Buksan ang pangunahing menu
Herzstein Hall

Ang Pamantasang Rice (Ingles: Rice University, opisyal na William Marsh Rice University), ay isang pribadong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa isang 295-acre campus sa Houston, Texas, Estados Unidos. Ang unibersidad ay matatagpuan malapit sa Houston Museum District at katabi ng Texas Medical Center. Sa pangkalahatan, ang Rice ay itinuturing na nangungunang unibersidad at ang pinakaselektibong institusyon ng mas mataas na edukasyon sa estado ng Texas.[1][2][3]

Ang unibersidad ay nakapagprodyus ng mga kilalang alumno, kabilang ang higit sa dalawang dosenang Marshall scholars at isang dosenang Rhodes scholars.[4][5] Dahil sa kalapitan nito sa NASA, ito ay nakapagprodyus ng maraming mga astronaut at siyentipikong pangkalawakan.[6] Dalawang alumno ay nanalo ng Nobel Prize, at maraming iba pa ay mga nangungunang mananaliksik sa agham, teknolohiya, at inhinyeriya.[7][8]

Mga sanggunianBaguhin

  1. "Best Colleges in Texas - College Rankings". Hinango noong 2016-05-09.
  2. Howard, Caroline. "The Best College In Every State". Hinango noong 2016-05-09.
  3. "MAP: The Most Selective College in Each State". Hinango noong 2016-05-09.
  4. "Marshall Scholarship Statistics".
  5. "Colleges and Universities with U.S. Rhodes Scholarship Winners".
  6. "Origins of Rice Space Science".
  7. "Famous Rice University alumni". Houston Chronicle. Hinango noong 2017-11-01.
  8. "Famous Rice University Alumni". Ranker (sa Ingles). Hinango noong 2017-11-01.