Capsella bursa-pastoris

(Idinirekta mula sa Pitaka ng pastol)

Ang Capsella bursa-pastoris, kilala rin bilang pitaka ng pastol, portamoneda ng pastol, kalupi ng pastol, kartamuneda ng pastol, bulsa ng pastol, o (maliit na) supot ng pastol[1][2] (Ingles: shepherd's-purse), dahil sa hugis tatsulok nitong likbit na parang pitaka, ay isang maliit (hanggang 0.5 m) na taunang uri ng halamang kasapi sa Brassicaceae o pamilya ng mustasa. Katutubo ito sa Silangang Europa at Asya menor[3] ngunit naging naturalisado at itinuturing na karaniwang damong hindi kailangan sa maraming mga bahagi ng mundo, partikular na sa may malalamig na klima,[4] kabilang na ang Britanya,[5][6] Hilagang Amerika[7][8] at Tsina[9] ngunit gayon din sa Mediteraneo at Hilagang Aprika.[3] Malapit na kaugnay ang Capsella bursa-pastoris ng Arabidopsis thaliana. Hindi katulad ng karamihan sa mga halamang namumulaklak, namumulaklak ito sa halos buong taon.[8][9] Dumarami o nagpaparami ang C. bursa-pastoris sa pamamagitan lamang ng buto nito,[5] at may maikling panahon ng pagsusupling,[3] at may kakayahang gumawa ng ilang mga salinhali bawat taon.

Pitaka ng pastol
Mga halamang Capsella bursa-pastoris
na may mga bulaklak at mga bunga
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
(walang ranggo):
(walang ranggo):
(walang ranggo):
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
C. bursa-pastoris
Pangalang binomial
Capsella bursa-pastoris

Mga pangalan

baguhin

Hinango ang karaniwang pangalan nitong pitaka ng pastol mula sa pagkakahawig ng mga hugis pusong mga likbit nito sa mga katad na supot na dating dinadala ng mga pastol. Tinatawag din itong "puso ng ina", "puso ng nanay", o "puso ng inay".[10]

Bilang yerba

baguhin

Ginagamit itong halamang-gamot o yerba sa Silangan at Kanlurang mga Mundo. Isa itong mainam na yerba para sa mga sakit na hinekolohikal. Nakapagpapakipot ito ng mga ugat na daluyan ng dugo, kaya't nakapagpapaampat ng pagdurugo. Sa Tsina, ginagamit itong pampabuti ng pananaw o nagpapalinaw ng paningin.[10]

Sa Europa, pangunahing ginagamit ang mga panagap nito o mga bahaging tumutubo sa hangin bilang pampigil ng mga panloob at panlabas na mga pagdurugo. Nakapagpapasigla rin ang mga ito ng bahay-bata. Sa maraming mga bahagi ng mundo, kinakain ang halamang ito bilang yerbang ensalada. Sa Tsina, dahil sa katamisan nito, naniniwala ang mga Intsik na mabuti ito para sa pali. Ginagamit ng mga Intsik ang mga bulaklak nito bilang nakaugaliang gamot laban sa pag-iiti at pagdurugo ng sinapupunan.[10]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Batay sa shepherd at purse - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Blake, Matthew (2008). "Batay sa purse". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa purse Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine..
  3. 3.0 3.1 3.2 Aksoy A, Dixon JM at Hale WH (1998) Biological flora of the British Isles. Capsella bursa-pastoris (L.) Medikus (Thlaspi bursapastoris L., Bursa bursa-pastoris (L.) Shull, Bursa pastoris (L.) Weber). Journal of Ecology 86: 171-186
  4. "Capsella bursa-pastoris". Flora of Pakistan.
  5. 5.0 5.1 Preston CD, Pearman DA & Dines TD (2002) New Atlas of the British Flora. Oxford University Press
  6. Preston CD, Pearman DA & Hall AR(2004) Archaeophytes in Britain. Botanical Journal of the Linnaean Society 145, 257-294
  7. USDA PLANTS Profile: Capsella bursa-pastoris (L.) Medik
  8. 8.0 8.1 Blanchan, Neltje (2005). Wild Flowers Worth Knowing. Project Gutenberg Literary Archive Foundation. {{cite book}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 "Capsella bursa-pastoris". Flora of China. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |work= (tulong)
  10. 10.0 10.1 10.2 Ody, Penelope (1993). "Capsella bursa-pastoris, Shepherd's purse". The Complete Medicinal Herbal. DK Publishing, Inc.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 45.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.