Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan

(Idinirekta mula sa New World Translation)

Ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan[3] o New World Translation of the Holy Scriptures o NWT ay isang salin ng Bibliya na inilimbag ng Watch Tower Bible and Tract Society noong 1961 at ipinamamahagi ng Mga Saksi ni Jehova.

New World Translation
Buong pangalan: New World Translation of the Holy Scriptures
Daglat: NWT
Wika: 185 languages
Paglalathala ng BT: 1950
Paglalathala ng Buong Bibliya: 1961
Batayan ng teksto: OT: Biblia Hebraica.
NT: Westcott & Hort.
Uri ng salinwika: Formal Equivalence with occasional ventures into Dynamic equivalence[1][2]
Katayuan ng karapatan sa kopya: Copyright 1961, 1981, 1984, 2013 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
Mga kopyang nalimbag: 227 million
In the beginning God created the heavens and the earth. Now the earth proved to be formless and waste and there was darkness upon the surface of the watery deep; and God's active force was moving to and fro over the surface of the waters. And God proceeded to say: "Let light come to be." Then there came to be light.

Henesis 1:1 sa ibang mga salinwika
For God loved the world so much that he gave his only-begotten Son, in order that everyone exercising faith in him might not be destroyed but have everlasting life.

Juan 3:16 sa ibang mga salinwika

Noong 2000 inilabas ng Mga Saksi ni Jehova ang salin ng Bibliya sa Pilipinas sa tatlong pangunahing wika: Tagalog, Cebuano at Iloko. Ang mga Saksi ay gumagamit na ngayon ng 941 na mga wika(mayroon ding Braille at Sign Language) sa buong daigdig kasama na ang Pilipinas sa pitong pangunahing wika: Bicol, Cebuano, Hiligaynon (o "longgo,") Iloko, Pangasinan, Samar-Leyte (o "Waray") at Tagalog.

Mga basehan

baguhin

Ang pangunahing tekstong ginamit sa pagsasalin nito ng Lumang Tipan sa Ingles ang Biblia Hebraica ni Kittel. Ang tekstong Hebreo na Biblia Hebraica Stuttgartensia (1977) ay ginamit sa pagbabago ng mga footnote sa 1984 bersiyon ng New World Translation. Ang ilang mga tekstong kinonsulta sa pagsasalin ang Aramaic Targums, Dead Sea Scrolls, Samaritan Torah, the Greek Septuagint, the Latin Vulgate, Masoretic Text, Cairo Codex, Codex Petropolitanus, Aleppo Codex, Christian David Ginsburg's Hebrew Text, at Leningrad Codex.

Ang pangunahing tekstong Griyego ng mga skolar na sina B. F. Westcott at F. J. A. Hort (1881) ang ginamit na basehan sa pagsasalin ng Bagong Tipan sa Ingles. Sumangguni rin ang komiteng tagapagsalin ito sa Novum Testamentum Graece (18th edition, 1948) at sa mga gawa nina José M. Bover (1943) at Augustinus Merk (1948). Ang United Bible Societies' text (1975) at Nestle-Aland text (1979) ay ginamit upang baguhin ang mga footnote sa 1984 bersiyon. Ang mga karagdagang kinonsulta ang Armenian Version, Coptic Versions, the Latin Vulgate, Sixtine at Clementine Revised Latin Texts, Textus Receptus, Johann Jakob Griesbach's Greek text, Emphatic Diaglott, at iba't ibang mga papyri.

Kritikal na review

baguhin

Ayon sa New Catholic Encyclopedia tungkol sa NWT reference edition: "Ang salin [ng mga Saksi ni Jehova] ng Bibliya ay may kahanga-hangang kritikal na aparato. Ang akda ay mahusay malibang kapag ang kaalamang siyentipiko ay sumasalungat sa mga tinanggap na doktrina ng kilusan." Binatikos nito ang pagsasalin ng NWT ng Kyrios bilang "Jehovah" ng 237 beses sa bagong Tipan.[4]

Binatikos ni Dr. Harold H. Rowley (1890–1969) ang unang bolyum ng NWT noong 1953(Genesis hanggang Ruth). Kanyang inilarawan ang mga ito bilang "insulto sa salita ng Diyos". Isinaad ni Rowley "Mula simula hanggang wakas, ang [unang] bolyum na ito ay isang maningning na halimbawa kung paanong hindi dapat isalin ang bibliya."[5][6][7][8]

Sa isang 2003 pag-aaral ni Jason BeDuhn na associate professor ng religious studies sa Northern Arizona University Estados Unidos ng siyam na pinakaginagamit na mga bibliya sa tagapagsalita ng Ingles kabilang ang NWT, New American Bible, The King James Bible at The New International Version, kanyang siniyasat ang mga talata ng Bagong Tipan na ang "pagkiling ay pinakamalamang na nakialam sa salin". Sa bawat talata, kanyang kinumpara ang tekstong Griyego sa mga salin ng bawat saling ito ng Bibliya at naghanap ng mga pagtatangkang pagkiling sa pagbabago ng kahulugan. Ayon kay BeDuhn, ang New World Translation ay "hindi malaya sa pagkiling" ngunit lumitaw na "pinakatumpak sa mga saling ikinumpara" at kaya ay isang kahanga-hangang mabuting salin. Kanyang isinaad na ang "karamihan ng mga pagkakaiba ay dahil sa mas malaking akurasya ng NWT bilang literal at konserbatibong salin". Isinaad ni BeDuhn na ang pagpapakilala ng Jehova sa Bagong Tipan ng 237 beses ay "hindi tumpak sa pinakabasikong prinsipyo ng akurasya" at "ito ay lumalabag sa akurasya para sa ninanais ng denominasyon na mga ekspresyon ng Diyos". Kanyang isinaad na upang mas malawakang matanggap ang NWT, ang mga tagapagsalin nito ay kailangang iwan ang paggamit ng Jehova sa bagong Tipan.[9]

Ang kasapi ng lupon ng American Bible Society na si Dr. Bruce M. Metzger ay nagsaad na "sa kabuuan' ang isa ay magkakamit ng isang matitiis na mabuting impresyon ng kasangkapang pangskolar ng mga tagapagsalin".[10] Gayunpaman, tinukoy ni Metzger ang mga instansiya kung saan ang salin ay isinulat upang suportahan ang doktrina nito na may "ilang mga buong maling pagsasalin ng Griyego". [11] Kabilang sa mga "hindi maipapagtanggol" na katangian ng salin ang paggamit nito ng Jehova sa Bagong Tipan.

Ayon kay Dr. William Barclay, Professor of Divinity and Biblical Criticism, "ang sinasadyang pagliko ng katotohanan ng sektang ito ay makikita sa salin ng Bagong Tipan nito...Saganang maliwanag na ang sektang makapagsasalin ng Bagong Tipan tulad niyan ay hindi tapat nang intelektuwal.[12]

Pagsasalin ng Juan 1:1

baguhin

Binatikos ang New World Translation sa pagsasalin nito ng Juan 1:1 bilang

In [the] beginning the Word was, and the Word was with God, and the Word was a god.

Ito ay isinalin sa karamihan ng mga modernong salin ng Bibliya bilang:

In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Jason D. Beduhn, Truth in Translation - Accuracy and Bias in English Translations of the New Testament
  2. All Scripture Is Inspired by God and Beneficial1990 pg. 326 pars. 32-33 Study Number 7—The Bible in Modern Times: New World Translation A Literal Translation, 1990
  3. http://www.jw.org/tl/publikasyon/bibliya/
  4. G. HÉBERT/EDS, "Jehovah's Witnesses", The New Catholic Encyclopedia, Gale, 20052, Vol. 7, p. 751.
  5. H.H. Rowley, How Not To Translate the Bible, The Expository Times, 1953; 65; 41
  6. Life Magazine, July 1, 1953, Photo here Naka-arkibo 2011-06-10 sa Wayback Machine.
  7. "“Walk in the Name of Jehovah Our God for Ever”", The Watchtower, September 1, 1953, page 528, "Watch Tower Bible and Tract Society released Volume I of the New World Translation of the Hebrew Scriptures to the New World Society Assembly of Jehovah’s Witnesses at Yankee Stadium, New York city, N. Y., Wednesday afternoon, July 22, 1953."
  8. "The Bible in Modern Times", All Scripture..., ©1990 Watch Tower
  9. Jason D. BeDuhn, Truth in Translation: Accuracy and Bias in English Translations of the New Testament, 2004, pages 163, 165, 169, 175, 176. BeDuhn compared the King James, the (New) Revised Standard, the New International, the New American Bible, the New American Standard Bible, the Amplified Bible, the Living Bible, Today's English and the NWT versions in Matthew 28:9, Philippians 2:6, Colossians 1:15-20, Titus 2:13, Hebrews 1:8, John 8:58, John 1:1.
  10. Metzger>UBS Naka-arkibo 2020-08-02 sa Wayback Machine. Metzger, Bruce M, The New World Translation of the Christian Greek Scriptures, The Bible Translator 15/3 (July 1964), p. 151.
  11. Bruce M. Metzger, "Jehovah's Witnesses and Jesus Christ," Theology Today, (April 1953 p. 74); see also Metzger, "The New World Translation of the Christian Greek Scriptures,".
  12. R. Rhodes, The Challenge of the Cults and New Religions, The Essential Guide to Their History, Their Doctrine, and Our Response, Zondervan, 2001, p. 94