Proklamasyon Blg. 1081

Ang Proklamasyon blg. 1081 ay ang atas ni Pangulong Ferdinand Marcos na nagpahayag ng pagsasailalim ng Pilipinas sa batas militar simula ng ika-21 ng Setyembre, 1972. Nilagdaan ang batas noong ika-21 ng Setyembre 1972. [1] Ipinagtibay talaga ang batas noong Set. 17, ngunit dahil sa paniniwalang pamahiin ni Marcos ipinagpaliban ito ng apat na araw (noong Set. 21) at inanunsyo sa publiko dalawang araw pagkatapos.

Wikisource
Wikisource
Ang Wikisource ay may orihinal na tekstong kaugnay ng lathalaing ito:

Ang ibinigay ni Marcos na dahilan dito ay ang lumalalang kaguluhan ng mga mamayanan, ang isang pagtatangka sa buhay ng kanyang dating kalihim ng tanggulang pambansa na si Juan Ponce Enrile, at ang lumalakas na banta ng komunismo sa mga isla.

Sa ilalim nito ay ang malawakang pang-aabuso, pagkulong at pananakot sa mga mamamayan na pinaghinalaang mga rebelde laban sa pamahalaan. Ngayon ay itinuturing na ito na isa sa mga madidilim ng pangyayari ng kasaysayan ng Pilipinas. Maraming mga panoorin at akda ang nabuo tungkol sa batas militar, kasama na rito ang tanyag na nobelang "Dekada '70" ni Lualhati Bautista.

Ang pangyayaring ito ang nagtapos ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Ito ay pormal na ipinawalang-bisa na noong Enero 17, 1981.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Proclamation No. 1081, s. 1972, Official Gazette of the Philippines". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2021-10-25. Nakuha noong 2019-09-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Batas, Pamahalaan at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.