Ang O-Zone ay isang pangkat-musikal na nabuo sa Moldova. Sumikat ang grupo sa buong mundo dahil sa kantang sinulat ni Dan Bălan na pinamagatan Dragostea din tei.

O-Zone
Dan Balan (4973252587).jpg
Kabatiran
PinagmulanMoldova
Mga kaurianElectronica, Eurodance
Mga taong aktibo1999-2005
Mga tatakUniversal Music, Avex Trax
Mga dating miyembroDan Bălan
Radu Sîrbu
Arsenie Todiraş
Petru Jelihovschi
Para sa singaw, tignan ang Osona (singaw).

KasaysayanBaguhin

Paggkuha ng PangalanBaguhin

Sabi ni Dan Bălan ang panggalang O-Zone ay hango sa kapaligiran, Sabi niya "O-Zone, like the air after the rain... so fresh" (O-Zone, katulad ng hangin pagkatapos ng ulan... sariwang sariwa).

Unang O-ZoneBaguhin

Pinangunahan at binuo ni Dan Bălan at Petru Jelihovschi ang orihinal na O-Zone noong 1999. Sumikat sila sa kantang "Dar, unde eşti...". Di nagtagal naghiwalay ang dalawa at si Dan Bălan ay nagbahagi ng bagong myembro ng O-Zone.

O-Zone ngayon at kasalukuyanBaguhin

Si Dan Bălan, Radu Sîrbu, at Arsenie Todiraş ang naging panibagong O-Zone. Unang sumikat sa Numai Tu at sumunod na ang Dragostea Din Tei na nagpasikat sa kanila sa buong mundo. Noong 2005, naghiwalay ang grupo at di na gumawa ng mga kanta na mag-kasama. Nag umisa na silang gumawa ng sarili nilang mga negosyo.

SanggunianBaguhin