Paghuhurno

pamamaraan sa pagluluto

Ang paghuhurno, pagpupugon o pagtitinapay ay isang pamamaraan ng paghahanda ng pagkain na ginagamit ang tuyong init, tipikal sa isang hurno o pugon, subalit maari ding isagawa sa mainit na abo, o sa mainit na mga bato. Tinapay ang karaniwang pagkain na hinuhurno, subalit maraming ibang uri ng pagkain ang maaring ihurno.[1] Unti-unting nililipat ang init mula sa ibabaw ng tinapay tungo sa gitna nito. Habang naglalakbay ang init sa loob, binabago nito ang masa sa hinurnong produkto na may matigas na tuyong pang-ibabaw at malambot na gitna.[2] Maaring isama ang paghuhurno sa pag-ihaw upang makagawa ng isang pinaghalong baryanteng inihaw sa pamamagitan ng parehong pamamaraan na sabay-sabay, o ang isa pagkatapos ng isa pa. May kaugnayan ang paghuhurno sa pag-iihaw dahil ang konsepto ng hurnong pang-mason ay katulad ng isang tinapahan.

Bagong lutong tinapay

Sa tradisyon, isinasagawa ang paghuhurno sa tahanan para sa pang-araw-araw na pagkain at sa mga panaderya at kainan para sa lokal na pagkonsumo. Nang naging industriyalisado na ang produksyon, nagkaroon na ng awtomatisasyon ang paghuhurno sa pamamagitan ng mga makina sa malalaking mga pagawaan. Nanatiling isang mahalagang kasanayan ang sining ng paghuhurno at naging mahalaga para sa nutrisyon, yayamang ang mga produktong hinurno, lalo na ang tinapay, ay karaniwang at mahalagang pagkain, sa parehong ekonomiko at pangkalinangang pananaw. Tinatawag na panadero o magtitinapay ang isang tao na naghahanda ng mga produktong hinurno bilang isang propesyon. Sa kaugnay na trabaho, ang pasteleryang kusinero (o pastry chef) ay sinumang nagsanay sa sining ng paggawa ng pastelerya, keyk, panghimagas, tinapay, at iba pang produktong hinurno.

Proseso

baguhin

Labing-isang pangyayari ang nagaganap ng sabay-sabay sa paghuhurno, na hindi mangyayari ang ilan sa mga ito (tulad ng helatinasasyon ng gawgaw) sa temperatura ng silid.[3]

  1. Natutunaw ang mga taba
  2. Nabubuo at lumalawak ang mga gas
  3. Namamatay ang mga mikroorganismo
  4. Natutunaw ang asukal
  5. Pagkulta ng itlog, gatas, at mga protinang gluten
  6. Pagiging solido at helatina ng gawgaw
  7. Pagsingaw ng mga likido
  8. Karamelisasyon at pagkukulay kayumanggi (tinatawag sa Ingles na Maillard browning) sa ibabaw
  9. Desnaturalisado ng mga ensima
  10. Mga pagbabagong nangyayari sa nutrisyon
  11. Nasisira ang pektina[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "60 Baking Recipes We Stole From Grandma". Taste of Home (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-10-19. Nakuha noong 2018-10-19.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Figoni, Paula I. (2011). How Baking Works: Exploring the Fundamentals of Baking Science (sa wikang Ingles) (ika-3rd (na) edisyon). New Jersey: John Wiley & Sons. ISBN 978-0-470-39813-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)p.38
  3. Figoni 2011, p. 38.
  4. Figoni 2011, ch.3 pp.38 ff.