Pontipise
Ang isang pontipise o pontiff (mula sa Latin na pontifex) ay isang kasapi ng pinakakilala ng mga kolehiyo ng mga saserdote o pari ng relihiyon ng Sinaunang Roma na Kolehiyo ng mga Pontipise.[1][2] Ang terminong "pontipise" ay kalaunang inilapat sa anumang dakila o pangunahing saserdote o pari. Sa paggamit sa Kristiyanismo, ito ay inilapat sa isang obispo at mas partikular na sa Obispo ng Roma o "Pontipiseng Romano".[3]
Sinaunang Roma
baguhinMay apat na pangunahing mga kolehiyo ng mga saserdote o pari sa Sinaunang Roma na ang pinakakilala ay ng mga pontipise.[4] Ang iba pa ay ng mga augures, quindecimviri sacris faciundis, at epulones. Ang parehong tao ay maaaring maging kasapi ng higit sa isa sa mga pangkat na ito. Kabilang ang pontifex maximus na pangulo ng kolehiyo ng mga pontipise, may orihinal na tatlo o limang mga pontipise ngunit ang bilang ay dumami sa paglipas ng mga siglo na sa huli ay naging 16 sa ilalim ni Julio Caesar. Sa ikatlong siglo BCE, ang mga pontipise ay kumontrol sa sistemang pang-relihiyon ng estado.
Mga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.