Para sa ibang gamit, tingnan ang Ube (paglilinaw).

Ang ube[3] o ubi[4] (Ingles: purple yam[5]) ay isang uri ng halamang-ugat na inaani mula sa ilalim ng lupa. Kulay lila ang matamis[3] na halamang-ugat na ito na karaniwang ginagamit sa paghahalaya. Dahil sa kulay nito, natatawag ding kulay-ubi ang kulay na lila.[4] Subalit minsan sila ay kulay puti. Paminsan-minsan, ikinalilito ito sa gabi at ang kamote ng Okinawa (Ipomoea batatas cv. Ayamurasaki) ngunit tinatanim din ang ube sa Okinawa kung saan kilala siya bilang beniimo (紅芋). Dahil sa kanyang pinagmulan sa tropiko ng Asya, may kaalaman ang mga tao sa ube kahit noong sinaunang panahon.[6]

Ube
Ube sa Maui, Hawaii
Photograph of rounded brownish tuber
Litrato ng mabilog at kayumangging ube
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Monocots
Orden: Dioscoreales
Pamilya: Dioscoreaceae
Sari: Dioscorea
Espesye:
D. alata
Pangalang binomial
Dioscorea alata
Kasingkahulugan [2]

Pangalan baguhin

Dahil nanaturalisa na ito sa buong Timog Amerika, Aprika, Australya, sa timog-silangan ng Estados Unidos, mayroong iba't ibang karaniwang pangalan ang ube o D. alata sa mga rehiyong ito. Sa Ingles, maliban sa purple yam, ginagamit din ang mga salitang Guyana arrowroot, ten-months yam, water yam, white yam, winged yam, violet yam, o yam mismo.[6]

 
Baging ng ube sa Vavaʻu, Tonga

Kasaysayan ng paglilinang baguhin

 
Hiniwang ube mula sa Réunion
 
Inaning lamang-lupa ng ube

Ang ube ay isa sa mga pinkamahalagang pangunahing pananim sa mga kulturang Austronesyo. Isa ito sa mga iba't ibang sarihay ng yam na dinomestika at tinanim nang nagsasarili sa Kapuluan ng Timog Asya at Bagong Ginea para sa kanilang mga malagawgaw na lamang-lupa, kabilang ang round yam (Dioscorea bulbifera), ubi gadong (Dioscorea hispida), tugi (Dioscorea esculenta), Pacific yam (Dioscorea nummularia), fiveleaf yam (Dioscorea pentaphylla), at pencil yam (Dioscorea transversa).[7]

Sa mga ito, ube at tugi lamang ang palaging tinatanim at kinakain, habang itinuring ang iba bilang pagkain sa taggutom dahil sa kanilang mataas ang kanilang nilalaman na dioskorina, isang toksin, kaya kailangang ihanda sila nang maayos bago kainin.[8] Mas madalas na tinatanim ang ube kaysa sa tugi, higit sa lahat dahil mas malaki ang kanyang mga lamang-lupa.[9]

Ang ube at tugi ay naging pinakamainam sa mahabaing transportasyon sa mga barkong Austronesyo at ikinarga sa lahat o karamihan ng pagkakalat ng mga Austronesyo. Bukod-tangi, ipinakilala ang ube sa mga Kapuluang Pasipiko at Bagong Silandya. Ikinarga rin ito ng mga Austronesyong manlalakbay patungo sa Madagascar at ang Comoros.[10][11][12]

 
Hangining lamang-lupa ng puting uri ng ube mula sa Maui, Hawaii

Hindi alam kung saan ang pinanggalingan ng ube, pero iminumungkahi ng mga ebidensyang arkeolohiko na pinakinabangan ito sa Kapuluan ng Timog Asya at Bagong Ginea bago ang pagkakalat ng mga Austronesyo. Ipinapaniwala na ang ube ay isang totoong cultigen, kilala lamang sa kanyang tinatanim na uri. Isa itong polyploide at baog, at kaya hindi ito makatatawid ng mga lawas ng tubig. Subalit ipinahayag ng Hardin Botaniko ng Missouri na maaari siyang kumalat sa pamamagitan ng buto, kaya hindi siya baog.[13] Hinahadlangan nito ang pagkilala ng ube sa mga kapuluan sa pamamagitan ng mga tao lamang, kaya magandang tagapagpahiwatig sila ng paglipat ng mga tao. Iminungkahi ng mga iilang may-akda, nang walang ebidensya, sa pinagmulan sa Kontinental na Timog Asya, ngunit pinakamalaki ang kanyang pagkaaligin ng penotipo sa Pilipinas at Bagong Ginea.[14][15][16]

 
Bulaklak ng ube

Ayon sa katibayang arkeolohiko ng mga pabinhian at nalabing halaman sa puwesto ng Bana Kuk, iminungkahi ng mga may-akda na unang dinomestika ito sa mga tagaytay ng Bagong Ginea noong mga 10,000 BP at kumalat patungo sa Kapuluang Timog-silangang Asya sa pamamagitan ng kulturang Lapita noong mga s. 4,000 BP, kasama ng D. nummularia at D. bulbifera. Sa kabila nito, pinaniniwalaan na ipinakilala ang D. esculenta ng kulturang Lapita sa Bagong Ginea. Mayroon ding ebidensya ng rebolusyon sa agrikultura sa panahong ito dahil sa mga makabagong-likha mula sa pakikipag-ugnayan sa mga Austronesyo, kabilang ang paglinang ng tubigan.[17][18] Gayunman, nabawi rin ang mga mas lumang labi na pinag-uring ube mula sa Yungib ng Niah of Borneo (Huling Pleistoceno, <40,000 BP) at sa Yungib ng Ille of Palawan (s. 11,000 BP), pati na rin ang labi ng nakakalasong ubi gadong (D. hispida) na kailangang ihanda bago ito makain. Kahit hindi ito nagpapatunay ng paglilinang upang pakinabangan ang mga malagawgaw na halaman at na katutubong halaman ang ube sa Kapuluang Timog-silangang Asya. Bilang karagdagan, nagbigay-daan ito sa tanong kung tunay na sarihay ang ube o nilinang kaysa sa pinaniniwalaan nang mas maaga kaysa sa pinaniniwalaan.[7][19][20][21][22][23]

Nananatiling importanteng ani ang ube sa Timog-silangang Asya, lalo na sa Pilipinas kung saan gamit na gamit ang lilang uri sa mga iba't ibang tradisyonal at modernong panghimagas. Nananatiling mahalaga rin ito sa Melanesya, kung saan itinatanim din ito para sa layuning panseremonya na nakatali sa laki ng mga lamang-lupa sa anihan. Gayunman, umigsi ang kahalagahan nito sa silangang Polynesia at Bagong Silandya pagkatapos ng pagpapakilala ng ibang ani, lalo na ang kamote.[9]

Paggamit baguhin

Kulinaryo baguhin

Mini-galerya 01 ng mga ubeng panghimagas
Ube halaya mula sa Pilipinas
Binignit mula sa Pilipinas
Puting ube halaya mula sa California
Mini-galerya 02 ng mga ubeng panghimagas
Ube kapkeyk with flan top layers
Isang piraso ng ube keyk
Ube donut mula sa Pilipinas

Mayroong mga makakaing lamang-lupa ang mga ube na may banayad na matamis, malalupa, at malanuwes na lasa na nakapagpapaalaala ng kamote o gabi. Partikular na pinapalila nang todo ng lilang kultibar ang mga putahe dahil mataas ang kanyang nilalamang antosianina.[24] Pinapahalagaan din ang mga ube para sa gawgaw na maaaring iproseso sa kanila.[6] Pinakasikat ang ube sa tradisyonal at modernong lutuing Pilipino. Madalas na ginagamit ito para sa mga iba't ibang uri ng Pilipinong panghimagas, pati na rin bilang kasangkapan/lasa para sa sorbetes, gatas, pionono, donut, tart, galyetas, kapkeyk, keyk, halaya at iba pang uri ng pastelerya. Madalas itong kinakain na pinakulo, inihurno, o bilang isang pinatamis na panghimagas na tinatawag na ube halaya; ang huli ay isang popular na kasangkapan sa eladong panghimagas na tinatawag na halo-halo.[25][26][27] Kamakailan lamang, pumasok ang mga ubeng panghimagas sa Estados Unidos sa pamamagitan ng lutuing Pilipino, sa ilalim ng pangalang "ube". Sikat na sikat ito dahil sa kapansin-pansing kulay lila na ibinibigay niya sa mga panghimagas.[24][25][28]

In Maharashtra, kinakain ang mga ginisang chips sa pag-aayuno.[kailangan ng sanggunian] Mahalagang kasangkapan ang ube sa Undhiyu.[29] Sikat na panghimagas ang ube sa Jaffna, Sri Lanka.

Madalas na ikinalilito ang ube para sa mga lilang uri ng kamote, dahil sa kanilang pagkakapareho sa kulay, lasa, at kulinaryong paggamit. Gayunman, ang ube, tulad ng mga ibang yam, ay mas mahalumigmig kaysa sa mga kamote. Mas mataas rin ang antosianina ng ube kaysa sa kamote. Kahit ganoon, maaari sila maging kahalili ng isa't isa sa karamihan ng mga resipi.[30][31]

Panggamot baguhin

Sa katutubong gamot, ginagamit ang ube bilang kainamang pampadumi at pampurga, at para sa lagnat, gonorea, ketong, tumor, at namagang almuranas.[32] Medyo mataas ang okslato ng ube (486–781 mg/100 g tuyong butang).[33]

Iba pang paggamit baguhin

Ang kulay ng mga lilang uri ay dahil sa mga iba't ibang pangulay na antosianina[34] Natutunaw ang mga pangulay sa tubig, at ipinanukla bilang posibleng kinabasang pampakulay ng pagkain.[35] Minsan, itinatanim ang ube sa mga hardin dahil sa kanyang halagang pandekorasyon.[6]

Bilang nagsasalakay na sarihay baguhin

Katutubong sarihay ang ube sa Timog-silangang Asya, pati rin sa mga pumapaligid na lugar (Taiwan, Kapuluan ng Ryukyu ng Japan, Assam, mga timak ng Nepal, Bagong Ginea, Pulo ng Christmas). Nakatakas ito sa kanyang dawak ng pagtutubo patungo sa kagubatan ng mga ibang lugar, at nanaturalisa sa mga ibang bahagi ng timugang at gitnang-silangang Tsina, Aprika at Madagascar, ang Kanlurang Hating-globo, at iba't ibang kapuluan sa mga karagatang Indyano at Pasipiko.[36] Namamalagi ito sa kasukalan sa Estados Unidos sa Louisiana, Georgia, Alabama, Florida, Puerto Rico, Haiti, at ang U.S. Virgin Islands. Itinuturing ito bilang nagsasalakay na sarihay, kahit sa Florida man lang.[37][38]

Tingnan din baguhin

Mga sanggunian baguhin

  1.  Dioscorea alata was first described and published in Species Plantarum 2: 1033. 1753. "Name - Dioscorea alata L." Tropicos. Saint Louis, Missouri: Missouri Botanical Garden. Nakuha noong May 26, 2011.
  2. "The Plant List: A Working List of All Plant Species". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2021-06-16. Nakuha noong 2020-01-15.
  3. 3.0 3.1 Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Ube". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).
  4. 4.0 4.1 English, Leo James (1977). "Ubi". Tagalog-English Dictionary (sa Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
  5. De Guzman, Maria Odulio (1968). "Yam [Ingles], mga halamang-ugat o mga halamang galing sa ilalim ng lupa na kinabibilangan ng ubi, singkamas, gabi, yuro at iba pa". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 "Dioscorea alata". Germplasm Resources Information Network (GRIN). Agricultural Research Service (ARS), United States Department of Agriculture (USDA). Nakuha noong May 26, 2011.
  7. 7.0 7.1 Barker, Graeme; Hunt, Chris; Barton, Huw; Gosden, Chris; Jones, Sam; Lloyd-Smith, Lindsay; Farr, Lucy; Nyirí, Borbala; O'Donnell, Shawn (August 2017). "The 'cultured rainforests' of Borneo" (PDF). Quaternary International. 448: 44–61. doi:10.1016/j.quaint.2016.08.018.
  8. Bevacqua, Robert F. (1994). "Origin of Horticulture in Southeast Asia and the Dispersal of Domesticated Plants to the Pacific Islands by Polynesian Voyagers: The Hawaiian Islands Case Study" (PDF). HortScience. 29 (11): 1226–1229. doi:10.21273/HORTSCI.29.11.1226.
  9. 9.0 9.1 "*Qufi ~ Uwhi, uhi". Te Mära Reo: The Language Garden. Benton Family Trust. Nakuha noong 21 January 2019.
  10. Crowther, Alison; Lucas, Leilani; Helm, Richard; Horton, Mark; Shipton, Ceri; Wright, Henry T.; Walshaw, Sarah; Pawlowicz, Matthew; Radimilahy, Chantal; Douka, Katerina; Picornell-Gelabert, Llorenç; Fuller, Dorian Q.; Boivin, Nicole L. (14 June 2016). "Ancient crops provide first archaeological signature of the westward Austronesian expansion". Proceedings of the National Academy of Sciences. 113 (24): 6635–6640. doi:10.1073/pnas.1522714113. PMC 4914162. PMID 27247383.
  11. Beaujard, Philippe (August 2011). "The first migrants to Madagascar and their introduction of plants: linguistic and ethnological evidence" (PDF). Azania: Archaeological Research in Africa. 46 (2): 169–189. doi:10.1080/0067270X.2011.580142.
  12. Walter, Annie; Lebot, Vincent (2007). Gardens of Oceania. IRD Éditions-CIRAD. ISBN 9781863204705.
  13. "Dioscorea alata - Plant Finder". www.missouribotanicalgarden.org. Nakuha noong 2019-12-02.
  14. Malapa, R.; Arnau, G.; Noyer, J.L.; Lebot, V. (November 2005). "Genetic Diversity of the Greater Yam (Dioscorea alata L.) and Relatedness to D. nummularia Lam. and D. transversa Br. as Revealed with AFLP Markers". Genetic Resources and Crop Evolution. 52 (7): 919–929. doi:10.1007/s10722-003-6122-5.
  15. Cruz, V.M.V.; Altoveros, N.C.; Mendioro, M.S.; Ramirez, D.A. (1999). "Geographical patterns of diversity in the Philippine edible yam collection". Plant Genetic Resources Newsletter. 119: 7–11.
  16. Paz, Victor J. (1999). "Neolithic Human Movement to Island Southeast Asia: The Search for Archaeobotanical Evidence". Indo-Pacific Prehistory Association Bulletin. 18 (Melaka Papers Vol. 2): 151–158. doi:10.7152/bippa.v18i0.11710.
  17. Chaïr, H.; Traore, R. E.; Duval, M. F.; Rivallan, R.; Mukherjee, A.; Aboagye, L. M.; Van Rensburg, W. J.; Andrianavalona, V.; Pinheiro de Carvalho, M. A. A.; Saborio, F.; Sri Prana, M.; Komolong, B.; Lawac, F.; Lebot, V.; Chiang, Tzen-Yuh (17 June 2016). "Genetic Diversification and Dispersal of Taro (Colocasia esculenta (L.) Schott)". PLOS ONE. 11 (6): e0157712. doi:10.1371/journal.pone.0157712. PMC 4912093. PMID 27314588.
  18. Bayliss-Smith, Tim; Golson, Jack; Hughes, Philip (2017). "Phase 4: Major Disposal Channels, Slot-Like Ditches and Grid-Patterned Fields". In Golson, Jack; Denham, Tim; Hughes, Philip; Swadling, Pamela; Muke, John (mga pat.). Ten Thousand Years of Cultivation at Kuk Swamp in the Highlands of Papua New Guinea. terra australis. Bol. 46. ANU Press. pp. 239–268. ISBN 9781760461164.
  19. Barker, Graeme; Lloyd-Smith, Lindsay; Barton, Huw; Cole, Franca; Hunt, Chris; Piper, Philip J.; Rabett, Ryan; Paz, Victor; Szabó, Katherine (2011). "Foraging-farming transitions at the Niah Caves, Sarawak, Borneo" (PDF). Antiquity. 85 (328): 492–509. doi:10.1017/S0003598X00067909. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2019-01-19. Nakuha noong 2019-01-21.
  20. Balbaligo, Yvette (15 November 2007). "A Brief Note on the 2007 Excavation at Ille Cave, Palawan, the Philippines". Papers from the Institute of Archaeology. 18 (2007): 161. doi:10.5334/pia.308. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 20 July 2018. Nakuha noong 15 January 2020.
  21. Barton, Huw (2005). "The Case for Rainforest Foragers: The Starch Record at Niah Cave, Sarawak" (PDF). Asian Perspectives. 44 (1): 56–72. doi:10.1353/asi.2005.0005. hdl:10125/17222.
  22. Barton, Huw; Denham, Timothy (2011). "Prehistoric vegeculture and social life in Island Southeast Asia and Melanesia" (PDF). In Barker, Grame; Janowski, Monica (mga pat.). Why cultivate? Anthropological and Archaeological Approaches to Foraging–Farming Transitions in Southeast Asia. McDonald Institute for Archaeological Research. pp. 61–74. ISBN 9781902937588. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2019-03-28. Nakuha noong 2020-01-15.
  23. Reynolds, Tim; Barker, Graeme; Barton, Huw; Cranbrook, Gathorne; Hunt, Chris; Kealhofer, Lisa; Paz, Victor; Pike, Alasdair; Piper, Philip; Rabett, Ryan; Rushworth, Gary; Stimpson, Christopher; Szabó, Katherine (2013). "The First Modern Humans at Niah, c. 50,000–35,000 Years Ago" (PDF). In Barker, Graeme (pat.). Rainforest Foraging and Farming in Island Southeast Asia. McDonald Institute for Archaeological Research. pp. 133–170. ISBN 9781902937540.
  24. 24.0 24.1 Sutherlin, Margaret. "Everything You Need to Know About Ube, The Purple Yam". Chowhound. Nakuha noong 18 May 2019.
  25. 25.0 25.1 Kearns, Landess. "Ube Is The Natural Ingredient That Turns Food Perfectly Purple". The Huffington Post. Nakuha noong 18 May 2019.
  26. Bueno, Anna. "All hail ube, the culinary gem we took for granted". CNN Philippines. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 1 November 2019. Nakuha noong 18 May 2019.
  27. Valdeavilla, Ronica. "Ube: The Philippine Purple Yam (More Popular Than Vanilla!)". culture trip. Nakuha noong 18 May 2019.
  28. "Donut Shop in Gurnee Cranks Out Unique Freshly Made Donuts". ABC7 Chicago. November 11, 2016.
  29. Degras, L. 1993. The Yam: A Tropical Root Crop. London, New York, and Wageningen
  30. "Ube or Not Ube, That Is the Question…and Frieda's Is Answering". Frieda's. Nakuha noong 18 May 2019.
  31. "Ingredient Spotlight: Ube, the Purple Yams That Make Dessert". OneGreenPlanet. Nakuha noong 18 May 2019.
  32. James A. Duke. "Dioscorea alata (DIOSCOREACEAE)". Dr. Duke's Phytochemical and Ethnobotanical Databases. Nakuha noong May 26, 2011.[patay na link]
  33. Wanasundera JP, Ravindran G (1994). "Nutritional assessment of yam (Dioscorea alata) tubers". Plant Foods Hum Nutr. 46 (1): 33–9. doi:10.1007/BF01088459. PMID 7971785.
  34. Moriya C, Hosoya T, Agawa S, Sugiyama Y, Kozone I, Shin-Ya K (2015). "New acylated anthocyanins from purple yam and their antioxidant activity". Biosci Biotechnol Biochem. 79 (9): 1484–92. doi:10.1080/09168451.2015.1027652. PMID 25848974.
  35. Jinwei Li, Lianfu Zhang, and Yuanfa Liu (2013) "Optimization of Extraction of Natural Pigment from Purple Sweet Potato by Response Surface Methodology and Its Stability" Journal of Chemistry, volume 2013, article ID 590512, 5 pages doi:10.1155/2013/590512
    • Kew World Checklist of Selected Plant Families
    • Flora of China, Vol. 24 Page 296, 参薯 shen shu, Dioscorea alata Linnaeus, Sp. Pl. 2: 1033. 1753.
    • Smith, A.C. (1979). Flora Vitiensis Nova. A new flora for Fiji (Spermatophytes only) 1: 1-495. Pacific Tropical Botanical Garden, Lawai.
    • Brunel, J.F., Hiepo, P. & Scholz, H. (eds.) (1984). Flore Analytique du Togo Phanérogames: 1-751. GTZ, Eschborn.
    • Morat, P. & Veillon, J.-M. (1985). Contributions à la conaissance de la végétation et de la flore de Wallis et Futuna. Bulletin du Muséum National d'Histoire Naturelle. Section B, Adansonia 7: 259-329.
    • Boudet, G., Lebrun, J.P. & Demange, R. (1986). Catalogue des plantes vasculaires du Mali: 1-465. Etudes d'Elevage et de Médecine Vétérinaire des Pays Tropicaux.
    • George, A.S., Orchard, A.E. & Hewson, H.J. (eds.) (1993). Oceanic islands 2. Flora of Australia 50: 1-606. Australian Government Publishing Service, Canberra.
    • Acevedo-Rodríguez, P. & Strong, M.T. (2005). Monocotyledons and Gymnosperms of Puerto Rico and the Virgin Islands. Contributions from the United States National Herbarium 52: 1-415.
    • Tanaka, N., Koyama, T. & Murata, J. (2005). The flowering plants of Mt. Popa, central Myanmar - Results of Myanmar-Japanese joint expeditions, 2000-2004. Makinoa 5: 1-102.
    • Akoègninou, A., van der Burg, W.J. & van der Maesen, L.J.G. (eds.) (2006). Flore Analytique du Bénin: 1-1034. Backhuys Publishers.
    • Catarino, L., Sampaio Martins, E., Pinto-Basto, M.F. & Diniz, M.A. (2006). Plantas Vasculares e Briófitos da Guiné-Bissau: 1-298. Instituto de investigação científica tropical, Instituto Português de apoio ao desenvolvimento.
    • National Parks Board Singapore (2006). Vascular Plant Life Checklist Pulau Ubin. www.nparks.gov.sg/nparks_cms/cms/cmsmgr/data/6/PlantChkList.xls.
    • Sosef, M.S.M. & al. (2006). Check-list des plantes vasculaires du Gabon. Scripta Botanica Belgica 35: 1-438.
    • Samanta, A.K. (2006). The genus Dioscorea L. in Darjeeling and Sikkim Himalayas - a census. Journal of Economic and Taxonomic Botany 30: 555-563.
    • Pandey, R.P. & Dilwakar, P.G. (2008). An integrated check-list flora of Andaman and Nicobar islands, India. Journal of Economic and Taxonomic Botany 32: 403-500.
    • Wilkin, P. & Thapyai, C. (2009). Flora of Thailand 10(1): 1-140. The Forest Herbarium, National Park, Wildlife and Plant Conservation Department, Bangkok.
    • Demissew, S. & Nordal, I. (2010). Aloes and other Lilies of Ethiopia and Eritrea, ed, 2: 1-351. Shama Books, Addis Ababa, Ethiopia.
  36. "Profile for Dioscorea alata (water yam)". PLANTS Database. USDA, NRCS. Nakuha noong May 26, 2011.
  37. Biota of North America Program, 2013 county distribution map