Si Richard Paul Astley (ipinanganak Pebrero 6, 1966) ay isang British na mang-aawit na kilala sa kaniyang anyong babyface na nagtatago ng kaniyang taglay na baritonong boses pangkanta. Ipinanganak siya sa Warrington, Cheshire, England.

Isang mang-aawit sa isang bandang nanananghal sa mga club sa England si Astley nang madeskubri siya noong 1985 ng record producer na si Pete Waterman na nagpangsang-ayon sa kaniyang pumunta ng London upang magtrabaho sa studyong pangrekord ng PWL. Sa ilalim ng pangangalaga ni Stock Aitken Waterman, natutunan ni Astley ang mga tungkol sa proseso ng pagrerekord at inihanda siya para sa kaniyang pangkinabukasang karrera.

Ang kaniyang unang single ay ang di-gaanong kilalang “When You Gonna” nina Rick & Lisa ngunit ang kaniyang unang solo break ay ang “Never Gonna Give You Up” na nilabas noong 1987 at agad naghit. Nanatili ito ng limang linggo sa tuktok ng tsarts ng UK at naging pinakamabentang single ng taon.

Nagnumero-uno din ang album na Whenever You Need Somebody, at nagpatuloy din ang singles na naghit.

Tumuktok din noong Enero 1988 sa tsarts ng Estados Unidos ang “Never Gonna Give You Up” at sinundan ito noong Abril ng pangalawa niyang numero-uno sa US—ang pangalawa niyang single release sa US na “Together Forever”.

Nang matapos ang dekada naghiwalay ng pagsasama si Astley kay Waterman. Nagtamo siya ng isa pang malakihang tagumpay noong 1991 sa baladang “Cry for Help” na nakaakyat sa top ten sa UK at sa US.

Noong 2004, nabalitaang nagbabalak siya ng isang comeback o pagbabalik-tanghal.

Tala ng pinakanaghit na singles ni Rick Astley at ang kanilang mga lugar sa tsarts

baguhin
  • “Never Gonna Give You Up” (no. 1 UK, no. 1 US)
  • “Whenever You Need Somebody” (no. 3 UK)
  • “When I Fall in Love”/“My Arms Keep Missing You” (no. 2 UK)
  • “Together Forever” (no. 2 UK, no. 1 US)
  • “It Would Take a Strong, Strong Man” (no. 10 US)
  • “She Wants to Dance with Me” (no. 6 UK, no. 6 US)
  • “Take Me to Your Heart” (no. 8 UK)
  • “Hold Me in Your Arms” (no. 10 UK)
  • “Cry for Help” (no. 7 UK, no. 7 US)

Kawing Panlabas

baguhin