panganib, dapat ganapin ang isang MRI para ibukod ang isang diyagnosis ng stroke.

Sanggunian baguhin

  1. Sheldrake J, Diehl PU, Schaette R (2015). "Audiometric characteristics of hyperacusis patients". Frontiers in Neurology (sa Ingles). 6: 105. doi:10.3389/fneur.2015.00105. PMC 4432660. PMID 26029161.

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Karamdaman, Kalusugan at Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.