Kayak

(Idinirekta mula sa Pagkakayak)

Ang kayak ay isang maliit na bangka na pinapaandar ng lakas ng tao. Karaniwan itong mayroong natatakpang kubyerta (plataporma sa barko) at ng isang silidtimunang natatakban ng isang wisikang kubyerta o "palda". Pinapakilos ito ng isang sagwan na may dalawang talim, sa pamamagitan ng pagsagwan ng isang tagasagwan. Ginamit ito ng mga katutubong mangangasong Eskimo[1], Ainu, at Aleut sa pang-ibabang mga rehiyon ng Artiko ng hilagang-silangang Asya, Hilagang Amerika, at Lupanglunti. Sari-sari ang mga disenyo ng makabagong mga kayak na ginagamit sa pagkakayak. Gawa rin ang mga modernong kayak sa mga materyales para sa mga natatanging mga layunin. Sa ibang bahagi ng mundo, tinatawag din itong kano.[1]

Dalawang kayak.
Ang pagkakayak.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Kayak; canoe, kano; deck, spray - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.