Pamantasang Hacettepe

Ang Pamantasang Hacettepe (Ingles: Hacettepe University) ay isang pangunahing pampublikong unibersidad ng bansang Turkey, na nakabase sa Ankara. Kabilang ito sa mga nangungunang unibersidad sa Turkey.

Ang Unibersidad ay may dalawang pangunahing kampus. Ang unang kampus ay matatagpuan sa lumang bayan ng Ankara at narito ang Medical Center. Ang pangalawang ay ang kampus ng Beytepe na 13 kilometro (8 mi) mula sa sentro ng lungsod. Ang kampus ng Beytepe Campus ay sumasaklaw sa 6,000,000 square metre (600 ha; 1,483 akre) ng berdeng lupain at kakahuyan, at narito ang mga fakultad ng ekonomiks at agham administratibo, batas, edukasyon, inhenyeriya, pinong sining, literatura, at agham. Bilang karagdagan sa dalawang pangunahing kampus na ito, matatagpuan ang School of Social Work sa Keçiören, at ang Turkish State Conservatory sa Ankara, na naging kaanib sa Unibersidad noong 1982, ay matatagpuan sa kampus ng Beşevler. [1].

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Hacettepe University". Nakuha noong 2017-10-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

39°52′02″N 32°44′04″E / 39.867222222222°N 32.734444444444°E / 39.867222222222; 32.734444444444   Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.