Propesyon

(Idinirekta mula sa Professional)

Ang propesyon ay isang bokasyon na naitatag sa isang espesyalisadong pagsasanay na pang-edukasyon, na ang layunin ay ang makapagbigay ng malayuning payo at paglilingkod sa ibang mga tao, para sa isang tuwiran at tiyak na kabayaran, na nakahiwalay nang buo magmula sa inaasahan ng ibang pagkakamit na pangnegosyo.[1] Samantla, ang isang propesyunal ay ang tao na binabayaran upang magsagawa ng isang espesyalisadong pangkat ng mga gawain at upang makumpleto ang mga ito para sa isang kabayaran. Ang tradisyunal na mga prupesyon ay kinabibilangan ng mga manggagamot, mga inhinyero, mga manananggol, mga arkitekto, at mga kumisyonadong opisyal ng militar. Sa kasalukuyan, ang kataga ay nilalapat din para sa mga nars, mga akawntant, mga edukador, mga siyentipiko, mga eksperto sa teknolohiya, mga manggagawang panlipunan, mga artista ng sining, mga katiwala ng aklatan o biblyotekaryo (mga propesyunal sa impormasyon) at marami pang iba. Ginagamit din ito sa larangan ng palakasan upang ipagkaiba ang mga manlalarong baguhan mula sa mga binabayaran, kaya't may tinatawag na putbolerong propesyunal at golper na propesyunal. Maraming mga kompanya ang isinasama ang salitang propesyunal sa kanilang pangalan ng tindahan upang ipahiwatig ang kalidad ng kanilang serbisyo at kahusayan sa pagtatrabaho o gawain.

Sa ilang mga kultura, ang katagang "propesyunal" ay ginagamit bilang isang parirala upang ilarawan ang isang partikular na sapin na panlipunan ng mga manggagawang edukado at may suweldo na nasisiyahan sa malawak na awtonomiyang pangtrabaho at karaniwang nakikilahok sa malikhain at mapangpag-isip na gawaing mapanghamon.[2][3][4][5]

Dahil sa likas na personal at kompidensiyal (lihim) ang maraming mga paglilingkod na pamprupesyon, na nangangailangan ng isang malaking bahagdan ng pagtitiwala sa mga ito, karamihan sa mga propesyunal ang nasasailalim ng mahigpit na mga kodigo ng kaasalan na naglalapat ng mabalasik na obligasyong moral at etika.

Mga sanggunian

baguhin
  1. New Statesman, 21 Abril 1917, artikulo nina Sidney Webb at Beatrice Webb na siniping may pagpayag sa talata bilang 123 ng isang ulat ng UK Competition Commission, na may petsang 8 Nobyembre 1977, na pinamagatang Architects Services Naka-arkibo 2014-04-02 sa UK Government Web Archive (nasa Kabanata 7).
  2. Gilbert, D. (1998). The American class structure: In an age of growing inequality. Belmont, CA: Wadsworth Press.
  3. Beeghley, L. (2004). The structure of social stratification in the United States. Boston: Allyn & Bacon.
  4. Eichar, D. (1989). Occupation and Class Consciousness in America. Westport, CT: Greenwood Press. ISBN 978-0-313-26111-4
  5. Ehrenreich, B. (1989). Fear of falling: The inner life of the middle class. New York: Harper Prennial.