Pamantasang Inha
Ang Pamantasang Inha (Ingles: Inha University, Koreano: 인하대학교) ay isang pribadong unibersidad para sa pananaliksik na matatagpuan sa Incheon, Timog Korea.
Kilala ang institusyong ito para sa pananaliksik at pag-aaral sa inhenyeriya at pisikal na agham. Ang unibersidad ay itinatag ng unang pangulo ng Timog Korea, si Syngman Rhee. Ang Inha ay isang kolaborasyong Koreano-Amerikano, ang pangalan nito: ang morpemang "In" (인, 仁) ay mula sa lungsod ng Incheon, habang ang "Ha" (하, 荷) ay mula sa estado ng Hawaii, Estados Unidos. Nagsimula bilang isang politeknikong unibersidad noong 1954, na may pangalang Inha Institute of Technology (Akronim: IIT; Koreano, 인하공과대학, Inha Gonggwa Daehak, kolokyal na Inhagongdae), nakamit nito ang pambansang pagkilala at reputasyon bilang isang teknolohikal na unibersidad sa pananaliksik sa mga kasunod na taon.
37°26′58″N 126°39′16″E / 37.4494°N 126.6544°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.