Pilipinong Amerikano

Ang katawagang Pilipinong Amerikano o Filipino American[15] o Fil-Am sa Ingles ay maaring tumukoy sa mga sumusunod:

  • Pilipino na isinilang sa Estados Unidos (United States o US);
  • Pilipino na isinilang sa mga teritoryo ng US, kabilang ang Puerto Rico;
  • Pilipino na nagpalit ng pagkamamamayan patungo sa pagiging Amerikano at ng kalaunan ay piniling ipanumbalik ang pagka-Pilipino sa pamamagitan ng reacquisition (pagkuha muli) (Petition for Re-Acquisition/Retention of Philippine Citizenship);
  • Pilipino na may magulang na Amerikano at Pilipino;
  • Pilipino na may magulang na Filipino American;
  • Indibidwal na may dalawang pagkamamamayan (dual citizenship) ng bansang Amerika at Pilipinas; o sa
  • Amerikanong nagtataglay ng pagkamamamayang Pilipino alinsunod sa tinadhana ng batas ng Pilipinas.
Pilipinong Amerikano
Filipino Americans
PilipinasEstados Unidos
Kabuuang populasyon
Over 4 milyon[1]
1.23% of the total U.S. population (2018)[kailangan ng sanggunian]
Mga rehiyong may malaking bilang nila
Western United States, Hawaii, especially in metropolitan areas and elsewhere as of 2010
California1,474,707[2]
Hawaii342,095[3]
Illinois139,090[4]
Texas137,713[5]
Washington137,083[6]
New Jersey126,793[7]
New York126,129[8]
Nevada123,891[9]
Florida122,691[10]
Wika
English (American, Philippine),[11]
Tagalog (Filipino),[11][12]
Ilocano, Pangasinan, Kapampangan, Bikol, Visayan languages (Cebuano, Hiligaynon, Waray, Chavacano), at iba pang mga wika sa Pilipinas, Hapones,[11]
Spanish, Tsino (Hokkien, Mandarin)[13]
Relihiyon
65% Roman Catholicism
21% Protestantism
8% Irreligion
1% Buddhism[14]
Kaugnay na mga pangkat-etniko
Pilipino sa Ibayong Dagat

Komunidad ng mga Filipino American sa Estados Unidos

baguhin

Ang komunidad ng mga Filipino American ay ang ikalawang pinakamalaking grupo sa pangkat-etnikong Hispano & Asyano-Amerikano. Ang mga Filipino American ay mga tao na ang lahi ay nagmula o nanggaling sa Pilipinas. Sila ay mga Pilipino na naging mga permanenteng residente o mamamayan ng Estados Unidos. Mahigit 2.4 milyon ang mga naitalang tao na Pilipino sa taong 2000, ngunit ito'y binabatikos ng iba at maaari na ang bilang ng mga Pilipino ay nasa 4 milyon.

Karamihan sa mga Filipino American ay nakatira sa California, Lungsod ng New York, at Hawaii. Ang mga Filipino American ang pinakamalaking group na pangkat-etnikong Asyano-Amerikano sa California. Kabilang din dito ay ang mga estado ng Alaska, Maine, Montana, Nevada, North Dakota, Oregon, South Dakota. Ang mga Filipino American ay ang ikalawang pinakamalaki sa Arizona, Florida, Hawaii, Idaho, Indiana, Illinois, Maine, Mississippi, New Jersey, New Mexico, South Carolina, Texas, Virginia at West Virginia. Sila naman ay ikatlong pinakamalaki sa Connecticut, Maryland, Georgia, Minnesota, at Lungsod ng New York.

Sa Northern Marianas, ang mga Filipino American ay ang pinakamalaking pangkat-etniko na kahit anong uri. Ang kanilang populasyon at dalawampu't porsyento (29%) ng buong territoryo. Sa Guam, sila'y ikalawang pinakamalaking pangkat-etniko ng kahit anong uri. Sa American Samoa, nalagpasan na nila ang mga Samoan at Tongan at itinanghal na pinakamalaking pangkat-etniko.

Ipinagkaloob ng Kongreso ng Amerika ang dalawang buwan na pagdiriwang na pang kulturang Filipino American. Ang Buwan ng Asyano Pasipiko Amerikano ay itinakda sa buwan ng Mayo. Sa pagiging pinakamalaking grupo ng pangkat-etnikong Asyano-Amerikano, ibinigay ang buwan ng Oktubre at ipangalangang Buwan ng Makasaysayang Pilipino Amerikano, isang pagpupugay sa mga isinaunang Pilipino na naglayag patungong California noong 18 Oktubre 1587.

Lahi at kultura

baguhin

Mga wika at salita

baguhin

Sa mga baguhang Pilipino, maaaring may mga kahirapan sa pakikipag-ugnayan na madaraanan. Maraming pagkakaiba sa wika sa mga dati at ngayong henerasyong mga Pilipino, na palaging nagreresulta sa hindi pagkakaunawaan ng maayos at matiwasay.

Sa Pilipinas, isang opisyal na wika ang Filipino. Ngunit maraming mga Pilipino Amerikano ay marunong makaintindi at makapagsalita ng Wikang Ingles, karamihan sa mga ito ay nagsasalita ng Tagalog, mga wikang Bisaya, Pangasinan, Kapampangan at Ilokano sa kanilang mga tirahan. Ang Tagalog din ang ika-anim na pinakagamit na wika sa buong Estados Unidos. Ito rin ang opisyal at pambansang wika ng Pilipinas. Katulad din ng ibang pangkat-etniko sa Amerika, ang pagkatatas sa Tagalog ay maaaring nawawala sa kaalaman ng mga Filipino American habang sila ay nakikibagay at nakikihalubilo sa kulturang Amerikano. Ayon sa mga sibikong pangkat na pang Pilipino, layunin ng mga magulang ang panatiliin ang kaalaman sa Tagalog, pati na sa kanilang mga anak, dahilan sa pagka-usbong ng bilingguwalismo o ang kakayahan ng pagsasalita ng dalawang wika sa maraming Amerikano.

Ang Tagalog ay mayroong 2.1 milyong tagapagsalita, pumapangalawa lamang sa Intsik na may 2.6 milyon sa mga Asyano-Amerikano.

Tingnan rin

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. "U.S. Relations With the Philippines". state.gov. Enero 21, 2020. There more than four million U.S. citizens of Philippine ancestry in the United States{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "California". Profile of General Population and Housing Characteristics: 2010. United States Census Bureau. 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-02-12. Nakuha noong 7 Disyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Hawaii". Profile of General Population and Housing Characteristics: 2010. United States Census Bureau. 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-02-12. Nakuha noong 5 Disyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Illinois". Profile of General Population and Housing Characteristics: 2010. United States Census Bureau. 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-02-12. Nakuha noong 5 Disyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Texas". Profile of General Population and Housing Characteristics: 2010. United States Census Bureau. 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-02-12. Nakuha noong 5 Disyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Washington". Profile of General Population and Housing Characteristics: 2010. United States Census Bureau. 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-02-12. Nakuha noong 5 Disyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "New Jersey". Profile of General Population and Housing Characteristics: 2010. United States Census Bureau. 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-02-12. Nakuha noong 5 Disyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "New York". Profile of General Population and Housing Characteristics: 2010. United States Census Bureau. 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-02-12. Nakuha noong 5 Disyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Nevada". Profile of General Population and Housing Characteristics: 2010. United States Census Bureau. 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-02-12. Nakuha noong 5 Disyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Florida". Profile of General Population and Housing Characteristics: 2010. United States Census Bureau. 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-02-12. Nakuha noong 5 Disyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 11.2 Melen McBride. "HEALTH AND HEALTH CARE OF FILIPINO AMERICAN ELDERS". Stanford University School of Medicine. Stanford University. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Oktubre 2011. Nakuha noong 8 Hunyo 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link),
  12. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang US Census bureau, languages in the US); $2
  13. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang SpanishChinese); $2
  14. "Asian Americans: A Mosaic of Faiths, Chapter 1: Religious Affiliation". The Pew Forum on Religion & Public Life. Pew Research Center. 19 Hulyo 2012. Nakuha noong 18 Agosto 2014. Religious Affiliations Among U.S. Asian American Groups - Filipino: 89% Christian (21% Protestant (12% Evangelical, 9% Mainline), 65% Catholic, 3% Other Christian), 1% Buddhist, 0% Muslim, 0% Sikh, 0% Jain, 2% Other religion, 8% Unaffiliated{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[wala sa ibinigay na pagbabanggit]
    "Asian Americans: A Mosaic of Faiths". The Pew Forum on Religion & Public Life. Pew Research Center. 19 Hulyo 2014. Nakuha noong 15 Marso 2017. Filipino Americans: 89% All Christian (65% Catholic, 21% Protestant, 3% Other Christian), 8% Unaffiliated, 1% Buddhist{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Claudio-Perez, Marina. Naka-arkibo 2011-09-30 sa Wayback Machine. "Filipino Americans," Library.CA.gov