Ang Kawi (mula sa Sanskrit: kavi, "makata") ay isang pampanitikan at tuluyan na wika sa mga pulo ng Java, Bali, at Lombok, batay sa Lumang Habanes, isang wika na may isang malaking bokabularyo ng Sanskrit na mga hiram na salita. Ang Kawi ay ang ninunong wika ng modernong Habanes. Ang pangalan na "kawi" ay nagmula sa salitang-ugat na ku, na sa Sanskrit ay nangangahulugang "makata", at, sa pinagmulang mga anyo, ay isang "marunong, edukadong tao". Ang papantig na metro ng Kawing tula ay sekar kawi, na nangangahulugang "mga bulaklak ng wika", ang sekar mismo ay nanggagaling mula sa Sanskrit na "sekhara" ("girlanda"). Ang lahat ng mga wikang Habanes ay mapangherarkiya at naka-estratipika, na may mahigpit na panlipunan na balarila para sa naaangkop na mga kubtangkas ng wika na ginagamit para sa mga nakakataas ng isang tao o panlipunan at kultural na katungkulan.

Kawi
Padron:Jav (Bhāṣa Kawi, Lumang Habanes)
Katutubo saJava, Bali, Madura, Lombok, Indonesia; Pilipinas
RehiyonIndonesia, Pilipinas
Kamatayanwikang pampanitikan, lipas na noong ika-14 siglo
Mga kodigong pangwika
ISO 639-2kaw
ISO 639-3kaw
kaw
Glottologkawi1241

Sistema ng pagsulat baguhin

Gumagamit ang Kawi ng isang natatanging iskrip para sa pagsulat na karaniwang tinatawag na hanacaraka; ang mas tamang termino ay "Dentawiyanjana". Ito ay isang papantig na alpabeto na binubuo ng 20 titik at sampung mga numero at isang bilang ng patinig at katinig na mga panuring. Ang iskrip ng pulo ng Bali, malaking naimpluwensyahan ng kalapit na Java, ay may isang natatanging sub-form na tinatawag na Tulisan Bali. Si Prinsipe Aji Caka (isang Indiyangong migrante) ay itinuturing ang nagtatag ng unang kilalang kaharian ng Java, na tinatawag na Java Dvipa (Swarna Dvipa) at pagpapakilala ng wikang Kawi at ng dalawampung titik ng papantig na iskrip ng hanacaraka.[1] Pinupuri rin ng mga Habanes si Aji Saka para sa wika, isang maalamat na bayani ng Kaharian ng Medang Kamulan. Ang pinakamaagang inskripsyon ng Kawi ay matatagpuan sa Templo ng Gunung Wukir sa Magelang, Gitnang Java, Indonesia.

Paggamit baguhin

Ang Kawi ay hindi tunay na patay bilang isang pasalitang wika. Ito ay karaniwang ginagamit sa wayang golek, wayang wong at wayang kulit, karagdagan sa mataas na mga gawain tulad ng isang Habanes na kasal, lalo na para sa mga pangkinaugalian na pagtatagpong ritwal ng mga magulang ng nobya sa mga magulang ng nobyo sa mga seremonya ng Peningsetan at Panggih. Dati o para sa ilang maharlikang husto sa tradisyon, ito ay ginagamit para sa Midodareni, Siraman at Sungkeman na mga seremonya ng Habanes na kasal.

Ang pulo ng Lombok ay umampon sa Kawi bilang rehiyonal na wika nito, na sumasalamin sa napakalakas na impluwensiya ng karatig na Silangang Java.

Mga sanggunian baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalinangan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.