Pamantasang Zayed
Ang Pamantasang Zayed (Ingles: Zayed University, Arabe: جامعة زايد) ay isa sa tatlong mga institusyon ng mas mataas na edukasyong panggobyerno sa United Arab Emirates. Mula nang magkamit ng akreditasyon sa pamamagitan ng Middle States Commission on Higher Education ng Estados Unidos, ito ay naging kauna-unahang federal na unibersidad sa UAE na nabigyan ng internasyonal na pagkilala.[1] Ito ay ipinangalan sa karangalan ni Zayed bin Sultan Al Nahyan, ang ang unang pangulo ng bansa. Ang Unibersidad ay may anim na mga kolehiyo: Kolehiyo ng mga Sining at Agham, Kolehiyo ng Agham Pangnegosyo, Kolehiyo ng Komunikasyon at Agham Pangmedya, Kolehiyo ng Edukasyon, Kolehiyo ng Teknolohiya ng Impormasyon, at University College.[2]
Noong Nobyembre 2014, ang Pamantasang Zayed ay nairanggo bilang ika-23 sa 25 na naitala ng QS World University Arab Rankings.[3] Ito ay hindi na tampok sa anumang mga pagraranggo sa mundo.[4][5][6]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Zayed University achieves international accreditation". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-04-06. Nakuha noong 2017-03-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2015-04-06 at Archive.is - ↑ "Colleges at Zayed University".
- ↑ "UAE universities top regional charts" Naka-arkibo 2014-11-20 at Archive.is, Khaleej Times, 18 Noyembre 2014.
- ↑ "World University Rankings, 2012-2013". Times Higher Education. Nakuha noong 19 Marso 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Top 400 Universities in the World". U.S. News. Nakuha noong 19 Marso 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "QS World Rankings of Universities". Shanghai Rankings. Nakuha noong 19 Marso 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
25°06′N 55°23′E / 25.1°N 55.39°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.