Penotipo

(Idinirekta mula sa Phenotype)

Ang penotipo o phenotype (from Greek phainein, 'to show' + typos, 'type') ang komposito ng mapagmamasdang mga katangian ng isang organismo gaya ng morpolohiya, pag-unlad, mga katangiang biokemiko at pisiolohikal, penolohiya, pag-aasal at mga produkto ng katangian nito. Ang mga penotipo ay nagreresulta mula sa ekspresyon ng mga gene ng organismo gayundin ang impluwensiya ng mga paktor na pangkapaligiran at mga interaksiyon sa pagitan ng dalawang ito. Ang henotipo ng isang organismo ang mga namanang instruksiyon na dala dala nito sa loob ng kodigong henetiko nito. Hindi lahat ng mga organismo na may parehong henotipo ay magkamukha o umaasal na magkatulad dahil ang hitsura at pag-aasal ay nababago ng mga kondisyong pangkapaligiran at pang-pag-unlad. Gayundin, hindi lahat ng mga organismo na magkamukha ay nangangailangang may parehong henotipo. Ang distinksiyong henotipo-penotipong ito ay iminungkahi ni Wilhelm Johannsen noong 1911 upang bigyan linaw ang pagkakaiba sa pagitan ng pagmamana ng organismo at kung ano ang nalilikha ng pagmamanang ito.[1][2] Ang distinksiyon ay katulad ng iminungkahi ni August Weismann na nagtangi sa pagitan ng plasmang germ(pagmamana) at mga selulang somatiko(ang katawan). Ang konseptong henotipo-penotipo ay hindi dapat ikalito sa sentra lna dogma ng biolohiyang molekular ni Francis Crick na isang pahayag tungkol sa direksiyonalidad ng sekwensiyal na impormasyong molekular na dumadaloy mula sa DNA tungo sa protina at hindi ang kabaligtaran.

Ang mga shell ng mga indibidwal sa loob ng molluskang bibalbong espesyeng Donax variabilis ay nagpapakita ng dibersong pagkukulay at pagpapaterno sa mga penotipo nito.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Churchill, F.B. (1974). "William Johannsen and the genotype concept". Journal of the History of Biology. 7: 5–30. doi:10.1007/BF00179291.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Johannsen, W. (1911). "The genotype conception of heredity". American Naturalist. 45: 129–159.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)