Norwegian University of Science and Technology
Ang Norwegian University of Science and Technology (Norwegian: teknisk-naturvitenskapelige universitet), dinadaglat na NTNU) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na may mga kampus sa lungsod ng Trondheim, Gjøvik, at Ålesund sa Norway, at naging ang pinakamalaking unibersidad sa Norway, kasunod ng isang pagsasanib ng mga unibersidad noong 2016. Ang NTNU ay may responsibilidad sa edukasyon at pananaliksik sa inhinyeriyag at teknolohiya, na minana mula sa Norwegian Institute of Technology (NTH). Bilang karagdagan sa inhinyeriya at likas na agham, ang unibersidad ay nag-aalok ng mas mataas na edukasyon sa iba pang mga akademikong disiplina mula sa agham panlipunan, sining, medisina, at agham buhay, edukasyong pangguro, arkitektura at pinong sining. Ang NTNU ay kilala sa malapit na pakikipagtulungan nito sa industriya, at lalo na sa research and development (R&D).
63°25′10″N 10°24′09″E / 63.4194°N 10.4025°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.