Panalangin sa Ikatlo ng Hapon
Ang artikulong ito ay nangangailangan pa ng mga link sa ibang mga artikulo upang makatulong isama ito sa ensiklopedya. (Enero 2021) |
Ang Panalangin sa Dakilang Awa ng Diyos ay ipinapalabas tuwing ikatlo ng hapon sa ABS-CBN. Nagsimula ang tradisyong ito ng ABS-CBN noon pang 1990s at noong una ay binibigkas ito sa wikang Ingles. Ito ay kilala din sa tawag na "Jesus, I Trust in You!: The 3 o'clock Prayer Habit"
Panalangin sa Ikatlo ng Hapon
baguhinPumanaw Ka, Hesus, subalit ang Bukal ng Buhay ay bumalong para sa mga kaluluwa at ang karagatan ng Awa ay bumugso para sa sanlibutan.
O Bukal ng Buhay, Walang Hanggang Awa ng Diyos, yakapin Mo ang sangkatauhan at ibuhos Mong ganap ang Iyong Sarili para sa aming lahat.
O Banal na Dugo at Tubig, na dumaloy mula sa Puso ni Hesus bilang Bukal ng Awa para sa aming lahat, ako ay nananalig sa Iyo.
Banal na Diyos, Banal na Puspos ng Kapangyarihan, Banal na Walang Hanggan, maawa po Kayo sa amin at sa buong sansinukob. (3x) AMEN.
O Hesus, Hari ng Awa, ako ay nananalig sa Iyo!
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.