Sinigang

maasim na sabaw mula sa Pilipinas

Ang sinigang ay isang lutuin at pagkaing Pilipino na kilala para sa maasim at malinamnam na lasa nito. Madalas na nauugnay ito sa sampalok, ngunit maaaring gumamit ng mga ibang maaasim na prutas at dahon, katulad ng kamyas, o bayabas bilang pampaasim.[1] Isa ito sa mga pinakasikat na ulam sa lutuing Pilipino. Kadalasang sinasabayan ng kanin ang sabaw. Noong 2021, minarkahan ng TasteAtlas ang sinigang bilang ang pinakamagandang sabaw na gulay.[2][3]

Sinigang
Isang mangkok ng sinigang
UriSabaw
KursoUlam
LugarPilipinas
Ihain nangMainit
Pangunahing SangkapKarne, gulay, sampalok, patis, sibuyas, siling mahaba, kamatis
BaryasyonBaboy, baka, hipon, isda, manok
Enerhiya ng pagkain
(per paghain)
~120 kcal
Mga katuladPinangat na isda, paksiw, kansi, kadyos, baboy, kag langka

Pinagmulan baguhin

Nanggaling ang pangalan nito sa pandiwang sigang sa wikang Tagalog.[4] Habang laganap ito sa buong bansa, inaakala na nagmula ito sa kulturang Tagalog. Kaya itinuturing na ibang uri ng pagkain ang mga kahawig na sabaw sa Visayas at Mindanao (tulad ng linarang), at nag-iiba rin ang mga ginagamit na sangkap. Karaniwang nilalagyan ang sabaw ng patis bilang kondimento.

Mga sangkap baguhin

 
Sinigang na isda

Sa modernong panahon, madalas na nauugnay ang sinigang sa sampalok, ngunit dati tumukoy ito sa anumang karne o lamang-dagat na niluto sa maasim at asidong sabaw, kahawig ng ngunit naiiba mula sa paksiw (na gumagamit ng suka).[5] Sa mga ibang baryasyon nitong ulam, kinukuha ang asim mula sa mga katutubong sangkap. Kabilang sa mga pampaasim na ito ang hilaw na mangga, alibangbang, mga sitrus (kabilang ang katutubong kalamansi at biasong), santol, bilimbi (kamyas o iba), karmay, binukaw, libas at iba pa.[6][7] Ginagamit din ang bayabas na ipinakilala sa Pilipinas ng mga galyeon ng Maynila.[6] Mga komersyal na alternatibo sa mga likas na prutas ang mga pamapalasang pulbos o kubo de kaldo na batay sa sampalok.[8][9]

Karaniwang may karne o lamang-dagat (hal. isda, baboy, baka, hipon o manok) ang sinigang na niluto sa sampalok, kamatis, bawang at sibuyas. Kabilang sa mga ibang gulay na ginagamit sa paggawa ng sinigang ang okra, gabi[10], labanos, kangkong, sitaw at talong. Gusto ng maraming Pilipino na magluto ng sinigang na may siling haba upang gumanda ang lasa at umanghang nang kaunti. May isa ring baryasyon kung saan idinaragdag ang miso ng gawang-lokal.

Mga uri ng sinigang baguhin

Ayon sa pangunahing sangkap baguhin

Ayon sa pampaasim na sangkap baguhin

Mga kahawig na ulam baguhin

Kung tutuusin, hindi baryasyon ng sinigang ang sinampalukang manok o sinampalukan, dahil kailangang igisa ang manok sa luya muna sa halip na ilagay ang lahat ng mga sangkap sa kaldero at pakuluin. Naiiba rin ang sinampalukan sa paggamit nito ng ginutay na dahon ng sampalok, at karaniwang sinasahugan ng luya, sibuyas, kamatis, talong at iba pang mga gulay.[12][13]

Kahawig din ng sinigang ang pinangat na isda mula sa Timog Luzon at linarang mula sa Cebu. Pareho silang gumagamit din ng maasim na prutas ngunit limitado sa lamang-dagat ang mga ito at iba rin ang mga iba pang sahog nila.[14][15][16]

May mga kahawig na pinaasim na sabaw na baka. Kabilang dito ang kansi mula sa Kanlurang Kabisayaan na gumagamit ng baka at rimasat pinapaasim ng batuan o bilimbi. Dahil parang kombinasyon ito ng bulalo at sinigang, minsan tinatawag itong sinigang na bulalo.[17] Isa pang maasim na sabaw na baka ang sinanglaw mula sa Ilocos na pinaasim ng bilimbi o sampalok, ngunit nag-iiba sa pagsasahog ng mga mapapait kagaya ng ampalaya o apdo, gaya ng iba pang lutuing Ilokano.[18]

Sa labas ng Pilipinas baguhin

Malaysia baguhin

 
Bakang singgang

Sa may silangang baybayin ng Tangway ng Malaysia, lalo na sa mga estado ng Kelantan at Terengganu, may ulam na tinatawag na singgang na medyo nagkakahawig sa sinigang.[19][20] Karaniwang sinasangkapan ang singgang ng tanglad, galangal, bawang, sili at asam gelugur bilang pampaasim. Nilalagay rin ang budu o tempoyak upang mapalasa pa lalo ang ulam.[21][22] Hindi kagaya ng singgang Kelantan, may luyang-dilaw rin sa singgang Kelantan.[22]

Sa kanlurang baybayin naman ng Tangway ng Malaysia, isa pang ulam na inaakalang katulad ng singgang ang tinatawag na pindang.[21]

Tingnan din baguhin

Mga sanggunian baguhin

  1. Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Sinigang". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).
  2. Arnaldo, Steph (Agosto 3, 2021). "Taste Atlas rates sinigang the world's 'best vegetable soup'" [Sinigang, minarkahan ng Taste Atlas bilang 'pinakamagandang sabaw na gulay' sa buong mundo]. Rappler (sa Ingles). Nakuha noong Oktubre 30, 2021.
  3. "The world's best: Sinigang is top-rated vegetable soup on TasteAtlas" [Ang pinakamaganda sa mundo: Sinigang, nangungunang sabaw na gulay sa TasteAtlas]. ABS-CBN News (sa Ingles). Agosto 3, 2021. Nakuha noong Oktubre 30, 2021.
  4. "sigang". Tagalog-Dictionary.com. Nakuha noong Disyembre 16, 2018.
  5. Pamaran, Maan D'Asis (Oktubre 12, 2016). "The Filipino-Spanish food connection" [Ang koneksyon ng pagkaing Pilipino-Kastila]. Philippine Daily Inquirer (sa Ingles). Nakuha noong Disyembre 16, 2018.
  6. 6.0 6.1 "The Souring Agents of Sinigang" [Mga Pampaasim ng Sinigang]. Our Philippine Trees (sa Ingles). Nakuha noong Abril 17, 2019.
  7. "Sinigang na Salmon at Bauhinia Filipino Cuisine" [Sinigang na Salmon at Lutuing Bauhinia Pilipino]. Flavours of Iloilo (sa Ingles). Nakuha noong Abril 17, 2019.
  8. Sinigang Recipe
  9. Sinigang na Baboy Recipe
  10. "Sinigang na Baboy". Kawaling Pinoy (sa Ingles). January 27, 2013. Nakuha noong August 29, 2021.
  11. Alexandra Petilla; Rafia Q. Shah; Jyothi Setti; Jose C. Magboo; Amaryllis Garupa Selk; Gita Bantwal; Suzanne Olipane; Madge Kho; Ruchira Handa; Chris Santos-Brosnihan; Jumuna B. Vittal; Roosebelt Balboa; Antoinette G. Angeles; Dr. S. Jayasankar; Sivagama Sundhari Sikamani; Socorro M. Bannister; Blanca G. Calanog; Carmencita Q. Fulgado; Rosario E. Gaddi; Salvador Portugal; Marivic L. Gaddi; Jerry P. Valmoja; Peter Nepomuceno; Carmelita Lavayna; Atonia A. Suller; JoAnn C. Gayomali; Florence T. Chua; Theresa Gatwood; Mama Sita; Century Park Hotel-Manila; The Peninsula Hotel-Manila; Holiday Inn-Manila (1998). Recipe Book of Filipino Cuisine. Pittsburg, Pennsylvania: Naresh Dewan.
  12. Manalo, Lalaine. "Sinampalukang Manok". Kawaling Pinoy. Nakuha noong Abril 13, 2019.
  13. "Sinampalukan Manok (Tamarind'd Chicken)". 80 Breakfasts. Nakuha noong Abril 13, 2019.
  14. "Pinangat na Isda Fish Poached in Kamias and Tomatoes" [Pinangat na Isda Isdang Sinuam sa Kamyas at Kamatis]. Filipino-food-recipes.com (sa Ingles). Nakuha noong Enero 10, 2019.
  15. Belen, Jun. "How to Make Fish Pinangat (Fish Soured in Calamansi and Tomatoes)" [Paano Gumawa ng Isdang Pinangat (Isdang Pinaasim sa Kalamansi at Kamatis)]. Junblog (sa Ingles). Nakuha noong Enero 10, 2019.
  16. Fenix, Michaela (2017). Country Cooking: Philippine Regional Cuisines [Pagluluto sa Bansa: Mga Pangrehiyong Pagkaing Pilipino] (sa Ingles). Anvil Publishing, Incorporated. ISBN 9789712730443.[patay na link]
  17. Reyes, Gladys. "Ilonggo Food: Bacolod Cansi Recipe" [Pagkaing Ilonggo: Resipi ng Kansi Bacolod]. Experience Negros (sa Ingles). Nakuha noong Oktubre 23, 2019.
  18. "Sinanglaw". Ang Sarap (sa Ingles). Nakuha noong Oktubre 17, 2020.
  19. "NCCA's 'Sinigang versus Adobo' poll divides the nation". GMA News Online (sa Ingles). Mayo 18, 2016. Nakuha noong Enero 15, 2022.
  20. Reggie Aspiras (October 8, 2009). "'Sinigang' and 'asocena' aren't exclusive to Filipinos". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong January 17, 2022.
  21. 21.0 21.1 "Khasiat ikan singgang dari sudut saintifik yang sangat wow". sinarplus+ (sa Malay). Nakuha noong Enero 15, 2022.
  22. 22.0 22.1 "Singgang Ikan Tongkol Terengganu, Lauk Lejen Kesukaan Ramai". rasa (sa Malay). Nakuha noong Enero 15, 2022.