Santiago, anak ni Alfeo

(Idinirekta mula sa Santiago ang Kaunti)

Si Santiago na bata, anak ni Alfeo[2] ay isa sa mga naging unang alagad ni Hesus. Siya ay kadalasang kinikilala kay Santiago ang Kaunti. May ilang mga dalubhasang ang Santiagong ito ang siyang tumanggap o bumati kay San Pablo sa Jerusalem noong panahong marami ang hindi naniniwala sa pagbabagong-kalooban sa pananampalataya patungong Kristiyanismo ni San Pablo.[3] Si Maria Jacobe ang ina ng Santiagong ito.[2]

James The Less
Statue of St James at the Church of the Mafra Palace, Portugal
Apostle
IpinanganakUnknown
NamatayUnknown
Egypt or Jerusalem
Benerasyon saRoman Catholic Church, Anglican Communion, Eastern Orthodox Church
Kapistahan1 May (Anglican Communion),
May 3 (Roman Catholic Church),
9 October (Eastern Orthodox Church)
Katangiancarpenter's saw; fuller's club; book
Patronapothecaries; druggists; dying people; Frascati, Italy; fullers; milliners; Monterotondo, Italy; pharmacists; Uruguay[1]

Katauhan

baguhin

Posibilidad ng Santiagong Mababa

baguhin

Madalas na iniuugnay si Santiagong anak ni Alfeo kay Santiagong Mababa, na siyang tatlong beses binabanggit sa Bibliya at tuwinang inuugnay sa kanyang ina. Sa Marcos 15:40 binanggit sila bilang "Maria anak ni Santiagong Nakababata at ni Joses", habang sa Marcos 16:1 at Mateo 27:56 naman ay "Maria ina ni Santiago". Kinikilala na siya bilang Santiago, ang pangnakaugaliang lalaking kapatid na kalahati (kapatid sa magulang) ni Hesus.[kailangan ng sanggunian]

Dahil may iba nang Santiago (Santiago, anak ni Zebedeo) sa labindalawang apostol, tama lang na iugnay si Santiagong anak ni Alfeo kay "Santiagong Mababa". (Madalas na tinatawag na "Santiagong Nakatatanda" ang Santiagong anak ni Zebedeo.)

Gayunpaman, nananatiling kontrobersiyal ang katauhang ito sa mga tagasuri ng Bibliya. Pinapabulaanan ito ni John Paul Meier. [4] Para naman sa mga Ebanghelista, sinusuportahan ng New Bible Dictionary ang tradisyonal na pagkakakilanlan,[5] habang pinapanukala nina Don Carson[6] at Darrell Bock[7] na ang katauhan ay posible ngunit walang kasiguruhan.

 
Fresco ni Santiagong Mababa na nasa Simbahang Ortodokso ng Vladimir, Rusya, ika-12 daantaon.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Catholic Forum Patron Saints Index: James the Lesser
  2. 2.0 2.1 Abriol, Jose C. (2000). "Sulat ni Santiago, paliwanang hinggil sa tatlong Santiagong nababanggit sa Bagong Tipan ng Bibliya; Si Santiago na bata na anak ni Alfeo at Maria Cleofe". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1699 at 1766.
  3. "James the Younger, James the Less, James the Little; The Apostles, pahina 333". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. John Paul Meier, A Marginal Jew volume 3, p. 201. "Taliwas sa tradisyon ng Simbahan, walang basehan ang pag-uugnay kay Santiago ni Alfeo kay Santiagong Nakababata."
  5. New Bible Dictionary, Ika-2 Edisyon (IVP 1982), lahok na "James" (ni P.H.Davids)
  6. "The Expositor's Bible Commentary CDROM, komentaryo hinggil kay Mateo (ni Don Carson), komentaryo sa Mateo 10:2-4
  7. Luke, ni Darrell Bock (Baker 1994), komentaryo hinggil sa Luke 6:15

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Santo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.