Ang pagpapala ay isang gawain ng pagbabasbas o pagbebendisiyon na maaaring magmula sa Diyos na napapasatao, o mula sa isang tao na ibinibigay sa kapwa tao. Katumbas rin ng basbasan, pagpalain, at bendisyunan, ang paginghawahin (pagbibigay ng ginhawa). Sinasabing kapag nanggaling ang pagpapala mula sa Diyos, pinapainam ng Diyos ang kalagayan ng isang tao, kaya't itinuturing itong isang biyaya mula sa Diyos. Samantala, kapag nagpala naman ang isang tao, hinihiling ng taong iyon na maghatid ng kabutihan sa taong pinagpala.[1]

Hudaismo

baguhin
 
Pinagpapala ni Isaac si Jacob, dibuhong ipininta ni Govert Flinck (Rijksmuseum Amsterdam).

Sa Hudaismo, sinasabi ang mga bendisyon (Ebreo: ברכה‎, brakha, "biyaya", "bendisyon") sa isang kaganapan, seremonya, o ibang gawain. Ito ay upang kilalanin ang Diyos bilang pinagmulan ng lahat ng biyaya.[2] Karaniwang nagsisimula ang isang brakha sa:

ברוך אתה אדני אלוהינו מלך העולם…
Barukh Ata Adonay Elohenu Melekh ha'olam…
"Mapalad Ka, Panginoon, aming Diyos, Hari ng sanlibutan…"

Mayroong tatlong pangunahing uri ng brakha:

  • mga bendisyong sinasabi sa magandang karanasan (Ebreo: ברכות הנהנין);
  • mga bendisyong sinasabi kapag tumutupad ng mitsva (Ebreo: ברכות המצוות‎); at,
  • mga bendisyong sinasabi bilang pampuri o pagsasalamat (Ebreo: ברכות שבח והודאה‎).

Ang isang nakakarinig ng isang namemendisyon ay sumasagot nang "amen," ngunit ang isang namemendisyon o nagdarasal ay binabawalang magsalita, kasama na ang mag-amen. Bagaman may iilang eksepsiyon, hindi sinasagutan nang "amen" ang sariling bendisyon. Gayumpaman, may ilang mga panalagin, tulad ng kadish, na sinasama ang "amen" sa teksto.

Kristiyanismo

baguhin

Sa Kristiyanismo, maaaring gawin ang pagpapala sa mga bagay, katulad ng palaspas, mga pinalamutiang dahon ng palma na binabasbasan tuwing Linggo ng Palaspas.[3]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. The Committee on Bible Translation (1984). "Bless, blessing". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Sefer haHinukh, ika-430 kab.
  3. Blake, Matthew (2008). "Bless, blessed, bendisyunan, pagpalain, basbasan, pagin(g)hawahin". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)