Percy Bysshe Shelley

Si Percy Bysshe Shelley (play /ˈpɜrsi ˈbɪʃ ˈʃɛli/; na ang Bysshe ay binibigkas na parang isinulat bilang bish; ipinanganak noong 4 Agosto 1792  – namatay noong 8 Hulyo 1822) ay isa sa pangunahing mga Ingles na mga makatang Romantiko at mapanuring itinuturing bilang isa sa pinakamahuhusay na mga makatang liriko sa wikang Ingles. Bilang isang radikal sa kaniyang panulaan pati na sa kaniyang mga pananaw sa politika at lipunan, si Shelley ay hindi nagtamo ng katanyagan habang nabubuhay pa, subalit ang pagkilala sa kaniyang panulaan ay may katatagang sumulong pagkaraan ng kaniyang kamatayan. Si Shelley ay isang susing kasapi sa isang eksklusibong pangkat ng mga makatang mapangarapin at mga manunulat na kinabibilangan nina Lord Byron, Leigh Hunt, Thomas Love Peacock, at ng kaniyang pangalawang asawang si Mary Shelley na may-akda ng Frankenstein.

Percy Bysshe Shelley
Percy Bysshe Shelley by Alfred Clint.jpg
Kapanganakan4 Agosto 1792
    • Horsham
  • (Horsham, West Sussex, South East England, Inglatera)
Namatay8 Hulyo 1822
Inilibing saProtestant Cemetery, Rome
MamamayanUnited Kingdom of Great Britain and Ireland, Kaharian ng Gran Britanya
NagtaposUniversity College, Oxford, Eton College
Trabaholingguwista, manunula, tagasalin, mandudula, nobelista
TituloShelley baronets
AsawaMary Shelley, Harriet Westbrook (1811–1816)
AnakIanthe Eliza Shelley, Charles Bysshe Shelley, William Shelley, Percy Florence Shelley, Clara Everina Shelley, Clara Shelley
Magulang
  • Timothy Shelley
  • Elizabeth Pilford
PamilyaHelen Shelley, Margaret Shelley, John Shelley
Pirma
Percy Bysshe Shelley signature.jpg

Marahil si Shelley ay pinaka nakikilala dahil sa mga tulang klasikong katulad ng Ozymandias, Ode to the West Wind, To a Skylark, Music, When Soft Voices Die, The Cloud at The Masque of Anarchy. Ang iba pa niyang pangunahing mga akda ay kinabibilangan ng mahahaba at mapagpangarap na mga tulang katulad ng Queen Mab (na sa paglaon ay muling isinagawa bilang The Daemon of the World), Alastor, The Revolt of Islam, Adonaïs, ang hindi natapos na akdang The Triumph of Life; at ang mga dramang may taludtod at mapagpangarap na The Cenci (1819) at Prometheus Unbound (1820).



TaoInglateraPanitikan Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Inglatera at Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.