Pamantasang Katolikong Portuges
Ang Pamantasang Katolikong Portuges (Portuges: Universidade Católica Portuguesa), na tinutukoy din bilang Católica o UCP, ay ang tanging pribadong pamantasang Katoliko sa Portugal.
Ang unibersidad ay may apat na pangunahing sentrong rehiyonal: Lisbon (punong tanggapan), Beiras (sa mga lungsod ng Caldas da Rainha at Viseu), Braga, at Porto. Kabilang dito ang 18 fakultad, paaralan at instituto. Bukod sa apat na sentrong rehiyonal sa Portugal, konektado rin sa UCP ang University of Saint Joseph sa Macau.
38°44′57″N 9°09′57″W / 38.749074°N 9.165963°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.