Renasimyentong Italyano

Ang Renasimyentong Italyano (Italyano: Rinascimento [rinaʃʃiˈmento]) ay isang panahon sa kasaysayang Italyano na sumasaklaw sa sa ika-15 (Quattrocento) at ika-16 (Cinquecento) na siglo, na bumuo ng isang kulturang kumalat sa buong Europa at minarkahan ang paglipat mula sa Gitnang Kapanahunan tungo sa modernidad. (Ang mga tagataguyod ng isang "mahabang Renaissance" ay naninidnigang nagsimula ito noong ika-14 na siglo (Trecento) at tumagal hanggang sa ika-17 siglo (Seicento)). Ang salitang Pranses na renaissance ( rinascimento sa Italyano) ay nangangahulugang "muling pagsilang" at tumutukoy sa panahon bilang isa sa muling pagkabuhay muli ng kultura at pagpapanibagong-interes sa klasikong sinaunang panahon pagkatapos ng mga daang siglo kung saan inilarawan ng mga humanista ng Renasimyento bilang "mga Madilim na Panahon". Ginamit Renasimiyentong may-akda na si Giorgio Vasari ang salitang "Muling pagkabuhay" sa kaniyang Buhay ng mga Pinakamahusay na Pintor, Eskultor, at Arkitekto noong 1550, ngunit ang konsepto ay kumalat lamang noong ika-19 na siglo, matapos ang gawain ng mga iskolar tulad nina Jules Michelet at Jacob Burckhardt.

Renasimyentong Italyano
Clockwise from top:
  1. Mona Lisa ni Leonardo Da Vinci
  2. Tanaw ng Florencia, kung saan ipinanganak ang Renasimiyento
  3. Ang Palasyo ng Doge sa Venezia
  4. Basilika ni San Pedro sa Roma, ang pinakatanyag na obrang arkitektura ng Renasimiyento
  5. Galileo Galilei, Tuscanong siyentista at tagapagtatag ng pamamaraang pang-eksperimento
  6. Machiavelli, may-akda ng Ang Prinsipe
  7. Christopher Columbus, manlalakbay at kolonyalista mula sa Genoa na kung saan ang mga layag ang nagpasimuno ng Europeong kolonisasyon ng Bagong Daigdig
  8. Paglikha kay Adan ni Michelangelo
PetsaIka-14 na sigloIka-17 siglo
LugarMga Italyanong estadong lungsod
Mga sangkotLipunang Italyano
KinalabasanTransisyon mula sa Gitnang Kapanahunan papuntang Modernong panahon

Mga sanggunian

baguhin