Prinsipyo ni Le Chatelier

(Idinirekta mula sa Prinsipyo ni Chatelier)

Ang prinsipyo ni Le Chatelier ay isang teoryang nabuo sa pag-aaral ni Henry Louis Le Chatelier na maaring gamiting basehan upang malaman ang magiging epekto ng paglalagay ng "tensiyon" sa isang sistemang nasa ekwilibriyo. Isinasaad ng prinsipyong ito na ang isang sistemang nasa ekwilibriyo na nilapatan ng isang tensiyon na panglabas ay kikilos patungo sa direksiyon na magpapabawas ng tensiyong iyon. Ang tensiyong isinasaad dito ay maaring ang pagbabago sa mga konsentrasyon ng mga reaktant o produkto ng isang reaksiyong kemikal, pagbabago sa presyon o volyum ng sistema, o pagbabago sa temperatura ng sistema. Ang prinsipyong ito ay maari lamang gamitin sa mga sistemang rebersibol.

Pagbabago sa Konsentrasyon

baguhin

Sumangguni sa reaksiyong ito: A + B ↔ K + D f Ang pagdagdag ng substansyang A o B sa sistemang ito ay magdudulot sa sistemang ito na kumilos papunta sa paggawa ng mas maraming substansyang K at D sa pagkonsumo ng substansyang A at B hanggang makuha muli ng sistemang ito ang isang panibagong ekwilibriyo. Ang kabaligtaran nito ay maari ring mangyari.

Pagbabago sa Presyon at "Volume"

baguhin

Sumangguni sa reaksiyong ito: A ↔ 2B

Ang pagbabago sa presyon at volume ay maari lamang maramdaman sa mga reaksiyon sa hangin (gaseous reactants). Sa reaksiyong nakasulat sa itaas, makikitang mas malaki ang magiging epekto sa pagbabago sa presyon o vlomue sa substansyang B kaysa sa substansyang A. Ang pagtaas ng presyon o pagbaba ng volume ng sistemang ito ay magdudulot sa pagkilos nito patungo sa produksiyon ng substansyang A at pagkonsumo ng substansyang B dahil mas tumaas ng konsentration ng B kaysa sa A. Ang kabaligtaran nito ay maari ring mangyari.

Pagbabago sa Temperatura

baguhin

Sumangguni sa reaksiyong ito: A + B ↔ K + D ΔH = -36 KJ/mol (kung eksotermiko) at ΔH = +6 KJ/mol (kung endotermiko)

Ang reaksiyong nasa itaas ay isang halimbawa ng reaksiyong eksotermiko (exothermic reaction) na kung saan ang init ay inilalabas ng sistema sa pagdaos ng reaksiyong ito. Ang pagtaas ng temperatura sa sistemang ito ay magdudulot sa pagtaas sa init sa loob ng sistemang ito na magdudulot sa pagkonsumo ng substansyang K at D at pagbuo ng substansyang A at B upang mabawasan ang sobrang init sa loob ng sistema. Ang kabaligtaran nito ay maari ring mangyari.

At para sa isang reaksiyong endotermiko (endothermic reaction), kabaligtaran ng reaksiyong eksotermiko, ang pagtaas ng temperatura ay magdudulot sa pagkonsumo ng substansyang A at B at pagbuo ng substansyang K at D upang mabawasan ang sobrang init sa loob ng sistemang ito.