Pandeismo

(Idinirekta mula sa Pandeism)

Isang terminong nagsasalarawan sa relihiyosong paniniwala kung pinagsama ang panteismo (na ang “Diyos” ay katumbas ng buong Kalawakan) at deyismo (nagsasabi na ang lumikha ng Kalawakan ay nasa estado kung saan ang kanyang eksistensiya ay hindi na maaabot, sa halip ay mapapatunayan na lamang gamit ang mga siyentipikong pangangatwiran). Ito ay sumesentro sa paniniwala kung saan ang Tagalikha ng Kalawakan ay ang naturang Kalawakan mismo.[1][2] Ang pagkakagawa ng konseptong ito ay tumutugon sa mga katungang kumokondena sa deyismo (Bakit lilikha ang Diyos ng Kalawakan kung hindi niya ito pagtutuunan ng pansin?) at sa panteyismo (Paano nag-umpisa ang Kalawakan at ano ang layunin nito?).

(1787)

Ang Panteyistikong uri ng Deyismo

baguhin

Ang Pandeyismo ay nabibilang sa tradisyunal na hirarkiya ng mga pilosopiya na pumapatungkol sa kalikasan ng Diyos. Ito ay pinaghalong termino mula sa Griyego at Latin na nangangahulugang (pan) “lahat” at (deus) “Diyos”. Ang teorya ay maaaring traced pabalik sa Milesians ng Sinaunang Gresya.[3] Ngunit ang salita ay unang ginamit sa 1787.[4]

Siyentipikong Ebidensiya

baguhin

Taong 2009, si Robert G. Brown, isang propesor ng pisika sa Unibersidad ng Duke, na may kaalaman din sa pilosopiya, ay naglathala ng siyentipikong patunay kung saan dito ipinaliliwanag ang katotohanan ng pandeyismo gamit ang Teorya ng impormasyon.[5] Pinamagatan itong “Ang Pandeyist Theorem”, ang theorem ay nagsasabi na “Kung ang Diyos ay may eksistensiya, ang Diyos ay ang Kalawakan” at “Kung ang Diyos ay totoo, ang Diyos ang kabuuan ng lahat ng bagay sa mundo.” Ang pangunahing pinupunto nito ay ang isang nilalang na kinikilalang Diyos ay nararapat na may wagas na kaalaman ukol sa Kalawakan, kung saan walang ibang pamamaraan upang maabot ito maliban na lang kung mayroong real-time map para sa buong nilalaman ng Kalawakan. Sa konsepto ni Brown, hindi niya tinatanggap ang kaisipan ng “nilikhang Kalawakan”. Mas pinaniniwalaan niya na hindi ito nilikha dahil ito mismo ang lumilikha.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Sean F. Johnston (2009 ISBN = 1851686819). The History of Science: A Beginner's Guide p. 90. {{cite book}}: Check date values in: |year= (tulong); Missing pipe in: |year= (tulong); line feed character in |year= at position 5 (tulong)
  2. Alex Ashman, BBC News, "Metaphysical Isms".
  3. Francis E. Peters, Greek Philosophical Terms: A Historical Lexicon, p. 169 (NYU Press 1967).
  4. Große, Gottfried (1787). Naturgeschichte: mit erläuternden Anmerkungen. p. 165. {{cite book}}: External link in |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Robert G. Brown, "The Pandeist Theorem Naka-arkibo 2011-07-19 sa Wayback Machine." (11 Mayo 2009)


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.