Palitang Smart Connect

(Idinirekta mula sa Palitan ng Smart Connect)

Ang Palitang Smart Connect (Ingles: Smart Connect Interchange), na kilala rin bilang Palitan ng Abenida Mindanao (Mindanao Avenue Interchange) at Palitan ng North Luzon Expressway–Daang Palibot Blg. 5 (North Luzon Expressway–Circumferential Road 5 Interchange), ay isang palitang trebol na may dalawang antas sa Valenzuela, Kalakhang Maynila, Pilipinas na nagsisilbing sangandaan sa pagitan ng Daang Palibot Blg. 5 (C-5) at ng North Luzon Expressway (NLEx). Itinayo ito bilang bahagi ng NLEx–Mindanao Avenue Link na may habang 2.7 kilometro (o 1.7 milya) at nagsisilbing karugtong ng mabilisang daanan sa Abenida Mindanao,[1] na sinapi na sa sistemang C-5, at ito ang pinakamalaking palitang trebol sa bansa kung pagbabatayan ang lawak ng lupa.[2]

Palitang Smart Connect
Smart Connect Interchange
Palitan ng Abenida Mindanao
Palitan ng North Luzon Expressway–Daang Palibot Blg. 5
Smart Connect Interchange aerial view.jpg
Ang Palitang Smart Connect na tanaw mula sa himpapawid noong 2018.
Lokasyon
Valenzuela, Kalakhang Maynila, Pilipinas
Mga koordinado14°41′36.7″N 121°0′1.6″E / 14.693528°N 121.000444°E / 14.693528; 121.000444Mga koordinado: 14°41′36.7″N 121°0′1.6″E / 14.693528°N 121.000444°E / 14.693528; 121.000444
Mga lansangan sa
daanan
E5 (Philippines).svg C-5
E1 (Philippines).svg North Luzon Expressway
Konstruksiyon
UriPalitang trebol na may dalawang antas
Itinayo2009–2010 ng Leighton Contractors Asia Ltd
Nabuksan5 Hunyo 2010 (2010-06-05)
Pinangangasiwaan ngKagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan
Manila North Tollways Corporation

KasaysayanBaguhin

Pinasinayaan ang simula ng konstruksiyon ng NLEx–Mindanao Avenue Link, kasama ang Palitang Smart Connect Interchange, noong 2 Abril 2009,[3] at nagsimula ang mismong pagtatayo noong Abril 21, 2009.[4]

Binuksan sa trapiko ang buong bahagi noong Hunyo 5, 2010, at pinasiyahan nina noo'y Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, Manuel V. Pangilinan na tagapangulo ng Manila North Tollways Corporation (konsesyonaryo ng North Luzon Expressway), Victor Domingo na noo'y Kalihim ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH), at ng matataas na mga opisyal ng lungsod ng Valenzuela.[5] Tinatayang nasa 30,000 sasakyan ang gagamit ng bagong daan araw-araw sa unang taon ng operasyon nito.[4] Mula nang binuksan ito, malaki ang naitulong nito sa pagpapagaan ng trapiko sa mas-lumang Palitan ng Balintawak na nag-uugnay ng Abenida Epifanio de los Santos (EDSA) sa NLEx,[6] na tatlong beses na mas-maliit.[4]

Bagamat binuksan ito sa trapiko noong 2010, unang dinala ng Palitang Smart Connect ang trapiko sa pagitan ng Valenzuela at silangang bahagi ng Kalakhang Maynila, at nakasara sa trapiko ang pakanlurang mga rampa. Masasakatuparan lamang ang gawain sa isang koneksiyon sa pagitan ng palitan at ng kanlurang Kalakhang Maynila kalakip ng pagtatayo ng 2.42 kilometro (1.5 milyang) NLEx–Karuhatan Link o ang Bahaging 9 ng NLEx, sa pagitan ng palitan at ng Lansangang MacArthur, na binuksan noong 19 Marso 2015.[7] Isa pang karugtong papuntang Pantalan ng Maynila na kilala bilang Bahaging 10 ng NLEx ay unang binuksan noong 1 Marso 2019.

Noong 16 Nobyembre 2012,[8] binili ng Smart Communications ang karapatan sa pagpapangalan sa palitan, kaya nabigyan ito ng kasalukuyan nitong pangalan.[9]

TalasanggunianBaguhin

  1. "MNTC ready to undertake NLEX-C5 road link proj". The Philippine Star. PhilStar Daily, Inc. Abril 30, 2012. Nakuha noong Hulyo 8, 2016.
  2. "MNTC starts construction of roads connecting NLEX from all directions". GMA News and Public Affairs. Abril 2, 2009. Nakuha noong Hulyo 8, 2016.
  3. 4.0 4.1 4.2 "NLEX's Segment 8.1 opens today, June 5" (Labas sa midya). Manila North Tollways Corporation. Hunyo 5, 2010. Sininop mula sa ang orihinal noong Hunyo 20, 2010. Nakuha noong Hulyo 8, 2016.
  4. "PGMA inaugurates P2.1-B NLEX-Mindanao Avenue Link". Philippines News Agency. Hunyo 5, 2010. Nakuha noong Hulyo 8, 2016.
  5. Reyes, Mary Ann LL. (July 12, 2015). "Seamless travel". The Philippine Star. PhilStar Daily, Inc. Nakuha noong July 8, 2016.
  6. "NLEX's Segment 9 opens Thursday". ABS-CBN News and Current Affairs. Marso 18, 2015. Nakuha noong Hulyo 8, 2016.
  7. Smart Communications [@LiveSmart] (Nobyembre 16, 2012). "MOA signing for the SMART CONNECT Interchange. The largest cloverleaf in the Phil now sports a new name. twitpic.com/bdkqy1" (Tweet) – sa pamamagitan ng Twitter.
  8. "Smart, MNTC, Voyager tie up for interactive mobile messaging" (Labas sa midya). Smart Communications. Hulyo 26, 2013. Nakuha noong Hulyo 8, 2016.