Begging the question

(Idinirekta mula sa Petitio principii)

Ang begging the question (Latin petitio principii, "pagpapalagay ng simulang punto" na hinango mula sa orihinal na wikang Griyegong τὸ ἐν ἀρχῇ αἰτεῖσθαιm, "pagtatanong ng orihinal na punto" sa Analytica Priora ni Aristoteles) o pagsusumamo sa tanong o hingin ang tanong o ipagmakaawa ang tanong (literal na mga salinwika) ay isang lohikal na palasiya (baluktot na pangangatwiran), na nangyayari kapag ang premisa ng argumento ay nagpapalagay na ang konklusyon ay totoo nang walang patunay na ito ay totoo. Ito ay kadalasang tinatawag na pangangatwirang paikot-ikot bagaman ito ay itinuring na natatangi mula rito.

Halimbawa

baguhin
  • Dapat kang magmaneho sa kanang panig ng kalsada dahil ito ang sinasabi ng batas at ang batas ay batas.

Ang pagmamanaho sa kanang panig ng kalsada ay inaatas ng batas (sa ilang bansa) kaya kapag tinatanong ng isa kung bakit ito dapat gawin, kanilang kinukwestiyon ang batas. Gayunpaman, kung ang isa ay nag-aalok ng dahilan na sundin ang batas na ito at simple nitong sasabihin na "dahil ito ang batas", ito ay isang begging the question (nagpapalagay ng simulang punto). Ito ay nagpapalagay ng pagiging balido ng pag-aangking kinukwestiyon sa simula.