Ogie Alcasid
Si Herminio Alcasid, Jr., na mas tanyag bilang Ogie Alcasid (ipinanganak 27 Agosto 1967), ay isang Pilipinong aktor, mang-aawit, kompositor, parodist, at komedyante.[1] Siya ang kasalukuyang Presidente ng OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mang-Aawit).
Ogie Alcasid | |
---|---|
Kapanganakan | Herminio Jose Lualhati Alcasid Jr. 27 Agosto 1967 Taal, Batangas, Pilipinas |
Edukasyon | University of the Philippines Diliman (BA) |
Aktibong taon | 1988–kasalukuyan |
Asawa |
|
Anak | 3, kasama sina Leila at Nate |
Kamag-anak | Ai-Ai delas Alas (pinsan) Tita Duran (tiyahin) |
Karera sa musika | |
Genre | |
Trabaho |
|
Label |
|
Website | Official website |
Karera sa Recording
baguhinNagsimula si Alcasid bilang isang mang-aawit noong 1989 nang ilabas niya ang kanyang sariling pangalang album na Ogie Alcasid na umabot sa antas na gold record status, samantalang ang kanyang unang single na "Nandito Ako" ay pinarangalang bilang "Awit ng Taon" ng lokal na estasyong pang-radyo na Magic 89.9. Simula noon ay nakapaglabas na siya ng 18 pang mga album, kasama ang album pangpasko na Larawan ng Pasko noong 1994, isang live album (OA sa Hits (Live)) noong 2002, at apat na greatest hits album.
Siya ay nakatanggap ng kabuuang labindalawang Ginto, tatlong Platinum at tatlong Doble Platinum na records[2]
Karera sa Telebisyon
baguhinNagsimula ang karera ni Alcasid sa telebisyon bilang isa sa mga host ng palabas pangkomedya na Small Brothers sa ABS-CBN noong 1992. Lumabas din siya sa ibang mga programang pangkomedya ng ABS-CBN gaya ng Mana Mana (mula 1991 hanggang 1992), sa programang Tropang Trumpo sa ABC mula (1994 hanggang 1995), sa programang Bubble Gang ng GMA Network (mula 1995 hanggang kasalukuyan), at sa programang Ay, Robot! ng QTV (mula 2005-2007).
Diskograpiya
baguhinMga album
baguhinTaon Inilabas | Pamagat | Sertipikasyon |
---|---|---|
1989 | Ogie Alcasid | Ginto |
1990 | Pagkakataon | |
1992 | A Step Ahead | Platinum |
1994 | On Air | Doble Platinum |
1994 | Larawan ng Pasko | |
1995 | A Different Light | Ginto |
1997 | Phases | |
1998 | Ogie 10th: All the Best | Platinum |
2000 | Now and Then | Ginto |
2001 | Movie Moments | |
2002 | A Better Man | Doble Platinum |
2002 | OA sa Hits (Live) | Ginto |
2003 | Mga Kuwento ng Pag-ibig | Doble Platinum |
2004 | The Songbird and the Songwriter | Platinum |
2004 | I Am a Singer | Ginto |
2005 | Ogie Alcasid Greatest Hits | Ginto |
2006 | Greatest Hits, an Audio-visual Anthology | Ginto |
2006 | Lumilipad | Ginto |
2007 | Ogie All the Classics | Ginto |
2008 | The Great Filipino Songbook | Ginto at Platinum |
2012 | Ngayon at Kailanman: A Tribute to George Canseco | Ginto |
2012 | The Songwriter and Hitmakers | Ginto |
2016 | Ikaw Ang Buhay Ko | |
2017 | Nakakalokal |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Ogie Alcasid profile sa iGMA.tv
- ↑ Ogie Alcasid official website Naka-arkibo 2008-01-15 sa Wayback Machine. (All pages are directed to a single link)
Mga kawing panlabas
baguhin- Opisyal na website
- GMA Network profile (archived)
- Ogie Alcasid sa IMDb