Buksan ang pangunahing menu

Ang rubidyo o rubidyum (Kastila: rubidio, Ingles: rubidium, may sagisag na Rb, atomikong bilang na 37, atomikong timbang na 85.7, punto ng pagkatunaw na 38.98 °C, punto ng pagkulong 688 °C, espesipikong grabidad na 1,532 sa anyong buo o solido, at mga balensiyang 1, 2, 3, at 4) ay isang alkaling elemento na malambot at parang pilak. Kusa itong nagsisiklab sa hangin, at sumasabog naman kapag hinaluan ng tubig. Isinasangkap ito sa mga potoselula at mga tubong bakyum. Natuklasan ito nina Robert Bunsen at Gustav Kirchhoff noong 1861.[1]

Mga sanggunianBaguhin