Rosaryo
Ang rosaryo o santo rosaryo (nangangahulugang "banal na rosaryo") ay ang dasal na binubuo ng ibang panalangin katulad ng Sumasampalataya Ako, Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati, Aba Po Santa Mariang Hari, at Litanya. Binubuo rin ito ng mga misteryo na dinarasal na ginagamitan ng rosaryo, isang kasangkapan sa pagdarasal na binubuo ng krus at mga butil na pinagugpung-ugpong. Dinarasal ito para sa Mahal na Birheng Maria. Binubuo ng apat na misteryo ang pagdarasal ng rosaryo.[1]
Kasaysayan ng Debosyon
baguhinAyon sa tradisyon ng Simbahang Katoliko, ibinigay at itinuro ng Birheng Maria ang pagdarasal ng rosaryo kay Santo Domingo de Guzman, nang siya'y sinabing nagpakita rito noong 1208 sa simbahan ng Prouille sa France.[2]
Noong ika-13 siglo, talamak ang erehiya ng mga Albigense sa rehiyon ng Languedoc sa Pransya. Habang pinupuksa ng isang krusada ang mga erehe, nangangaral naman si Santo Domingo at iba pang mga Katolikong pari sa mga Albigense. Sa kabila ng kanilang pagsusumikap hindi nila mapagtagumpayan ang mga erehe.[3] Upang maibsan ang galit ng Diyos sa mga heretic at makuha niya ang kaniyang atensiyon – nag-ayuno, marahas na penitensiya at taimtim na nagdasal ng walang patid sa loob tatlong araw at gabi[4] si Santo Domingo, hanggang siya'y nanghina at na-coma.[5] Sinabing dito nagpakita sa kanya ang Mahal na Birhen na pinapalibutan ng tatlong anghel, at siya'y kinausap nito "Minamahal kong Domingo, alam mo ba kung aling sandata ang gusto ng Banal na Santatlo na iyong gamitin upang mabago ang mundo?" Nabighani si Santo Domingo ng pangitaing ito at inaming ang Mahal na Birhen lamang ang tanging makakaalam. "Gusto kong malaman mo na, sa ganitong uri ng pakikipaglaban, ang tanging pangwasak ay ang mala-Anghel na Psalter na pundasyon ng Bagong Tipan. Kaya kung nanaisin mong mapalapit sa mga matitigas-ang-loob at ilapit sila sa Diyos, ituro mo ang aking Psalter," ang naging tugon ng Mahal na Birhen sa kanya.[3] Dali-dali siyang bumangon at agarang itinuro ang kaniyang bagong debosyon. Naging epektibo ito na naging daan upang magbalik-loob ang mga heretic.[2] Sa Labanan sa Muret noong 1213, inenganyo ni Santo Domingo na magdasal ng rosaryo ang puwersa ng krusada na pinamumunuan ni Simon de Monfort, sa kanilang pakikipaglaban sa puwersa ng Albigense. Nagwagi ang Katolikong puwersa ng krusada sa nasabing labanan. Sa kanilang palagay ay kanilang pagkapanalo ay mahimala at ito'y idinulot ng kanilang pagdarasal ng rosaryo.
Pagrorosaryo ng Mag-anak at mga Paraan ng Pagdarasal
baguhinAng pagrorosaryo ng mag-anak ay ang pagbigkas ng may malakasang tinig at habang magkakapiling ang mga kasapi ng pamilya at maging pagsali ng mga kaibigan ng mag-anak. Maaari rin namang dalawa lamang sa isang pagkakataon ang ginagawang pagdarasal na ito. Nagagawa ang pagrorosaryo sa anumang angkop na pook at panahon. Ang namumuno ang sumasambit, sa malakas na tinig, ng unang bahagi ng bawat panalangin. Ang pangalawang tao o pangkat ng mga tao ang tumutugon nang may malakas ding mga boses sa pamamagitan ng pagbigkas sa pangalawang bahagi ng mga dasal. Sinisimulan ang pagdarasal ng rosaryo sa pamamagitan ng paghawak ng bawat deboto sa krus ng kanikanilang mga rosaryo sa pamamagitan ng kanilang mga kanang kamay, at magsasangalan ng Ama. Uumpisahan sa pag-aantanda ng krus saka dadadasalin ng pinuno ang Kredo ng mga Apostol, na kilala rin bilang Sumasampalataya Ako, na magpapatuloy sa pagdarasal ng Ama Namin sa malalaking mga butil ng rosaryo at ng Aba Ginoong Maria para sa mga maliliit na mga butil. At ito naman ay susundan ng pagdasal ng Luwalhati. Kasunod nito'y ipinapahayag ng pinuno ng pagrorosaryo ang mga Misteryo bago tumuloy sa mga dekada ng rosaryo. Limang dekada ang dinarasal bawat araw. Sa huli ay dadasalin ang Aba Po Santa Mariang Hari at kung maaari ay ang Litanya ng Mahal na Birhen.
Kaugnay ng pagrorosaryo ang kasabihang "ang mag-anak na nagdarasal na magkakasama ay nananatiling magkakapiling.[6][7]
Nobena at Rosaryo
baguhinItinuturing na isang pagdinig sa pagtataguyod ng Ina ng Fatima sa pagdarasal ng rosaryo ang gawaing pagsasambit ng rosaryo ng siyam na ulit, na isang anyo ng nobena ng rosaryo. Binubuo ang limampu't limang araw na debosyon sa pagnonobena ng rosaryo ng araw-araw na pagdarasal ng limang mga dekada ng rosaryo sa loob ng dalawampu't pitong araw bilang petisyon o hiling at ng lima pang mga dekada sa loob ng dagdag pang dalawampu't pitong mga araw bilang pasasalamat. Ginagawa ang tatlong pagnonobena ng paghiling para sa isang partikular na pagsamo at tatlong nobena para sa pasasalamat kaugnay ng isang partikular na paghiling. Sa unang araw binabanggit ang limang Misteryo sa Tuwa; sa ikalawa, ang limang Misteryo sa Hapis; sa ikatlo, ang limang Misteryo sa Luwalhati; at sa ikaapat, inuumpisahang muli ang limang Misteryo sa Tuwa. Ayon sa mungkahi ni Papa Juan Pablo II, isinisingit sa nobenang ito ang mga Misteryo sa Liwanag sa ikalawang araw ng nobena, na magiging sanhi ng paglipat ng mga Misteryo sa Tuwa sa ikatlong araw ng nobena at sa paglipat ng mga Misteryo sa Luwalhati sa ikaapat na araw ng nobena; sisimulan muli ang mga Misteryo sa Tuwa sa ikalimang araw ng nobena.[6]
Limang Karagdagang Misteryo
baguhinNoong 16 Oktubre 2002, naglabas si Papa Juan Pablo II ng isang Apostolikong Liham na pinamagatang Ang Rosaryo ng Birheng Maria (The Rosary of the Virgin Mary sa Ingles) para hikayatin ang lahat na magdasal ng rosaryo. Kabilang sa nilalaman ng liham ang mungkahing limang bagong mga Misteryo ng rosaryo na may layuning dagdagan ang pagmumunimuning kaakibat ng mga nakaugalian at dating mga misteryo, ang mga Misteryo sa Tuwa, mga Misteryo sa Hapis, at ang mga Misteryo sa Luwalhati. Nakatuon ang mga bagong Misteryo sa Liwanag sa pagaalay ng pagninilay sa mga mahahalagang mga bahagi ng publikong buhay ni Kristo, partikular na ang mga nasa pagitan ng pangangaral ni Hesukristo - mga nasa gitna ng pagbibinyag kay Hesus at kaniyang pasyon - at kabilang din ang kabataan, paghihirap, at muling pagkabuhay ni Hesus. Matatagpuan na ang mga huli sa mga tradisyonal at lumang mga Misteryo ng rosaryo. Itinakda ni Papa Juan Pablong dasalin ang mga Misteryo sa Liwanag tuwing Huwebes, na naging sanhi ng paglilipat sa pagdarasal ng mga Misteryo sa Tuwa tuwing Sabado dahil na rin sa kaugnay nito kay Birheng Maria.[6]
Mga Misteryo ng Santo Rosaryo
baguhinKabilang sa mga Misteryo ng Santo Rosaryo ang mga sumusunod:[1]
Ang mga Misteryo ng Tuwa (Lunes at Sabado)
baguhinAng mga Misteryo ng Tuwa ay mga salaysay sa Bibliya tungkol Mabuting Balita sa pagdating ng Mesiyas, Hari ng Sanlibutan. Isinasalarawan dito kung paano dumating si Hesukristo sa sanlibutan, na sa pamamagitan ng pagbabalita ng anghel ay nagkatawang-tao sa sinapupunan ng Mahal na Birheng Maria. Sumasalaysay din ito sa kabataan ni Hesus.
Mga Pangyayari sa mga Misteryo ng Tuwa
baguhin- Ang Pagbati ng Anghel sa Mahal na Birhen
- Ang Pagdalaw ni Birheng Maria kay Santa Isabel
- Ang Pagsilang kay Hesus
- Ang Paghahain kay Hesus sa Templo
- Ang Pagkakita kay Hesus sa Templo ng Herusalem
Ang mga Misteryo ng Liwanag (Huwebes)
baguhinAng mga Misteryo ng Liwanag ay nagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ni Hesus simula ng nagpabinyag siya kay Juan Bautista sa Ilog ng Hordan, sa kanyang ministeryo ng pagpapahayag ng Mabuting Balita ng Kaligtasan at Pagkakatatag ng Sakramento ng Eukaristiya.
Mga Pangyayari sa mga Misteryo ng Liwanag
baguhin- Ang Pagbibinyag kay Hesus sa Ilog Hordan.
- Ang Paghahayag ni Hesus sa kasalan sa Cana
- Ang Pagpapahayag ni Hesus ng Kaharian ng Diyos
- Ang Pagbabagong-anyo ni Hesus
- Ang Pagtatatag ni Hesus ng Banal na Eukaristiya
Ang mga Misteryo ng Hapis (Martes at Biyernes)
baguhinAng mga Misteryo ng Hapis ang pinakamahalagang yugto ng pagninilay sa Santo Rosaryo. Dito isinasalaysay kung paano nagpakasakit at ipinako sa krus ang Mesiyas upang tubusin ang sangkatauhan sa kasalanan.
Mga Pangyayari sa mga Misteryo ng Hapis
baguhin- Ang Pananalangin ni Hesus sa Hardin
- Ang Paghampas kay Hesus na nakagapos sa Haliging Bato
- Ang Pagpuputong kay Hesus ng Koronang Tinik
- Ang Pagpapasan ni Hesus ng Krus
- Ang Pagkapako at Pagkamatay ni Hesus
Ang mga Misteryo ng Luwalhati (Miyerkules at Linggo)
baguhinAng mga Misteryo ng Luwalhati ay nagsasalaysay ng galak at pag-asa sa muling pagkabuhay ni Hesus, sa pag-akyat niya sa langit, sa kanyang pangako na muling magbabalik, sa pagpanaog ng Espiritu Santo sa mga alagad at sa pag-akyat at pagputong ng korona sa Mahal na Birhen.
Mga Pangyayari sa mga Misteryo ng Luwalhati
baguhin- Ang Muling-pagkabuhay ni Hesus
- Ang Pag-akyat ni Hesus sa Langit
- Ang Pagpanaog ng Espiritu Santo sa mga Apostol
- Ang Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birhen
- Ang Pagpuputong ng Korona sa Mahal na Birhen
Mga araw ng pagdarasal
baguhinTradisyon na nang may mga araw kung kailan dapat pagnilayan ang mga Misteryo ng buhay at pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus at kasama ring pinagninilay si Maria. Ng unit mas pinakamainan na pagnilayan ang lahat ng misteryo sa isang araw.
ARAW NG PAGDARASAL | Kasama ang mga Misteryo ng Liwanag (Bagong Tradisyon) | Hindi kasama ang mga Misteryo ng Liwanag (Lumang Tradisyon) |
---|---|---|
LINGGO | mga Misteryo ng Luwalhati | Adbiyento: mga Misteryo ng Tuwa; Kwaresma hanggang Linggo ng Palaspas: mga Misteryo ng Hapis; Karaniwang Panahon, Pasko ng Pagkabuhay hanggang Linggo bago ang Adbiyento: mga Misteryo ng Luwalhati |
LUNES | mga Misteryo ng Tuwa | mga Misteryo ng Tuwa |
MARTES | mga Misteryo ng Hapis | mga Misteryo ng Hapis |
MIYERKULES | mga Misteryo ng Luwalhati | mga Misteryo ng Luwalhati |
HUWEBES | mga Misteryo ng Liwanag | mga Misteryo ng Tuwa |
BIYERNES | mga Misteryo ng Hapis | mga Misteryo ng Hapis |
SABADO | mga Misteryo ng Tuwa | mga Misteryo ng Luwalhati |
Ang Labinlimang Pangako ng Rosaryo
baguhinGumawa ng Labing-limang pangako ang Birhen Maria sa mga Kristyano na magdadasal ng Rosaryo.[8][9][10]
- Kung sino ang dapat na matapat maglingkod sa akin sa pamamagitan ng pagdasal ng rosaryo ay dapat tumanggap ng mga tandang grasya.
- Pangako ko ang aking espesyal na proteksiyon at ang pinakadakilang mga grasya sa lahat ng mga taong dapat bigkasin ang rosaryo.
- Ang rosaryo ay dapat na isang malakas na bagay laban sa impiyerno, ito ay pupuksa sa bisyo, pagbawas ng kasalanan, at matatalo ang mga maling pananampalataya.
- Ito ay sanhi ng kabanalan at mabuting gawa upang umunlad; ito ay para makakuha ang kaluluwa ng awa ng Diyos; babawiin nito ang mga kagustuhan ng puso ng mga tao mula sa pag-ibig ng mundo at ang kanyang mga walang halagang bagay, at iangat ang mga ito sa pagnanais ng mga bagay-bagay na walang hanggan. O, gagawing banal ng mga kaluluwa ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng ang ibig sabihin nito.
- Ang kaluluwa na pinapayo mismo sa akin sa pamamagitan ng pagdarasal ng rosaryo ay hindi dapat mamatay.
- Kahit sino ay dapat italaga ang rosaryo, nagaalay ang kanyang sarili sa pagsasaalang-alang ng mga na misteryo, hindi dapat makaranas ng kamalasan sa buhay. Ang Diyos ay hindi pumalo sa kanya sa Kanyang katarungan, siya ay hindi sa pamamagitan ng isang hindi masaganang kamatayan; kung siya na lamang ay dapat manatili sa biyaya ng Diyos, at maging karapat-dapat ng buhay na walang hanggan.
- Kahit sino na magkakaroon ng isang tunay na debosyon para sa rosaryo ay hindi dapat mamatay na walang ang mga sakramento ng Simbahan.
- Yaong mga tapat na bigkasin ang rosaryo ay dapat magkaroon ng panahon sa kanilang buhay at sa kanilang kamatayan sa liwanag ng Diyos at ang kabuuan ng Kanyang mga giliw; sa sandali ng kamatayan sila ay dapat na lumahok sa mga katangian sa langit.
- Ililigtas ko mula sa purgatoryo ang mga tapat sa rosaryo.
- Ang mga tapat na mga anak ng rosaryo ay dapat maging marapat sa isang mataas na antas ng kaluwalhatian sa langit.
- Ikaw ay dapat kumuha ng lahat ng humingi sa iyo ng akin sa pamamagitan ng pagdarasal ng rosaryo.
- Lahat ng mga taong nais palaganapin ang banal na rosaryo ay dapat matulungan sa pamamagitan ko sa kanilang mga kailangan.
- Ako na nakuha mula sa aking mga Banal na Anak na ang lahat ng mga tagapagtaguyod ng rosaryo ay dapat magkaroon ng para sa mga tagapamagitan, ang buong makalangit na hukuman, sa panahon ng kanilang buhay at sa oras ng kamatayan.
- Lahat ng bibigkas ng rosaryo aay aking mga anak, at kapatid na lalaki ng aking anak na lalaki lamang na si Hesus Kristo.
- Ang debosyon ng aking rosaryo ay isang dakilang tanda ng kapalaran.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Santo Rosaryo, Dasal na Pampurok, Maliit na Dasalan ng Pagrorosaryo Naka-arkibo 2008-03-26 sa Wayback Machine., nakuha noong 18 Marso 2008
- ↑ 2.0 2.1 Feeney, Robert. "St. Dominic & the Rosary." catholic-pages.com.[1] Naka-arkibo 2011-04-07 sa Wayback Machine.. (Inaccess 2011-05-29). (sa Ingles)
- ↑ 3.0 3.1 Fournier, Catherine at Fournier, Peter. "Marian Devotions in the Domestic Church." Domestic Church Communications Ltd.[2] Naka-arkibo 2011-09-25 sa Wayback Machine. (Inaccess 2011-05-30). (sa Ingles)
- ↑ "The History of the Rosary." www.prayrosary.com. [3]. (Inaccess 2011-05-30). (sa Ingles)
- ↑ Shepherd, Vickie. "Rite of Christian Initiation for Adults — The RCIA Process." RCIA (2000). e-Catholic2000.com.[4]. (Inaccess 2011-05-30). (sa Ingles)
- ↑ 6.0 6.1 6.2 Maling banggit (Hindi tamang
<ref>
tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalangRosary
); $2 - ↑ Salin mula sa Ingles na: The family that prays together... stays together.
- ↑ Dominican Fathers on the Rosary http://www.rosary-center.org/nconobl.htm
- ↑ Holyrosary.org http://www.theholyrosary.org/power.html[patay na link]
- ↑ Rosary promises http://www.catholic.org/clife/mary/promises.php Naka-arkibo 2010-03-31 sa Wayback Machine.